Ang aga aga ang ingay ng bunganga ni ailsa, wala na nga dito si karina may pumalit naman ang malas talaga ng buhay ko, mas lalo pang naging malas nang nagkaron ako ng kaibigan ng tulad nila. minsan na ngalang makakita ng totoong kaibigan sila pa talaga ang nakita ko.
"Ailsa please pakihinaan yung boses mo, hindi ako maka tulog sa ingay niyo!!"sigaw ko galing sa kwarto ko, andito kasi yung bf niya kaya ganto nalang kaingay sa bahay nito.
"Yes po ma'am!!"sigaw naman nilang dalawa pabalik sakin, diko alam kong nang iinis ba sila sakin e, nakakainis hindi na ako nakaramdam ng antok. maaga din naman ako natulog kagabi kaya ganto din kaaga ako magising kung hindi lang sa ingay nilang dalawa.
Kinuha ko nalang ang phone ko na kagabi pa tumutunog, diko na napansin yung phone ko kasi sobrang dami naming chika sa isa't isa, lahat ng nanyare sa buhay ko sinabi ko na rin sakaniya ganon nalang din gulat niya na nalaman niya ang nanyare sakin akala niya talaga na anak ako nila tito edgar, pero nag taka na din siya nung lumalaki na kami na hindi kami mag kamukha ni tita issi, marami din nag sabi sakin nung bata pa kami na sobrang layo ng mukha ko sa mukha nila tita.
Ganon nalang din gulat ko na may anak na sila ni aiden, hindi ko alam kong soulmate ba yung dalawa kasi pareho silang may A sa pangalan, mag iisang taon na din yung anak nila ngayong May 6, kinuha na din ako ng ninang ni zhian para daw pag may anak na ako. kay zhian ko nalang daw ipangasawa.
Nakita kong sobrang daming text ni tanner at tawag, isang text niya ang natigilan ako. hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Cheska i know your pregnant right now"muntik ko na mabitawan yung phone ko buti nalang sa kama ko parin nahulog wala pa akong pamalit doon.
Pero shit naman kailan ako nagalaw, alam kong nag bibiro lang siya para mga reply ako sa mga text at tawag niya, hindi na ako mag tataka kung bakit siya tawag ng tawag sakin kasi hindi sila okay ng babae niya, pampalipas oras lang naman niya ako.
Pero ano yung mga nararamdaman ko at anong meaning bakit ako nag susuka at madalas mahilo, lagi pa akong naiinis sa mukha niya paanong nanyare yon e iilang araw palang din naman kami nagkita.
Madaming pero sa isip ko, hindi ko kayang sagutin kasi hindi ko din alam kung ano nanyare samin. naguguluhan na ako pero kailangan ko unahin ang pinunta ko dito.
Sinantabi ko muna ang sinabi sakin ni tanner, inasikaso ko nalang ang mga dadalhin ko papunta sa company ni aiden, hindi niya lang ako kinuhang model ginawa na niya akong model ng company niya, maganda daw ako kaya madaming tao ang sasang-ayon sa desisyon niya.
Thankful talaga ako na may kaibigan na maasahan sa tuwing nadadapa ako, hindi ko alam kong nasaan na ang mga parents ko pero kaya ko ng tumayo sa sariling paa. pinalaki ako ni yaya na kayang kaya ko at kakayanin ko sa tuwing nadadapa ako.
Hindi ko naman daw kailangan umiyak sa tuwing nadadapa, anong magagawa ng pag iyak ko sa mga problema na dumadagan sakin, hindi lang siya yaya sakin, at alam kong tinuring niya din akong anak sa tuwing malayo sa mga anak nito.
Ang sarap pala sa pakiramdam na may kakampi ako, ang akala ko wala akong malalapitan pag ako na ang nangangaylangan.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...