Page 28

45 14 0
                                    

Hindi ko alam pero gustong gusto ko kumain ng buko, anong oras na pero buko pa ang hinahanap ng baby ko.

Tinatawagan ko si warren pero hindi sinasagot, baka nakatulog na din siya pagod pa naman non madami siyang binuhat paakyat ng bahay ko. Baka daw kasi ako ang mag buhat bukas ng umaaga.

"Ano ba yan wala akong mautusan nagugutom na ako"sambit ko habang naglalakad papunta sa kusina ko.

3am na ng umaga pero ako nandito pa din sa kusina nag hahanap ng laman na buko, san naman ako hahanap ng gantong oras.

Ganto pala pakiramdam ng mga lalaki pag naglilihi ang mga asawa nila, hindi alam kung saan bibili lalo na kapag sobrang hirap. Feel ko tuloy mommy at daddy na ako ng baby ko ako na gumagawa ng mga gusto kong gawin.

"O san ka pupunta?"rinig kong sambit ni warren sa harapan ko, lalabas na sana ako kaso dumating naman 'tong lalaki.

"Omg what's that!?"excited kong sambit habang naka turo sa hawak hawak niyang plastic, hindi ko alam pero naluluha ako emotional talaga ang mga buntis.

"Sabi mo gusto mo ng buko diba?"sambit nito habang papunta sa kusina, sumunod naman ako para akong aso na nag hihintay pakainin ng amo.

"Oo pero hindi ka naman sumasagot sa lahat ng tawag at text ko"sambit ko habang sinisilip yung ginagawa niya.

"Buti nalang talaga nasa labas pa ako nung na received ko yung message mo, kakauwi ko lang din nun galing gym kaya nag hanap nalang muna ko baka kasi umiyak ka pag hindi nakain gusto ng baby mo."mabaha nitong

Inabot niya sakin yung lalagyan na may laman na buko, hindi ko pa nailalapag kinain ko agad yon at ngumiti ng maramdaman ko na sa bunganga ko.

Hindi ako kumakain ng laman na buko pero si baby lang pala ang mag papakain sakin, hindi naman sa hate ko ayoko lang talaga ng lasa pero ngayon sobrang sarap na saakin.

"Dahan dahan naman, baka mabulunan si baby sa tyan mo"natatawang sambit ni warren, hindi ko siya pinakinggan at nag tuloy lang sa kinakain.

"Ganyan ba talaga pag buntis maraming gustong kainin ng gantong oras"dagdag pa nito, tinignan ko siya at halata sa mukha niya na pagod at antok na.

Hindi pa man nauubos ang pagkain ko pero nilapag ko muna at humarap kay warren na inaantok na.

"Wag ka na muna umuwi sa bahay mo, dito ka muna mag stay alam kong pagod ka halata naman sa mga mata mo e"sambit ko sakaniya habang deretso na nakatingin sakaniya.

"Sino ba nag sabi na uuwi ako, sarap sarap kaya tumira dito sa bahay mo"sambit niya naman na papunta sa sala.

Ang kapal din naman pala ng pagmumukha nito, akala ko pa naman tatanggi siya kasi babae ako at isa lang ako nakatira sa bahay.

Balak ko sana kumuha ng nanny, pero hindi sa anak ko kaya ko naman bantayan siya at may ipon ako kaya wala na akong iisipin pa sa mga bibilhin incase na kailanganin ko.

Pinapunta ko na si warren sa kwarto niya, tabi lang ng kwarto ko yon kaya malapit lang. yon din gagawin kong room ng baby ko pag lumaki na siya, malaki din naman yon kaya pwede lagyan ng playroom.

Pumasok na din ako sa room ko at nag pahinga muna saglit at natulog na din.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now