THIRD PERSON POV.
HINDI na mapakali ang mga magulang ni Elisha dahil sa pag-aalala. Si General Vllader ay umalis ng bahay upang hanapin ang anak. Habang nagmamaneho sya ng kotse ay nakita nya ang naglalakad na dalaga, at nang mapagtanto na ito ang anak, ay dali-dali nyang inihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan.
Bumaba rin sya ng kotse upang salubungin ang anak.
"Papa!" sigaw ni Elisha sabay patakbong lumapit sa ama.
"Saan ka ba nagpunta, sobrang nag-aalala na ang iyong ina," bungad sa kanya ng ama.
"Papa, marami pong mga nangyari. Umuwi na po muna tayo, at sasabihin ko po ang lahat," tugon nya.
KASALUKUYAN na silang nasa sala ng bahay. Tulog na ang bunso nyang kapatid na kinakarga ng kanyang ina.
Naikwento na rin ni Elisha ang mga nangyari sa kanya."Ang sinasabi mo ay may dumukøt sa'yo, at dinala ka sa isang night clùb, tapos isinali ka sa bidding, at may bumili sa'yo sa halagang five million?" sabi ng kanyang ama.
"Gano'n na nga po Papa, tapos 'yong nakabili sa'kin, meron syang kastilyo na nakatayo sa gubat, mabuti na lang ay pinakawalan nya ako pero—" natigilan sya nang magsalita ang kanyang ina.
"Anak, hindi kaya ay epekto 'yan ng pagbabasa mo ng wattpad."
"Ma, hindi po ito epekto ng wattpad. Totoo po ang mga sinabi ko."
"Binili ka sa halagang five million tapos pinakawalan ka?" seryosong tanong ng kanyang ama.
"Opo Papa gano'n na nga po."
Huminga ng malalim si General Vllader bago muling nagsalita. "Kastilyo sa kagubatan? Kalokohan! Sa susunod ay magpaalam ka kung aabutin ka ng gabi sa galaan," tumayo ang kanyang ama mula sa pagkakaupo.
"Bakit hindi po kayo naniniwala sa'kin Papa?!"
"Sa tingin mo, meron bang gagastos ng malaking halaga para bilhín ang isang babae at pakakawalan lang!" sagot ng kanyang ama.
"Mahirap po kasing ipaliwanag kung bakit nya ako pinakawalan," giit ni Elisha, ngunit hindi na sya pinansin ng ama.
Tumalikod na si General Vllader at akmang aalis nang muling magsalita si Elisha.
"Paano kung may kinalaman po sa mga Mafia ang dùmukøt sa'kin. Paano kung napapahamàk ako dahil sa paghuli nyo po sa mga Mafia," sabi nya, habang pinipigilan ang nagbabadyang mga luha.
Hindi pa rin umimik ang kanyang ama, at naglakad na patungo sa kwarto nito.
"Bakit po ba gano'n si Papa, ang akala ko ay paniniwalaan nya ako," naluluhang sambit ni Elisha.
"Pagod lang sa trabaho ang iyong ama, saka masyado na syang maraming iniisip. Intindihin mo na lang anak," malumanay na tugon naman ng kanyang ina.
******
KINABUKASAN maagang pumasok si Elisha, kaya nagkaroon pa sila ng oras ng kaibigan nya para makapagkwentuhan.
"Talaga ba? Nangyari sa'yo 'yon?" tanong ng kaibigan nyang si Yzay.
"Oo nga, huwag mo sabihin na pati ikaw hindi maniniwala sa'kin?" sagot ni Elisha.
"So anong itsura nitong si five million guy?"
"Matangkad sya, at gwapo. Basta mala-fictional character."
"Talaga?! Omg! Sana ako na lang ang nakídnap at binili nya," kinikilig na sabi ni Yzay.
"Pero alam mo Yzay, may kakaiba sa kanya.."
"Well mukha naman talagang may kakaiba sa kanya, do'n pa lang sa part na sa isang Kastilyo sya nakatira eh kakaiba na—Teka nga Elisha...baka naman epekto lang 'yan ng wattpad."
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
Aktuelle LiteraturIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...