Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko ng tumunog ang phone ko na nasa tabi ko lang, kinapa ko hanggang maramdam ko na na nahawakan na ng mga palad ko.
Nakita kong nag text si karina sakin, alam kong yayayain nanaman niya ako sa bar kahit diko pa nakikita ang mga message niya sakin.
Wala akong gana umalis ng bahay, ewan ko ba tamad na tamad ako kumilos ngayon buwan. Tapos naman na ako sa mens ko kaya nakakapag taka kung bakit ganto nararamdaman ko, wala naman akong boyfriend at lalong walang gumagalaw sakin.
Hindi naman ako kinakabahan kasi nagkaron na ako this month, kaya no worries na. Narinig kong nag ring ang phone ko na hawak ko pa rin hanggang ngayon.
Tumatawag naman ngayon si karina, alam niyang wala akong balak mag reply sa mga text niya kahit oras oras siya mag text, wala siyang matatanggap na reply galing sakin.
"Yes?"tamad kong sagot sa kabilang linya.
"Hey cheska, alam kong nakauwi na si darren!"malandi niyang hiyaw sa kabilang linya, napalayo ko nalang yung phone ko sa tainga ko sa sobrang lakas ng boses niya. Simula bata palang kami ni karina crush na crush niya si kuya darren, kahit hindi siya pinapansin ni kuya siya gumagawa ng paraan para mapansin siya ni kuya darren.
"Yes, go pumunta ka nalang dito. 'wag mo lang ako maistorbo sa kwarto ko" matamlay na sagot ko sakaniya.
"Hey cheska are you okay?"tanong niya sakin, halata sa todo niya nag aalala siya. Kaoahan nanaman ni karina ingame nanaman.
"Hmm"tipid kong sagot, naka pikit na ako habang kausap siya sa phone. Ngayon naman inaantok ako kakagising ko lang kanina pero inaantok nanaman ako, ano ba naman 'to.
"On the way na ako, hintayin mo lang ako alam kong masama pakirandam mo bibilhan lang kita"sambit niya habang nag mamadali, minsan ko lang talaga maasahan kasi palaging busy sa mga lalaki niya.
Hindi pa ako nakakapag salita pinatay na niya ang tawag, inilapag ko nalang sa gilid ko ang phone ko habang naka pikit.
Maya maya lang ay nag rinig nanaman ang phone ko, dali dali kong sinagot ang tawag.
"Ano ba karina pumunta ka nalang dito sa bahay"naiirita kong sambit habang naka pikit. "Hello?tatawag ka tapos hindi ka mag sasalita, 'wag moko asarin karina wala ako sa mood ngayon"dagdag ko pa habang naka pikit pa rin hanggang ngayon.
"Hmm wrong call ata ako"sambit na nang kabilang linya. Omg no!no!no! Hindi si karina ang tumawag at boses lalaki siya. Napadilat nalang ako sa gulat nang narinig ko ang boses na 'yon.
"Sino 'to?"tanong ko na nakaupo na sa kama ko. First time kong kumausap ng lalaki sa phone number kasi private lahat ng social media ko at lalo na ang phone number ko.
"Hindi mo na need malaman, na wrong call lang ako"sagot naman ng nasa kabilang linya.
"Sa susunod ayu-"hindi pa ako natatapos mag salita ay pinatay na nito ang tawag niya.
Padabog akong bumangon sa kama at dumeretso sa banyo ng kwarto ko, nakakainis interesado pa naman ako sakaniya tapos bababaan niya lang ako ng tawag. Nakakabastos naman yung ginawa niya, hindi ba niya naisip na babae ang kausap niya hindi lalaki.
Pag labas ko ng kwarto ay ganon nalang ang gulat ko ng nakita si karina na naka upo sa kama ko at naka tingin deretso sa pintuan ng banyo.
"Para kang binagsakan ng langit at luma sa mukha mo"sambit ko habang papunta sa make up table ko.
"Si darren kasi hindi manlang bumati sakin ng good morning"malungkot na sambit niya sabay bagsak ng katawan niya sa kama ko.
"Baka wala sa mood, para kang hindi nasanay sakaniya"sagot ko habang nag s-spray ng alcohol sa mga palad ko.
"Alam ko naman, pero dapat bumati pa rin siya kasi ngayon na ngalang niya ako nakita tapos hindi pa niya ako babatiin ng good morning "mangiyak-iyak niyang sambit.
"Ang oa mo karina, dati nga hindi ka nga niya tinitignan tapos ngayon na hindi lang nakapag good morning sa'yo ganyan ka na ka oa"mahaba kong sambit habang papalapit sakaniya.
"Namiss ko lang naman siya, alam mo naman kung gaano ako katagal nag hintay sa pag uwi niya tapos hindi niya ako binati"umiiyak niyang paliwanag, siguro nung umulan ng mga kaoahan salong salo ni karina.
"Iiyak ka dyan e hindi ka naman gusto 'non"pangangasar ko pa lalo, lalo naman lumakas ang iyak niya. Puro iyak niya ang naririnig sa loob ng kwarto ko. "Tumahan ka nga dyan, baka isipin nila inaapi kita dito"dagdag ko pa habang deretso na nakatingin sakaniya.
"Siguro pinaglihi ako ni mommy sa kaoahan" natatawa niyang sambit, parang hindi siya umiyak sa pinapakita niya ngayon. Pero halata naman sa mata niya.
"Oa ka lang talaga"natatawa ko naman sambit, tumunog ang phone ko at may nag text 'don, nung kukunin ko na ay naunahan ako ni karina.
"Sorry nag end ang call, naubusan ako ng load kanina"pag babasa niya sa text na dumating sakin "Sino naman 'to?"dagdag niya at binuksan ang phone ko.
Alam niya ang password ng phone ko kasi may tiwala naman ako sa kaibigan ko, kahit minsan ay oa siya.
"What the fuck bago sa contact mo"sambit ni karina na nakatakip pa ang bibig niya gamit isang kamay, lumapit naman ako sakaniya at tignan ang pinipindot niya.
"Wrong call daw siya, akala ko nga ikaw tumawag sakin kanina kaya sunod sunod yung salita ko. Saktong wala ako sa mood kaya sakaniya ko nabuhos"paliwanag ko at kinuha ang phone ko na hawak niya.
"Tapos nag text siya? wrong call na nga nag t-text pa siya omg baka lalandiin ka niyan"malandi niyang hiyaw.
"Tumahimik ka nga baka marinig ka ni kuya, nasa kabilang room lang siya"saway ko sakaniya, nag talon talon pa talaga siya sa kama ko.
"Ay sorry, excited lang ako kasi magkakaron ka ng boyfriend"sambit pa niya.
"Na wrong call lang boyfriend agad, 'wag ka ngang oa dyan karina" sambit ko habang masama ang tingin sakaniya.
"Okay fine, tara baba tayo nagugutom na ako. May dala akong pizza pasalubong ko kasi now nalang uli ako naka bisita sainyo"mahaba niyang sambit.
Hindi pa ako nakakapag salita hinila na niya ako palabas ng kwarto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/362829986-288-k637495.jpg)
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
Любовные романы"Because at the end of the day you're the person I want to come home to. You're the person I want to tell how my day went. You're the person I want to share my happiness, sadness, frustration, and success with."