Kakagising ko lang saktong may tumatawag sa phone ko kaya nagising ako sa ingay, nasa tabing tainga lang yon kaya maririnig at maririnig ko talaga. sa sobrang lapit ba naman.
"Who's this?"matamlay na sa sagot ko.
"Goodmorning cheska bangon na at tayo mamamasyal saaming hotel"natatawang bati ni hayes sa kabilang linya.
"Please hayes umagang umaga"sambit ko habang humarap sa kabilang side ng kama ko, hanggang umaga ba naman kinukulit ako ng lalaki na 'to wala talagang piniling oras e.
"Okay fine, pero sasama ka muna sakin hindi na kita guguluhin promise"nangako pa si tanga, at ako naman to ay pumayag kasi nag promise.
After ko mag ayos ng sarili ko nag paalam na din ako kila mommy na lalabas kami ng mga friends ko kahit hindi naman totoo, kailangan ko mag sinugaling para tigilan ako ng mukong na 'yon. Hindi na ako nag pahatid kay kuya kasi malapit lang naman samin yung mall kung san kami mag kikita ni hayes.
Ilang oras din ako nag hintay sa mall habang hinihintay si hayes, napaka bagal kasi kumilos sabi niya mabilis lang siya halatang sinungaling, nag ikot ikot lang ako sa loob ng mall sa sobrang boring mag hintay sa tanga na lalaki.
Hanggang makarating ako sa playground ng mall, sobrang lawak ang mall ng asian kaya madami kang pwedeng tambayan o ikutan at lalong hindi ka mag sasawa pumunta dito kasi malapit yung mall sa mga maraming puno, sobrang sarap tumambay sa playground kasi maraming bata ang naglalaro.
Habang paupo ako sa gilid ng puno may napansin akong isang lalaki na naka tingin sa batang babae, hindi niya inaalis ang tingin niya doon kahit saan pumunta ang bata sinusundan niya ng tingin ito.
"Sobrang sarap siguro magka-anak"sambit ng lalaki habang naka tingin sakin, grabe maka titig wagas. "Mag anak na kaya tayo"dagdag pa nito habang nakatingin pa rin sakin.
"What?nahihibang ka na ba ni hindi nga kita kilala tapos yayayain moko magka anak"sambit ko habang tinuturo yung bata na kanina pa niyang tinitignan. Tumawa naman siya ng malakas sa sarap ko, nakikita ko sa mukha niya na mumula habang tumatawa. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?ikaw nga 'tong nakakatawa kasi bigla bigla kang nag aaya"dagdag ko pa.
"Stupid"natatawa niyang sambit, habang papalayo siya sakin tumatawa pa rin siya, ano bang nakakatawa sa sinabi ko. baliw ba siya nakakainis naman.
Umupo nalang ako kung san siya naka upo kanina, napagod paa ko kakalakad at kakahintay sa tangang lalaki. nakakainis mag iisang oras na ako dito pero wala pa din siya. maya maya ay naring ang phone ko na nasa bulsa ng pants ko, dali dali kong sinagot ang tawag na yon kasi alam kong si hayes naman 'yon.
"Nasan ka na ba kanina pa ako nandito"naiirita kong sabi sakaniya. hindi ba siya nahihiya babae yung pinaghihintay niya, sobrang kapal naman ng pagmumukha nito.
"Kalma, hinahanap ko din kasi yung isa kong kaibigan kasama ko siya kanina ipapakilala ko kasi siya sa'yo, baka maging kayo diba"hanggang ngayon ba naman hind pa rin siya tapos mangasar.
"So what, pwede bang mag pakita kana sakin kanina pa ako naiinip dito"sambit ko habang inikot ang paningin, nahagip ng mga mata ko yung guy kanina na naka tingin sakin, ng mapansin niyang naka tingin ako ngumiti siya ng halatang nangangasar.
"Nasan ka ba"tanong ni hayes na halatang nag lalakad, napansin kong nag lalakad din yung guy na may kabasamang isang lalaki na may hawak na phone.
"Anong kulay suot mo?"tanong ko na parang si hayes yong kasama ng guy, hindi ko maiwasan na tignan yung lalaki na kasama ni hayes matangkad siya at singkit yung mga mata, moreno yung kulay niya halatang kutis probinsya yung guy, natatakpan yung mga mata niya ng mga mahahaba niyang buhok.
"Polo na itim, how about you?"balik na tanong nito sakin, "Pink crop top"tipid na sagot ko, maya maya lang ay lumapit sakin si hayes at yung guy na nakita ko kanina kung nasan ako ngayon, ang lapad ng ngiti niya makita ako harap harapan.
"Hi cheska, I'm Hayes and Tanner meet my friend"pakikilala sakin ni hayes sa kaibigan niya, nakakainis ang malas ko bakit siya pa yug kaibigan na hinahanp ni hayes kanina.
"I'm cheska"tipid kong pakikilala sakaniya, bakit ako pa ang nahihiya sa ginawa niya kanina, lakas din pala ng tupak nito e, mag kaibigan nga talaga sila. "Anong nakakatawa ba ha!?"napahinto kaming tatlo sa pag lalaakd ng bigla akong sumigaw kay tanner, nakakainis kasi kanina pa tumatawa, alam kong baliw siya pero nakakairita kasi yung tawa niya.
"Chill ka lang, hindi naman ikaw tinatawanan ko si hayes kasi may sinasabi siya"paliwanag niya sakin habang naka tingin silang pareho sakin.
Nakakainis kanina pa pala sila nag uusap ang epal ko naman akala ko kaya siya tumatawa ng dahil kanina sa nanyare, nakakahiya ka cheska.
"Cr lang ako"paalam ko at tumalikod na sakanila, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila alam kong pag tatawanan lang ako ng dalawa.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...