Mag dadalawang linggo na kami nandito sa hospital, hindi pa din gumagaling si maya alam kong hirap na hirap na siya sa kalagayaan niya.
Hindi na naka balik sa school si maya dahil sa nanyare, kaya pala hindi siya nakapag aral dahil sa sakit niya 'to.
Madami pa talaga kaming hindi alam tungkol kay maya, tulad nalang ng may sakit din pala siya sa puso. May record sa hospital
Alam kong mahirap para kay maya ang nanyayare sakaniya, kung saakin lang binigay ni lord si maya aalagaan ko siya tulad ng pag aalaga ko kay cam.
Palit palitan lang kami ni warren sa pag babantay kay maya dahil hinahanap ako ni cam, 2months na si cam sa 19 at malapit na 'yon.
Nalulungkot lang ako dahil excited palagi si maya pag nag hahanda kami sa buwanan ni cam, pero ngayon andito siya sa hospital nilalabanan yung sakit na iniwan ng mga magulang niya.
Hindi namin siya hinahayaan sa tuwing may gusto siyang gawin o may masakit sakaniya, pinaparamdam namin palagi sakaniya na andito lang kami ng ninong niya.
Si warren ang naka bantay ngayon kay maya at umuwi muna din ako sa bahay kanina para kumuha ng mga gamit ni maya, isasabay ko nalang bukas pag punta ko doon.
"Nasan ba kasi yung mommy ni maya"tanong ni ailsa habang nag hahanda ng makakain namin. Andito pa din sakanila ni cam kasi wala naman mag babantay sakaniya sa bahay, nakakahiya na nga sakanilang mag asawa dahil may anak din sila na babantayan at aasikasuhin araw araw.
"Na kwento sakin ni maya na wala na daw mommy niya, pero yung daddy niya ay may bagong asawa"sagot ko habang pinapadede si cam.
Kaming apat lang ang andito, si aiden may work bukas pa daw ang uwi pag umuuwi lang naman ako dito nag oovertime siya sa work para asikasuhin yung ilalabas nilang project.
Ako ang kinuha nilang model para sa bagong project, syempre hindi na ako tumanggi pa dahil malapit na din maubos ipon ko ayoko naman umasa kay warren.
Siya na nga ang nag babayad ng kuryente at tubig sa bahay, sagot pa niya ang mga grocery lalo na ang mga diaper ni cam.
Nahihiya na ako sobra kay warren pero thankful ako na meron akong tulad niya, hindi ako iniwan simula una hanggang ngayon.
Hindi na nag tanong pa si ailsa kumain kaming dalawa at sabay pinatulog sila cam, kahit anong tulog ko hindi ko magawa dahil nag aalala talaga ako kay maya.
Kahit saglit lang ako lumayo kay maya hindi na ako mapakali, lalo na pag uuwi ako sa bahay pero may nag hihintay din sakin sa bahay.
Nag ring ang phone ko na katabi ko lang, hindi ko na tinignan at sinagot ko na.
"Hi mommy cheska"masiglang bati ni warren sa kabilang linya.
"Kamusta kayo 'dyan?"tanong ko at lumipat sa ibang pwesto baka magising si cam.
"Ito kakatapos lang turukan si maya, sabi pala ng doctor pwede na siyang umuwi bukas okay na daw lahat kay maya"masayang balita ang narinig ko kaya natuwa ako sa narinig ko.
Thankyou papa God hindi mo binalewala ang mga dasal ko sayo tuwing umaga at gabi.
"Aasikasuhin ko na din mamaya ang mga papel para uuwi nalang bukas at yung mga resibo nlang ang kukunin ko"dagdag pa ni warren, alam kong pagod si warren pero hindi niya kami pinapabayaan sa bawat oras.
"Thankyou warren"sambit ko habang naka ngiti, alam kong hindi niya makikita pero pinaparamdam ko sa boses ko na thankful ako sakaniya.
"Matulog ka na mommy dahil maaga ka pa pupunta dito, goodnight baby"sambit ni warren at pinatay na ang tawag.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomanceSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...