Page 42

35 10 0
                                    

"Mommy labas naman po tayo nila ninong"masiglang sambit ni maya, kakagising lang namin ni cam dahil anong oras na din siyang naka tulog, sinabayan ko dahil wala naman si warren kagabi dahil may work siyang tinatapos kaya mag isa lang ako mag alaga sa dalawang bata.

"Wala pa si ninong mo e, hintayin natin baka kasi pagod hindi siya makasama satin"sagot ko habang papunta sa kusina, mag luluto ako ng makakain namin ni maya kasi hindi pa din siya nakain. hindi naman marunong mag luto si maya kahit maaga siya gumising hinihintay niya pa din kami.

"Bukas po kaya mommy?sana walang gagawin si ninong para lumabas po tayo"ramdam kong gustong gusto niya kami mag bonding dahil hindi pa daw nararansan ni maya na maka punta sa mall o kahit saan pa.

Hindi pa umuuwi si warren simula kahapon dahil sa dami niyang ginagawa, nag text sakin si warren na mamayang hapon pa siya makakauwi dahil madami pa siyang hindi pa natatapos. ayaw niya daw umuwi na may iniisip sa office. Makakabawi din kami kay maya, bago ako bumalik sa work sana malabas ko sila cam at maya.

Nag luto lang ako ng hotdog at itlog para may kainin si maya, mag titinapay lang dahil ayoko lumaki yung bewang ko simula nung pinag bubuntis ko si cam. Gusto ko din naman mag diet bago bumalik sa trabaho ko.

"Mommy sa tingin mo po uuwi na si ninong?"tanong ni maya habang kumakain, pinatay na din niya yung tv dahil kakain na siya.

"Yes naman, uuwi ako sa mag iina ko"biglang sambit ni warren na may dala dalang paper bag.

"Yeyyy andito na si ninongg!!"rinig kong sigaw ni maya, dali daling tumakbo papalapit sa ninong niya, halata sa muka niya na ang saya saya niya dahil maaga naka uwi si warren.

"Bakit ninong pa tinatawag mo sakin pwede naman daddy diba??para pareho kami ni mommy mo"hirit pa ni warren kay maya, alam ko naman na pinaparamdam namin kay maya ang masayang pamilya na hindi niya naranasan noon.

Hindi ko alam pero bumilis tibok ng puso ko nung narinig ko yung sinabi ni warren, para saakin sobrang laking bagay na 'yon kahit sobrang baba lang kay warren.

"Sige po daddy, btw po daddy pwede po tayo umalis?gusto ko po kasi pumunta sa mall at bumili ng madaming laruan!"maligayang sambit ni maya.

"Maya ano sabi ni mommy pag pupunta tayo ng mall?"singit ko sa dalawa, hindi manlang ako nilapitan ni warren at isa pa hindi niya ako hinalikan sa noo.

Lagi naman niyang ginagawa yon sakin sa tuwing uuwi siya, pero ngayon hindi manlang niya nagawa.

"One toy lang po"ang masiglang boses ni maya napalitan ng lungkot, kahit gusto namin maranasan ni maya ang masayang pamilya pero ayaw namin siyang lumaking spoiled, na kahit gusto niya ay makukuha niya. Ang turo namin sakaniya ay pag gusto niya pag hirapan niya.

Alam kong madaming parents na ang gumawa sa mga anak nila 'yan, pero gusto ko din maranasan ng mga magiging anak ko 'yan. Kasi nung bata ako hindi ko maranasan ang ganyan.

"Hayaan mo na minsan lang naman"hirit pa ni warren, alam kong inaanak niya si maya pero hindi naman pwede na kahit minsan lang kami lumabas ay lubos lubusin na din namin ang pamimili ng mga gusto ng bata.

"Daddy tama naman po si mommy kaya sa tuwing aalis tayo one toy lang po ang papabilhin ko!!"masiglang sambit ni maya sa daddy niya.

Nag ready na din kami para sa pag alis namin, nag pahinga lang saglit si warren at naligo na din. Una kong pinaliguan si maya para pag pinaliguan ko na si cam ay may mag babantay sakaniya pag maliligo naman ako.

Hindi naman masyado malikot paliguan si cam kaya mabilis lang din kaming natapos, pinasuot ko sakaniya yung parehong damit nila warren. White polo at maong na short 'yon, pero yung kay warren naman ay pantalon ang pinartner niya.

Pag tapos ko ayusin si cam ay ako naman ang naligo, binilisan ko lang din kumilos para makaalis na din kami. Ang suot ko naman ay yung pareho naming damit ni maya naka dress na pink kami na may design na butterfly sa gilid.

Nag light make up lang ako at inayos na ang mga dadalhin namin, mga gamit lang ni cam ang dinala ko.

Hawak hawak ni warren si cam at yung bag kung nasan ang mga gamit ni cam, hawak ko naman si maya at sabay sabay kaming pumunta sa harap ng bahay para sumakay sa kotse.

Saglit lang din byahe namin dahil malapit lang samin yung mall, pag baba nang pag baba ni maya ay makikita sa mga ngiti niya na excited na pumasok doon.

Pag pasok namin doon ay madami dami na ang tao kaya ang una namin pinuntahan ay ang restaurant para kumain, maaga palang din naman kaya sarado pa yung ibang palaruan.

"Mommy i want this"turo ni maya sa carbonara, hindi ko alam kung first time makakain ng bata ng carbonara dahil kita sa mga mata niya na excitement.

Inoorder na ni warren 'yon, habang nag hihintay kami ng order namin ay saktong may tumatawag samin pareho.

Pinatignan ko muna si cam kay maya baka maano ng daddy niya, hindi naman ako lumayo nung sinagot ko yung tawag.

"Cheska next week daw yung project natin, kailangan mo 'yon malaking project yung gagawin natin"sambit ni hayes sa kabilang linya.

Kahit ayoko pang umuwi sa pinas wala akong magagawa dahil malaki din ang kikitain ko doon. Para sa future ng mga anak ko gagawin ko ang dapat.

"Sige, aasikasuhin ko na ang mga papel ko palipad dyan"sambit ko sabay end ng call. Hindi ko namalayan na dumating na pala ang mga order namin at naka tingin sakin si warren.

"Uuwi ka?"tanong neto habang nilalagay sa harap ni maya ang pagkain.

"May project akong kailangan gawin, matagal tagal na din akong walang trabaho"sagot ko habang hinahanda ang dede ni cam. Incase na magutom may mapapainom ako sakaniya.

"Sasama kami"sagot ni warren habang hinihiwa ang chicken sa plato niya.

"Paano pag aaral ni maya?"sagot ko habang naka tingin pa din sakaniya.

"Edi lipat natin 'don"deretso niyang sagot.

"Paano work mo?"hindi niya din pwedeng pabayaan yung trabaho niya ng dahil sakin o nang dahil saming mag ina.

"May companya pa si aiden don, at matagal na din akong nag tratrabaho doon so may work pa din ako kahit umuwi ako nang pilipinas"paliwanag niya havang naka tingin sakin.

"Next week na daw 'yon"sambit ko naman habang nag hihiwa din ng manok.

"So kailangan na pala natin mag impake para maaga tayo makaalis, may condo naman ako sa pinas kaya doon muna tayo habang hindi pa tapos pinapagawa kong bahay para satin"habang sabi ni warren. Hindi ko alam pero nakaramdam ako nang saya habang sinasabi niya ang mga 'yon.

Kasama na kami sa mga plano niya ay future, nang dahil kay warren buong buo pa rin ako at ang anak ko.

"Mahal na kita"

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now