"Warren sumasakit tiyan ko"sambit ko habang kinakalabit siya, nasa sala kami ngayon nanonood ng kahit ano sa tv.
Walang siyang trabaho kaya nakipag bonding nalang sakin, tutal nasa bahay lang din naman ako.
"Buwanan mo na ata, ready na ba yung bag na dadalhin natin?"sambit nito habang hawak hawak ang tiyan ko.
"Oo, nasa gilid lang nang kama ko"sambit ko habang namimilipit na sa sakit.Dali daling pumunta si warren sa kwarto, wala na siyang pake kung ano masagi niya sa dinadaanan basta makapunta lang sa loob nang kwarto ko.
"Let's go, sa malapit na hospital tayo pupunta"sambit nito habang binubuhat ako at dala dala yung bag namin ni baby cam.
May kasama kaming isang batang babae, hindi ko na napansin kung paano naka pasok o sino siya.
Ilang minuto lang din kami nasa byahe daw minamadali na ni warren ang pag da-drive, pero maingat pa rin siya.
"Hurry up!!!"sigaw ni warren sa mga nurse na nasasalubong namin.
"Ate cheska andito lang po kami sa labas ni ninong warren po ha"rinig kong sambit nang bata na kasama namin, hinawakan niya ang kamay ko at pinipisil 'yon.
Ngumiti ako sakaniya bilang sagot sa sinabi niya, pag pasok namin sa room kung saan ako manganganak.
"It's a boy mommy"sambit nang doctor na hawak hawak si cam, lahat ng pagod ko nawala nung nilagay si baby cam sa dibdib ko.
Tumutulo luha ko dahil sa saya na hanawakan ko na ang anak ko, anak ko na hindi ko pinag sisihan na pinanganak ko siya.
Hinalikan ko sa noo ang anak ko, iingatan kita kahit hindi tayo naingatan ng totoo mong daddy. Gagawin ko ang makakaya ko mapalaki lang kita ng maayos.
Nagising nalang ako sa ingay ng mga tao sa loob ng kwarto ko, sobrang nanghihina pa ang mga katawan ko pero pag nakita ko na ang lakas ko. Masaya na ako.
"Asan si cam?"tanong ko sa mga tao andito, andito din sila ailsa at ang pamilya niya. Andito pa din yung bata na kasama namin kanina sa kotse kung sino ang nag pagaan ng loob ko.
"Kinuha muna ng nurse, aasikasuhin daw muna"sambit ni warren na nasa tabi ko na at may hawak na baso.
"Hi ate cheska, ang ganda mo po pa rin kahit bagong panganak"sambit ng bata, hindi ko siya kilala pero narinig ko na ninong niya si warren.
"Siya si maya, inaanak ko iniwan muna sakin kasi may lakad yung mommy niya"sagot ni warren, alam niya siguro na nag tataka ako kung sino yung bata.
"Bakit marunong siya mag tagalog?"tanong ko, tignan ko naman si maya na naka ngiti pa rin sakin. Masayahin na bata si maya at alam niya kung mahina loob ang tao.
"Lumaki siya sa pinas, dinala lang siya ng kaibigan ko dito kasi hinahanap niya yung daddy ni maya"sagot ni warren na naka upo na sa tabi ko. "Hindi ko din alam kung kailan kukunin sakin si maya, sa bahay mo muna si maya tutuloy para may katulong ka din"dagdag pa nito.
"Mabait po ako ate cheska"sambit ni maya, ngumiti naman ako sakaniya. "Halika"sambit ko kay maya at tumakbo siya papalit sakin.
"May ate na po si baby cam"sambit nito sakin, lalo akong naging masaya dahil may nag mamahal na kay cam at matatawag na ate.
![](https://img.wattpad.com/cover/362829986-288-k637495.jpg)
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
Romance"Because at the end of the day you're the person I want to come home to. You're the person I want to tell how my day went. You're the person I want to share my happiness, sadness, frustration, and success with."