37

9.1K 447 494
                                    

"Anong plano mo? Hihintayin mong ma-realize niya na mali siya at balikan ka niya?"

"Ano ako, tanga?" Umirap ako. "Hindi naman ako basura para itapon sa kung saan at pulutin niya kung kailan niya gusto. Bakit? Para itapon ulit? Sa tamang basurahan na, gano'n?"

Tumawa si Conrad bago tumira. Kanina pa kami naglalaro ng bilyar, dapat nagre-review kami dahil mag-finals na eh.

Mag-iisang buwan na since huli kong nakausap si Raizen. Ngayon na lang siya ulit naungkat. Gago kasi 'tong si Conrad, tingin sa 'kin nagmumukmok pa rin.

I mean, minsan lang naman, lalo na 'pag nasa condo ako. Can't blame me, every corner of my place reminds me of Raizen.

I almost got to the point where I wanted to move out, but why should I? Memories can be buried after all.

Aaminin ko na may part pa rin sa 'kin na umaasa. Sadyang unti-unti na akong nilalamon ng pride ko dahil nagmumukha lang akong tanga.

"What if reto?" Biglang suhestiyon ni Rad, "You know Seth, right? He's single, hot, rich, and gay."

"You find Seth hot?" Pinanliitan ko ng mata yung tropa ko bago niya ako hinampas ng cue stick. Ampota nanakit, nagtanong lang ako?!

"I'm not into men."

"Really? How about we change that?" Sumulpot si Knox sa likod nito at aktong hahalikan sa pisngi si Conrad, mabilis nga lang siyang napalo rin ng cue stick.

Ngumuso si Knox, "Pa-kiss lang, pre. Walang malisya!" Pangangasar nito tulad ng ginagawa ni Conrad sa 'min 'pag may kasalanan siya.

Conrad showed his middle finger, "Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa 'kin! Siguro kay Ian din!"

"Kadiri, gago! Pagbuhulin ko pa kayo eh!"

Hindi na ako sumali sa dalawa nang makatanggap ako ng text mula sa tatay ko. Nakakatakot tignan. Hindi pa kasi kami nag-uusap mula noong pinasa ko yung final report ko sa kaniya, baka 'di niya nagustuhan.

I did my best. Even though I was miserable because of what happened, I managed to stay focused. I just really want to have this one thing.

I feel like I'm meant to be a part of VPH, I like what I'm doing there. Hindi ko 'yon sasayangin dahil lang sa isang tao.

'I've reviewed the report you sent and have heard great things from the executives about your performance. Prioritize your studies for now, and we can discuss the second degree you'll need to pursue after your second semester ends.'

Ito ata ang unang magandang nangyari sa 'kin ngayong taon.

'Maintain your high level of competence and dedication. I'm proud of your efforts.'

At ngayon na lang din ata ako nakangiti nang magaan ang loob. Shit. Ang sarap sa pakiramdam. Ganito pala feeling na makahanap ng bagay na gusto mo gawin for the rest of your life, tapos suportado ka pa?

Raizen would've been so happy for me.

"Oy," Tawag ko kay Conrad at pinakita ang phone ko. "Graduate na ako sa BS 'di mahal ng tatay major in pabigat sa bahay."

"Edi congrats!" Humawak pa siya sa dibdib at umaktong nasaktan, "Palibhasa 'di na ata ako gagraduate sa BS tatay laging busy major in iniwan ng mommy."

Nagtawanan kami at nag-asaran pa.

Kung titignan, kaya ko naman talagang mabuhay ulit tulad ng dati na wala si Raizen. May mga kaibigan ako at magiging payapa na ulit ang pamilya ko.

How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon