"Mamimiss kita cheska"mangiyak-ngiyak na sambit ni ailsa, pauwi na kami sa bahay para kunin ang mga gamit namin.
Umagang umaga palang gising na si warren para asikasuhin ang dalawang bata, hinayaan niya muna ako matulog habang inaayos niya ang dapat ayusin.
"Babalik naman kami"sagot ko naman sakaniya at yumakap.
"Babalik kami pag may kapatid na si cam"natatawang singit ni warren habang karga ang anak ko, nauna na si maya sa kotse dahil inaantok pa daw ang bata.
Gising na gising naman si cam, kompleto ang tulog niya kaya hindi siya iiyak.
"Kambal na gawin mo pre"singit naman ni aiden habang dala dala ang anak nila. Nag paalam na din ako sa bata.
"Damn pre"sagot naman ni warren, ewan ko ba sa dalawang 'to magkasundong mag kasundo pag dating sa katarantaduhan.
Hindi na din kami nag tagal at umalis na kami, sa likod na ako umupo at binantayan ang dalawang bata.
"Saan sa manila ang condo mo?"tanong ko habang pinapadede si cam, mabilis lang talaga magutom ang batang 'to kaya habang hindi pa siya umiiyak pinapainom ko na.
"Laguna"tipid na sagot ni warren, pagod lang siya kaya ganyan siya sumagot. Inasikaso din niya kasi yung mga papel niya para sa pangalawang companya nila aiden.
Kahit nag trabaho na siya doon kailangan niya pa din mag pasa ng mga bagong papel dahil sa sobrang tagal niyang nawala sa pilipinas, hindi na siya kilala o may mga bagong tao na nag tratrabaho doon.
Hindi na din ako umimik hanggang makarating kami sa bahay, bababa na sana ako ng biglang mag salita si warren.
"I'm sorry babawi ako sainyo mamaya"sagot nito at binuksan ang pinto ng kotse. Pag baba ko kinuha niya saakin si cam at kinarga ko naman si maya.
Hanggang ngayon tulog na tulog pa din ang bata, ang kwento ni ailsa kanina nag lalaro daw sila amarantha at si maya kaya ganto nalang nanyare kay maya. Umagang umaga daw nag lalaro na ang dalawa.
Buti nalang daw habang nag lalaro yung dalawa hindi nagising si cam kasi sa kwarto sila naglaro, maaga din daw kasi sila gumigising para asikasuhin yung mga bagong project na ilalabas nila.
Pag pasok namin sa bahay saktong nagising si maya, nilapag ko nalang muna siya sa sofa at inasikaso yung mga dapat dalhin namin mamaya.
Habang nag aayos ako ng mga dami naming tatlo, narinig kong bumukas ang pinto.
"Tapos na ako sa mga gamit ko, tulungan na kita"sambit ni warren habang naka yakap sa likod ko. Bagong ligo siya at amoy na amoy ko yung shampoo niya.
"Malapit na din naman ako matapos"sagot ko at pinag patuloy ang ginagawa.
"Excited na ako umuwi sa pinas"dagdag pa nito, hindi pa din siya umaalis sa pagkakayakap sakin at lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap.
"Mas excited ka pa nga sakin e"natatawang sagot ko naman sakaniya.
"Syempre, mauuwi ko na ang mag iina ko"ramdam kong ngumiti siya at hinalikan ako sa ulo ko.
Lahat ng gusto ko ginagawa niya, ramdam kong mahal na mahal niya ako kahit ganon lang ang mga ginagawa niya. Pinaparamdam niya palagi na andyan siya kahit anong mangyare.
"Kinausap nga pala ako ni maya kahapon, paano daw kung makita niya ang papa niya habang pauwi siya galing school"kailangan niya din malaman yon, dahil siya ang ninong ng bata at sakaniya din iniwan si maya.
"Malayo naman ang laguna sa mindanao kaya safe ang bata"sagot naman nito at umupo sa kama. "Safe pa rin si maya dahil ihahatid sundo ko siya sa school, hindi ko hahayaan na lapitan siya ng tatay niyang adik"dagdag pa nito.
"Pag tapos ng work ko enroll na natin si maya"sagot ko at inilagay sa maleta ang mga damit ng dalawa. Hindi ko na din dinala lahat ng damit nila doon ko nalang sila bibilhan para mga bagong damit ang suotin nila pag dating namin doon.
"Saan ba gusto mo private o public?"tanong saakin ni warren habang tinutupi naman ang mga medyas ng dalawa.
"Public nalang para masaya mga magiging memories ng bata"naka ngiti kong sagot, lahat ng gusto ko maransan nung bata ako ipaparanas ko sa anak ko.
"Gusto mo ba palitan ang apilyedo ni maya?"napa hinto ako sa ginagawa ko, matagal na kaming magkasama ni maya pero hindi ko pa rin alam ang buong pangalan ng bata.
"Ang totoo warren hindi ko pa rin alam ang buong pangalan ni maya"sagot ko at tumingin sakaniya.
"Sadie Jade Manuel"sagot ni warren, ang ganda ng pangalan ni maya pero malayo sa palayaw niya. "Palitan natin ng padilla at reyes ang apilyedo ng bata"dagdag pa nito.
Padilla ang apilyedo ko at reyes naman si warren, hindi ko alam pero naka ramdam ako ng excitement nung narinig ko ang sinabi ni warren.
Gusto kong gawin kay cam yun, gusto kong dalhin ni cam ang apilyedo ni warren.
"Sige, bago mag pasukan asikasuhin natin"sangayon ko naman sa sinabi niya.
Tinulungan niya ako sa mga ginagawa ko para mapabilis, hindi pa rin kami nag aalmusal kaya kailangan namin mag madali para makakain pa kami sa airport.
Kasama namin yung isang babaeng kapatid ni warren para siya ang mag uwi ng kotse ng kuya niya, bunsong kapatid ni warren 'yon. Tatlo lang sila mag kakapatid panganay si warren at babae naman ang sumunod sakaniya. Isang lalaki lang si warren sa mag kakapatid.
"Ate sa harap kana, ako nalang katabi nilang dalawa"sambit ng kapatid ni warren nang mapansin na pupunta ako sa likod.
Marunong sila mag tagalog dahil sa pilipinas din sila lumaki, dito lang sila nanirahan dahil madaming silang business dito.
Pumunta na ako sa tabi ni warren at tinignan ang dalawang bata sa likod, nag lalaro silang dalawa at pareho silang tumatawa.
Pareho naman silang busog kaya wala kaming problema dahil napakain na namin sila, kaming dalawa nalang ni warren ang hindi pa kumakain.
Umabot din kami ng dalawang oras sa byahe, sobrang layo talaga saamin ang airport kaya ganon nalang katagal ang byahe namin.
Pag baba namin ay tinulungan ko mag baba ng mga bagahe si warren habang karga naman ng kapatid niya si cam at hawak sa kabilang kamay si maya.
Laking tulong talaga ang kapatid ni warren ngayon, unti lang din naman bagahe namin dahil mga damit lang ang mga dala namin.
YOU ARE READING
Life With A Good Guy (LTM Series #1)
RomansaSa madaming salita, LAHAT SILA KAYA AKONG SAKTAN Sa mundong magulo hindi ko maramdaman na malaya ako tulad nang ibang kabataan, sa edad nila na ganto nagagawa nila ang mga gusto nila samantalang ako limited lang pwede kong gawin. Ganto siguro pag lu...