Page 51

18 3 0
                                    

"Mommy i miss daddy"malungkot na sambit ni sadie, ilang linggo na din si warren hindi umuuwi samin.

Wala na din akong text na natatanggap sakaniya, sobrang daming nag bago sakaniya hindi na niya nilalambing yung dalawang bata sa tuwing makakauwi siya.

"Busy po si daddy sa work baby e"paliwanag ko sakaniya, hindi ko na alam kung anong paliwanag pa ang gagawin ko sakaniya tuwing mag tatanong siya kung nasan ang daddy niya.

Puro work ang sagot ko hindi ko din naman alam kung saan siya nagiging busy at hindi na nakakauwi samin at wala na din text o tawag.

"I want to see my daddy"iyak na sambit ni sadie, hindi ko alam kung ano gagawin ko kasi hindi ko din alam kung nasan si warren ngayon.

Naalala ko yung papel na binigay sakin ni warren last week may address na naka lagay doon, kinuha ko yun sa ibabaw ng lamesa at tinignan.

"Shh tahan na pupuntahan natin si daddy okay?"pag papatahan ko kay sadie, ito lang yung iniwan ni warren na pwede kong puntahan.

Wala akong sasakyan dito kasi dala ni warren yung sakaniya, wala akong choice kundi mag grab nalang.

Tulog pa rin hanggang ngayon si cam kaya buhat buhat ko lang siya, si sadie naman naka hawak sa dress na suot ko.

"Ma'am sa tagaytay pa po 'tong address, pupuntahan po ba natin?"sambit ng driver, nag tataka ako kung bakit sa tagaytay ang address na ibinigay ni warren sakin kung andito naman kami sa caloocan.

"Magkano po ba hanggang doon?"tanong ko.

Ano ba kasi nasa isip ni warren at binigay sakin yung address yan.

Hindi ko rin matawagan sila karina at hayes kung kailan kailangan ko yung kotse nila hinfi pa sumasagot.

"1,500 po ma'am"sagot nito, ang laki naman non nakakainis kasi si warren akala niya madali lang kumita ng pera.

Tahimik lang si sadie sa gilid ko habang naka tingin sa labas ng bintana, matamlay ang mga mata nito dahil na din siguro sa pagkamiss sa daddy niya.

Buti hindi sobrang traffic at naka rating agad kami.

Hinatid talaga kami ng driver hanggang sa harap ng village, kaya hindi na ako mag tatanong kung saan ito o ano.

Pag pasok ko doon ay nakita ko ang mga kaibigan ni warren na naka upo sa labas, may mga alak sa lamesa nila at yung iba naman ay may mga nakakandong na babae. Hindi ko alam mararamdaman ko kung nakita ko din si warren na may kinakandong na babae.

"Uy pare tawagan mo na asawa mo"sigaw ng isang tropa niya sa loob ng bintana, alam kong si warren ang tinutukoy niya kasi mahilig akong tawaging asawa ni warren kahit hindi pa naman kami kasal.

"Ulol wala akong asawa"sambit naman ni warren habang palabas ng bahay. May dala dala siyang mga damit at bag alam kong mga gamit niya yon bago siya umalis sa condo niya ay ayon ang dala dala niya.

"Gago pinag yayabang mo pa samin na maganda misis mo wala naman sa kalingkingan ng mga babae mo yon dito"sagot naman ng isang tropa ni warren na may kakandong na babae.

Nag tawanan ang mga tropa ni warren at nakipag tawanan na din siya.

Nanginginig buo kong katawan habang nakikinig sa usapan nila, buti hindi tumakbo si sadie sa daddy andito pa rin siya sa tabi ko at nakikinig sa usapan nila.

"Umuwi ka na baka hinahanap ka na ng asawa mo"sambit ng isang lalaki sa tabi ni warren, akala ko matitino ang mga kaibigan ni warren sa tuwing nag kwekwento siya sakin.

"Bakit ka uuwi e pinapagod ka lang naman 'non sa pag babantay ng mga anak niya, ginawa ka lang yata ng sugar daddy 'non" hirit naman ni mark na isa din sa mga tropa ni warren.

Gusto ko sugurin at pag sasampalin si warren pero wala akong karapatan dahil malaki ang tulong niya saming mag iina.

"Mommy why are you crying?"bulong ni sadie at pinunasan ang mga luha kong tumutulo na hindi ko namamalayan, sobrang sakit yung mga narinig ko mula sa mga kaibigan nito.

Akala ko trabaho ang pinag kukuhaan niya nang pansin sa tuwing nasa bahay siya, pero iba pala yung ginagawa niya.

Hindi ko nalang sana sinunod yung puso ko na pumunta sa address na binigay niya, pero magiging tanga lang ako kung hindi ko malalaman ang totoo.

Umuwi na kami nila sadie at hindi na nag pakita kay warren, ipapaliwanag ko nalang kay sadie ang mga narinig niya hindi pwede na ganon ganon nalang ang mga narinig niya sa mga tropa ni warren.

Pagka uwi namin sa bahay nag ayos na ako nang mga gamit naming tatlo at inilagay sa maleta, medyo madami ang damit ni cam pero pinag tiisan kong ayusin ang mga 'yon. Nasa labas ang dalawang bata hindi ko hahayaan nilang makita akong umiiyak na parang tanga dito.

Aalis kami ng mga anak ko sa condo ni warren at hinding hindi na babalik, pinagkatiwalan ko siya tapos ganon lang ang ibabalik niya. Pareho lang sila ng pinsan niya.

Akala mo kung sinong mabait nung una kami magkakilala pero kabaliktaran lang pala ang mga pinakita niya sakin.

Kung kailan minamahal ko na siya tulad ng pag mamahal ko sa anak ko pero binalewala lang niya tulad sa pinsan niya.

Binuntis lang ako ng pinsan niya at siya niloko ako harap harapan, hindi manlang inisip yung mararamdaman ko. Sino ba naman kasing tanga mag loloko tapos iisipin ang mararamdaman ng niloko. Edi ako tangina nila mag pinsan.

Mga babaero kayong mag pipinsan, dapat hindi na ako nag bigay ng tiwala sainyong dalawa mga tangina niyo.

Sinusumpa ko kayong dalawa sana hindi na kayo magka girlfriend at lokohin lang din kayong magiging girlfriend niyo.

Pag tapos ko mag ayos ng mga gamit naming tatlo ay lumabas na ako nang kwarto namin, naabutan ko yung dalawa na nag lalaro sa sala.

Tinawagan ko si karina at nag papasundo ako dito sa condo ni warren, buti nalang kung kailan kailangan ko siya doon siya sumagot.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now