38

6.6K 342 205
                                    

"You shouldn't have said anything. Kahit gaano pa kalala ginawa niya, wala tayong alam sa totoong nararamdaman niya." Panenermon ko kay Conrad.

"Eh? Ikaw rin naman galit sa kaniya, 'di ba?"

"Oo, pero ako na lang 'yon. Sasali ka pa eh, sino ka ba?" Natatawa kong panggagaya sa sinabi niya kay Raizen kanina.

Kahit gaano pa ako ka-galit kay Raizen, ayoko pa rin makitang may tatratong gano'n sa kaniya. Ibang usapan na 'yon. Pero siguro kung ako.. hindi ko rin mapipigilan sarili ko.

Pagdating sa unit ni Archer, bumungad sa 'min si Tio at Knox na nagtatalo. Akala ko 'di pupunta si Knox? Hindi na ako nakisali at dumeretso na lang sa kusina para tumulong.

"Mukhang may nangyari ah?" Bungad ni Arch. Am I that obvious? "How can you tell?"

"Hindi ka rito sa kusina dederetso kung wala."

Right, because cooking is my archnemesis. I should be at the living room instead of Tio. Eh, sa wala akong gana makipaggaguhan doon sa dalawang gunggong eh.

Imbes na tumulong tuloy sa pagluluto, naupo na lang ako sa isang stool at hinayaan ang sariling magmukmok.

"I saw Raizen," I began calmly. "He was wearing the bangle I gave him, something he never did before."

Archer stared at me for a moment before going back to what he's doing, "And it gave you hope?"

I scoffed, "I felt like I was mocked."

Bahagya siyang natawa bago napailing, "You could never really tell what he wants, 'no? His actions contradict his words."

Isa pa 'yon kaya ako naiinis. Kaya hindi rin ako makabitaw nang maayos kasi feeling ko nakakapit pa siya sa 'kin. Ang gulo lang– siya 'yung nagtapos eh.

I need to understand what he truly wants and expects from me. It's important for him to be honest with himself. Paano ko siya matutulungan kung pati sarili niya ay 'di niya matulungan?

Wiling akong tulungan siya kahit walang kapalit. Gusto ko lang maging masaya siya sa desisyon niya, yung pareho kaming walang pagsisisihan.

"What exactly are your plans, Ian?" Arch asked.

"Move forward, I guess."

Tinignan niya ako na parang nagdududa, "Hindi ka hihinto para sa kaniya?"

Bakit ako hihinto? Subukan lang humarang ni Raizen, isasama ko siya. Hindi ko na siya papakawalan ulit.

"Hindi." Mariin kong sagot.

"Pre!"

Halos mahulog pa ako sa inuupuan ko nang sumulpot si Knox at umakbay, "Balita ko nagkita kayo ni Raizen mata sa mata ah? Ano, resbak na ba?"

"Hindi ka kasali." Sagot ko sabay alis ng braso niya sa balikat ko. "Noong 'binubully' ko si Raizen, todo protekta kayo. Tapos ngayon, reresbakan mo?"

"Masyado pa rin siyang mabait para resbakan ko, pero ikaw kasi 'tong kawawa rito eh."




xx
bio bayo
09:37 pm


How To Trust A LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon