Page 35

35 9 0
                                    

Ilang araw na din ang naka libas, naka uwi na kami ni baby cam sa bahay ko at nasa akin nga si maya.

Siya ang katulong ko sa mga gawain bahay, alam niya na bawal ako mag buhay kaya hinihila nalang niya para maayos ang pag lagay.

Pag hindi naman umuuwi si warren at si maya ang katabi ko matulog sa kwarto, baka daw kasi may gusto akong kainin para daw matawagan niya agad ang ninong niya.

"Ate cheska"tawag sakin ni maya na kanina pa nanonood sa tv, kakatulog lang din ni cam kaya wala na akong masyadong gagawin.

"Yes po?"sagot ko at tinignan siya na kanina pa pala naluluha, hindi ko alam pero hindi naman nakakaiyak yung pinapanood namin.

"Ate can i call you mommy?"natigilan ako sa sinabi niya, ilang araw palang siya pero ganon nalang talaga ang closeness naming dalawa. Para kaming mag ina.

"Hindi ba magagalit parents mo?"sambit ko habang hinihimas ang buhok niya.

"Ang totoo mo kasi talaga ate wala na po si mommy, binigay ako ni daddy kay ninong kasi hindi naman daw niya ako kayang buhayin at pag aralin"mangiyak-ngiyak niyang sambit.

"Bakit hindi sinabi sakin nang ninong mo?"naawa ako sa bata dahil sa murang edad niya wala na siyang magulang na uuwian.

"Hindi po alam ni ninong, sakin lang po sinabi ni daddy"tuluyan na siyang umiyak sa mga bisig ko.

"Shh tahan na, kung ano gusto mong gawin sakin gawin mo lang okay or kaya sa kapatid mong si cam diba?andito lang naman kaming dalawa ni baby cam dagdag mo pa si ninong mo diba"pag aamo ko sakaniya, tumigil naman siya sa kakaiyak, may isip na si maya kaya alam kong kaya na niya intindihin lahat ng bagay.

"Mommy pwede po kita yakapin?"sambit ni maya at tumango ako bilang sagot, yumakap naman siya saakin. "Simula ngayon ikaw na ang mommy ko"dagdag pa niya. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

"Hmm maya kailan pala birthday mo?"tanong ko habang naka yakap pa din siya sakin, humiwalay lang siya dahil daw naiinitan siya sa pwesto.

"Diba po february 19 si baby cam?ako po february 20"masaya niyang sambit, hindi ko manlang naitanong nung nagising ako sa hospital.

Nag birthday siya na kami ang kasama at nasa hospital pa kami ni cam.

"Alam mo pag first birthday ni cam isasabay ko sa birthday mo para pareho kayong masaya"nakangiti kong sambit.

"Hala mommy nagising si cam"turo ni maya kay cam na kanina pa pala gising, hindi manlang umiyak ang baby boy ko.

Ang bait talaga niya alam niya na may kausap ako hindi niya ako inistorbo.

Kinuha ko siya sa crib niya at tuwang tuwa naman ng makita ang tv na bukas, dali dali naman kinuha ni maya ang remote para ilipat sa cocomelon.

Pinapanood kasi namin yung lumang engcantadia, mahilig din pala si maya doon kaya pareho kaming nagkasundo sa panoorin.

Nilapag ko muna si cam sa crib dahil may tao sa labas, pag bukas ko ay nakita ko si warren na may dalang bulaklak at kung ano ano pa.

"For you mommy"inabot niya sakin ang bulaklak, alam na niya na favorite ko ang roses na color red.

"Hiii mga baby ko"sambit sa dalawang bata, tawa pa rin ng tawa si cam dahil nilalaro siya ni maya.

Kasya naman si maya sa crib ni cam kaya sa tuwing naglalaro sila ay sa loob ng crib ni cam nalang. Maingat din si maya makipag laro dahil new baby pa daw.

Hindi pa din marunong si maya mag buhat ng baby kaya sa tuwing iiyak si cam at may ginagawa ako, hindi niya ako tinatawag dahil siya ang nag papatahan kay cam.

May cctv sa kwarto namin tatlo kaya napapanood ko kung pano patahanin ni maya si cam.

"Ninonggg!!"sigaw ni maya at dahan dahan bumaba sa crib ni cam, sweet na bata si maya makikita mo kasi kahit may ginagawa lang ako yayakap siya sa likod ko at sasabihin ang bango bango ko daw.

"Kumain ka na ba?"tanong ni warren at kinalong si maya, 5 years old palang si maya pero akala mo nasa tamang edad na para mag isip e.

"Opo, sabay kami ni mommy"sagot ni maya at ngumiti sa ninong niya.

"Umuwi na mommy mo?"takang tanong ni warren sa inaanak, tinignan ko si maya nawala ang mga ngiti niya na kaninang binuo niya.

"Halika kay mommy"sambit ko kay maya, bumaba naman siya sa ninong niya at tumakbo sakin.

Binaon niya ang mukha sa leeg ko, umiiyak nanaman si maya alam kong nangungulila na siya sakaniyang ina.

"Tulog na kayo ni cam maya gusto mo?"pag aalok ko sakaniya, aatukin din naman siya dahil kanina pa umiiyak.

Tumango lang siya bilang sagot, nag paalam muna ako kay warren na ipapasok ko muna ang dalawang bata. Pumayag naman siya at mag hahanda lang daw siya ng makakain naming dalawa.

Pasok ko sa kwarto ay hiniga ko muna si cam sa crib niya, madaming crib si cam ng dahil kay warren oa niya kasi masyado.

Binuhat ko naman si maya at hiniga sa kama namin, si maya muna ang papatulugin ko dahil hindi naman umiiyak sa cam at nag lalaro lang ng toy niya.

"Mommy don't leave me "sambit nito habang naka pikit, ang bilis lang niya din makatulog dahil na din siguro sa pagod.

"Mamahalin kita tulad ng pagmamahal ko kay cam"sambit ko at hinalikan siya sa noo, bumangon ako para si cam naman ang patulugin. Pag tingin ko sakaniya ay nag lalaro pa din, naka tulog na din pala siya kanina kaya hindi inaantok.

Binuhat ko nalang uli palabas si cam, inaayos ko na din yung mga unan sa tabi ni maya para hindi siya mahulog binuksan ko na din ang pinto para makita ko siya kahit may ginagawa ako.

"Anong alam mo kay maya?"sambit ni warren na nanood sa sala, hindi siya naka tingin sakin naka focus siya sa pinanood.

Umupo ako sa tabi niya habang buhat pa din si cam.

"Wala na ang mommy ni maya, binigay na daw siya sa'yo dahil hindi na kaya ng daddy niya na buhayin ang bata at pag aralin."sambit ko

"Hindi niya ba talaga kaya?pero kaya niya humahanap ng mapapangasawa ulit"sa boses palang ni warren alam na galit ito.

"Kaya gusto niya akong tawagin na mommy, pinayagan ko dahil alam kong nangungulila siya sa isang ina. Ganon din ako"sambit ko at pina dede si cam.

"Ano ba yan cheska, kahit saan ka nalag nag papa dede"bulyaw ni warren, tumaya siya at tumalikod para hindi makita ang pag dede ko kay cam.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now