Page 55

32 9 0
                                    

Papunta na kami sa venue ng party nang company namin, sabi ko pa naman bukas ko pa ihahatid kila tita si sadie kaso ngalang wala pala mag babantay sakaniya sa bahay.

Naki sabay nalang ako kila karina para hindi na ako mag dala nang sarili kong sasakyan, hindi ko lang alam kung makakasabay ako pauwi sakanila.

Pareho naman lasinggera at lasinggero 'tong mag jowa, baka mag taxi nalang o mag grab ako pauwi. Sabi ni tita doon nalang ako daretso sa bahay nila para maka bonding ko pa si sadie.  Dalawang linggo din siya doon habang wala pa siyang pasukan, doon na rin ko mag papasko at mag new year para maenjoy nang mga anak ko.

"Himala naging tao ka"sambit ni hayes habang nag dadrive.

Naka dress na red ako at medyo mataas na sandal, naka kulot ang ibabang buhok ko at light make up lang naman ang inilagay ko. Ako nalang nag ayos sa sarili ko para bawas sa gastusin.

Habang si karina naman ay naka dress na pink na may design na butterfly sa likod nito, makapal din yung make up niya kita yung maganda niyang mata.

"Para pag dumikit ako maging tao ka rin"sagot ko naman sakaniya, bwiset talaga 'to kahit kailan walang pinag bago.

"Nga pala cheska kailan mo balak binyagan si caleb?kunin mo akong ninong ha"wala pa akong naiisip na date kung kailan pero balak ko sa birth month niya.

"Ninang din ako ni zachary"singit naman ni karina na kakatapos lang mag lipstick.

"Pwede naman siguro 'yon"dagdag pa ni hayes. Alam kong bawal pag ganon hindi ko na alam gagawin sa mag shotang 'to.

"Bawal yung ganom dapat isa lang, pwede naman kayo tawagin na ninang at ninong ni caleb"sagot ko at nag type sa phone ko.

"Ayoko pa rin, gusto ko may ninong siyang pinaka pogi. Para pag binully siya pwede sabihin na may pogi siyang ninong"kapal talaga. Ayoko nalang mag talk pag siya kausap.

"Ano naman magagawa nang mukha mo pag binully anak ko?"kala mo siya masasapak sa tuwing may kaway anak ko.

"Hehe wala"korni talaga bwiset na 'to.

Pag dating namin sa venue madami dami na din ang mga tao, theme namin is light pink at red si karina talaga ang nag sabi na meron pink kasi fav color daw niya.

Bumigay din naman sa theme namin, pink suot niya at red sakin si hayes naman ay light pink ang suot.

Pumasok na ako sa loob pag pasok ko sa loob may photobooth doon, mamaya nalang ako mag papapicture pag maikot ko na lahat dito.

May 1hr pa naman akong natitira para mag ikot ikot, may stage din dito ang naka sulat doon ay "Party Leaders" ako ang nag isip niyan para naman maiba, puro nalang merry christmas tuwing christmas party e. Bumagay rin naman kaya walang reklamo.

"Hi miss cheska"bati sakin ng isang katrabaho namin, hindi ko alam kung isa din siyang editor dito.

Ngumiti lang ako at nag patuloy sa pag iikot, nung malapit na ako sa dulo ay may narinig akong familiar na boses sakin.

Boses na namimiss ko at kinakatakutan ko dati.

"K-kuya darren"nanginginig na boses ko, gusto ko siyang yakapin at mag sumbong sa lahat ng naranasan ko.

"Long time no see but you know what I'm saying about you. Your the only person that can make me happy"sambit nito at yumakap sakin, yumakap ako pabalik sakaniya at hindi na nag papigil ang mga luha ko.

"K-kuya darren"naiiyak na sambit ko, gustong gusto ko na mag sumbong sa nag iisa kong kuya.

"Shh stop crying, your brother is here for you"lalo ako naiyak sa sinabi ni kuya, ngayon ko nalang ulit narinig yung salitang yun at ngayon ko nalang ulit nayakap nang mahigpit ang kuya ko.

Bumitaw na sa yakap si kuya at pinunasan yung mga luha sa mata ko.

"Stop crying na ang ganda mo ngayon gusto mo bang masira yung make up mo kahit hindi pa nag sisimula?"pabirong sambit ni kuya.

"I-imiss you so much kuya darren"naiiyak nanaman na sambit ko, narinig ko naman tumawa si kuya. "Why are you laughing"naiiritang dagdag ko pa. Pinunasan ko na yung mga luha ko baka masira talaga make up ko, 2hrs pa naman ako nag make up tapos masisira lang nang 2minutes.

"Ang cute mo kasi, baby pa rin kita kahit may baby ka na"gulat akong napatingin sakaniya, matagal na akong walang balita sakanila at hindi ko alam kung paano niya malaman na may anak na ako.

"You know your brother right?pinababantayan pa rin kita kahit malayo ka na sakin"sambit naman nito at ngumiti sakin.

"K-kuya inaaway nila ako"naiiyak nanaman na sambit ko, hindi ko na kaya patagalin yung nararamdaman ko basta ang gusto ko mag sumbong nalang nang mag sumbong sa kuya ko.

"Shhh i know everything about you"sambit nito at hinalikan ako sa noo lalo tuloy ako naiyak sa ginawa ni kuya. "Kukunin na kita doon na kayo tumira sa bahay mo"dagdag pa nito.

"Bahay ko?"takang tanong ko sakaniya. Tumango naman ito at ngumiti saakin, yung poging kuya ko huhu.

"Simula nung umalis ka sa bahay nag pagawa na ako nang bahay mo incase na umuwi ka samin"paliwanag nito saakin. Tumango ako sakaniya at ngumiti rin sakaniya. "Sasamahan ko kayo sa bahay mo"dagdag pa nito saakin.

"Let's party with you"pag aaya ni kuya papuntang lamesa nila nang mga kaibigan niya.

"Guy's meet my sister"pag pakilala sakin sa mga kaibigan niya. Ngumiti naman ang kaibigan niya saakin.

"Matagal na kitang crush"pag amin nang isang kaibigan ni kuya, familiar rin sakin yung lalaki.

"Stop kaisen"natatawang sagot ni kuya, umupo ako sa tabi nang kaisen at ngumiti sakaniya.

"Ang ganda mo"bulong sakin ni kaisen.

"Thankyou, ang pogi mo rin"bati ko sakaniya, pogi naman kasi talaga si kaisen. Maputi at singkit ang mata nito at may adams apple ito. Makapal rin yung kilay.

"Si kaisen pumuporma na"pangangasar nang isang kaibigan ni kuya.

"Ito na yung hinihintay kong sign par, liligawan ko na 'to"hirit naman ni kaisen.

"Dadaan ka muna sa kuya niyan par"singit ni kuya habang naka ngiti sakin.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now