Page 49

15 3 0
                                    

Ilang araw na din nakalipas nung una namin pag kikita ni tanner, andito ulit ako sa bahay nag hihintay ng trabaho.

Malaki din naman yung sweldo ko sa pagiging model, sapat na para saming apat.

Hinihintay lang namin ngayon si warren dahil aasikasuhin na namin yung papel ni sadie, ready na kaming tatlo. May pinuntahan pa si warren kaninong umaga pa siya umalis pero hanggang ngayon hindi pa siya nakaka uwi.

Nag text naman siya sakin na saglit nalang daw yung ginagawa niya at makakauwi na siya dito.

Wala naman sakin problema kung ano ginagawa niya, basta makapag text siya sakin kung asan na siya o malapit na ba siya umuwi samin.

"Mommy  excited na po ako!!"sambit ni sadie habang papalapit sakin, galing siya sa room niya ay may dalang dalang bag. Hindi ko alam kung saan siya excited sa pag pasok ba o sa pag lipat ng apelyido namin ni warren.

"Can i ask you something baby?"sambit ko sakaniya, hindi pa namin siya natatanong kung saan niya gusto mag aral. Wala naman kaminh problema ni warren e.

"Of course mommy, what is it?"sagot naman nito at umupo sa tabi ko, karga karga ko ngayon si cam dahil umiiyak pag nilalapag sa crib niya. Sinanay kasi ni warren e akala mo palaging nasa bahay.

"Hmm saan mo gusto mag aral sa private or public school?"nag iwas siya ng tingin sakin, hindi ko alam kung nahihiya lang ba siya na sabihin na gusto niya sa private kasi malaki na yung tulong namin sakaniya.

Wala naman problema samin ni warren, basta saamin na si sadie.

Minsan napag usapan namin ni warren ang tungkol kay sadie, gustong gusto daw mag aral ng bata at sa magandang paaralan daw ang gusto nito. Kaya naman ibigay ni warren sakaniya yon, syempre kaya ko din kung saan nag aral si sadie syempre doon na din mag aaral si cam. Ayoko naman isipin ni cam na ang ate niya sa magandang paaralan nag aral tapos siya sa hindi maganda. Gusto ko pantay lang silang dalawa walang lamangan.

"Public school po"ramdam kong gustong gusto niya talaga sa private school, hindi ko alam pero dahil gusto niya pag iipunan namin o ako ang mga gastusin sa pag aaral niya.

"Okay hahanap kami ni daddy ng private school mo"naka ngiti kong sambit sakaniya, nakita ko nanaman ang mga ngiti niyang palaging nakakagaan ng loob.

"Talaga po mommy?"tanong nito at humarap saakin, nakikita ko na sa mga mata niya ang excitement.

Hindi ko siya masisisi kung ganyan ang nararamdaman niya dahil lumaki siya sa hirap, hindi hirap sa pera kundi hirap sa mga magulang.

Tumango ako sakaniya at ngumiti, nag tatatalon naman siya at kumakanta.

Sa totoo lang maganda ang boses ni sadie malambot din ang katawan, kaya minsan pag siya ang nag babantay kay cam sumasayaw siya sa harap ng anak ko at nag eenjoy naman manood si cam sa ate niya. Kung minsan na umiiyak si cam at busy ako sa kusina kinakantahan naman niya ito at hanggang makatulog na.

Malaking tulong sakin na andito si sadie, first mommy ako pero nakakayanan ko bantayan ang dalawang 'to.

Minsan pinapagalitan ko si sadie kasi meron siyang ginawa na diko gusto, ganon ko siya turuan nang leksyon. Para bata palang alam na ang mga mali at hindi dapat ginagawa.

Mga tanghali na kami naka aalis sa condo dahil natagalan talaga si warren, sa sobrang inis ko sakaniya hindi ko na siya kinakausap at pinapansin.

Nag text siya sakin na kumilos na kaming tatlo kasi pauwi na siya, na gawa ko na lahat lahat sa bahay wala pa rin warren na umuuwi.

Naka tulog na yung dalawang bata hindi pa rin siya umuuwi.

"I'm sorry"rinig kong sambit ni warren, nasa passenger seat ako, habang ang dalawa naman ay nasa likod nakaalalay pa rin si sadie sa kapatid niya dahil pa rin ito tuwid umupo.

Hindi ko pinansin si warren at sa labas nalang ako tumingin, bahala siya dyan.

"May inasikaso kasi ako hindi ko naman alam na ganon pala katagal 'yon, promise sa susunod uuwi ako ng maaga"paliwanag nito.

Kahit kwento niya pa sa buong barangay yung ginawa niya, wala akong pake.

"Pansinin mo na ako cheska"pangungulit pa niya, humawak na siya sa legs ko pero inalis ko lang yon.

Hindi niya ako makukuha sa lambing lambing na yan, alam naman niya na kunti lang pasensya ko sa pag hihintay pero ginawa niya pa.

"Kain ba muna tayo?"tanong nito, kahit hindi ko siya sinasagot panay pa rin pag sasalita.

"Yesss dadddy!!"sigaw naman ni sadie, pasalamat siya may kumakausap pa rin sakaniya kahit hindi ko siya pinapansin. Wala din naman siyang matatanggap na sagot kay cam.

"Okay baby but how about kay mommy right sadie?"wow ha nag hanap pa siya ng kakampi, kampihan ko ulo niya e.

"Please mommy let's eat muna before tayo pumunta sa office"alam na alam talaga niyang dalawa kung paano alisin yung inis at tampo ko e.

Si sadie palang wala na pag ganyan pinapakita e, ano pa ba magagawa ko.

"Okay"tipid na sagot ko,

"Feel ko sadie na pipilitan lang si mommy na sumama sakin"naka ngiting sambit ni warren.

Wow ha ako na pipilitan baka siya napipilitan sumama saming tatlo.

"Mommy please"pag mamakaawa ni sadie, nilapit niya pa yung mukha sa mukha ko.

"Sa jollibee tayo"sagot ko at ngumiti kay sadie.

Oo kay sadie lang, bahala yung isa dyan.

"Yeyyy thankyouu mommy and daddy"sambit ni sadie at lumapit ulit kay cam.

Dumating kami sa jollibee at kumain lahat lahat pero hindi ko pa rin kinakausap at pinapansin si warren.

Maramdaman niya ang galit at inis ko sa buong pagkatao niya.

Naasikaso na namin ng maayos buti nalang may kaibigan si warren na nag tatrabaho doon kaya napabilis lang, next week daw makukuha agad namin yon.

Naging masaya kami buong hapon dahil magandang balita para samin ni warren, pero hanggang sa pag uwi namin hindi ko pa rin siya pinapansin.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now