Page 36

35 2 0
                                    

"Mommy i want eat na po"sambit ni maya na kanina pa nanonood sa sala, kakagising lang din ni cam kaya hindi ko maasikaso si maya.

May trabaho ngayon si warren kaya kaming tatlo lang ang naiwan sa bahay ko.

"Keep an eye on cam, pupunta lang ako sa kusina"sagot ko at tumayo.

Umusog naman si maya para malapit kay cam, hinawakan naman niya si cam kahit nanonood ng tv.

Pinag handaan ko ng makakain si maya, wala pa kaming grocery kasi bawal pa naman ako mabinat tapos si warren may work pa kaya ito itlog nanaman ulam ni maya.

Buti nalang talaga walang arte si maya sa mga pagkain, pinalaki siya ng mabuti ng mommy niya na kahit anong mangyare kakain at kakain pa rin siya.

Nag timpla na din ako ng gatas niya dahil kaninang umaga hindi ko siya natimplahan dahil umiiyak si cam at gusto lang mag pakarga lang.

Pag balik ko sa sala nanonood pa din si maya, hawak hawak pa din niya si cam na nag lalaro sa crib niya.

"Eat na maya, later ka nalang ulit manood"sambit ko at binaba ang plato sa lamesa.

Pinatay na ni maya ang tv at pumunta sa lamesa, ayoko masanay si maya na habang kumakain ay nanonood sa tv imbes sa pagkain siya mag focus sa pinapanood niya. Okay lang na mag madali siya para makanood agad basta makakain siya.

Hindi ko din binigyan ng tablet si maya o anong gadgets ba yan, ayoko siya matulad sa mga bata ngayon na adik na sa mga social media. At kung ano ano nalang napapanood tapos ginagawa nila.

Wala naman masama kung ituturo ko din kay maya ang mga naranasan ko nung bata pa ako.

"Mommy ubos na po, ako nalang po mag lalagay sa kusina"sambit ni maya at tumayo para ilagay na sa kusina.

Isa na din nagustuhan ko kay maya na kahit kaya niyang gawin ay hindi niya iaasa sa iba, kung hindi naman niya alam ay siya na lumalapit para ituro sakaniya ang mga hindi kayang gawin.

Swerte ang mga magulang ni maya sakaniya, pero hinayaan lang siya na mapunta sa iba. Buti nalang saamin na punta si maya hindi sa ibang tao. Baka kung ano pa gawin nila sa bata delikado na ang panahon ngayon kahit bata ay papatulan na.

"Mommy can i watch na po tv?"paalam ni maya na nakatingin sakin at hinihintay ang sagot ko, humalik ako sa uno niya at ngumiti.

"Sure, know your limitations right?"sambit ko habang naka hawak sa mga kamay niya.

"Yes, 10 am stop watching tv and take a shower!"masigla niyang sagot sakin.

Mabilis lang siya turuan dahil gusto niya din ang mga tinuturo ko sakaniya, wala manlang akong narinig ng reklamo sakaniya o pag dadabog.

Alam niyang ikakabuti sa sarili niya ang mga ginagawa namin, kaya ganon nalang din ang pag sunod niya sa mga utos ko.

Binuksan ko na ang tv at hinayaan siya sa mga gusto niya, binantayan ko nalang si cam at pinadede para hindi umiyak pag nagugutom na.

Life With A Good Guy (LTM Series #1)Where stories live. Discover now