THIRD PERSON P.O.V.
UMAGA, dahan-dahang iminulat ni Elisha ang mga mata. Napahawak sya sa ulo nang maramdaman ang pagkirot nito, at tila ba pumipintig-pintig ang kanyang sintido.
Itinukod nya ang isang kamay sa kama, at marahan na bumangon. "Ano bang nangyari?" tanong nya sa sarili, at saka humarap sa salamin.
Nang makita nya na suot pa rin nya ang antique-modern dress ay saka nya lang naalala na isinama nga pala sya ni Weiven sa Mafia's event, ngunit hindi pa rin malinaw ang lahat sa kanyang alaala.
Nagmadali na syang kumilos kahit pakiramdam nya ay umiikot pa ang kanyang paningin. Hinubad nya ang dress, at tanging mga panloob na lamang ang suot nya nang magtungo sa cr.
MATAPOS na makaligo, at makapag ayos ng sarili ay agad na binitbit nya ang school bag, at saka sya lumabas ng silid. Naabutan nya ang kanyang ina sa may sala, at tila ba nagulat pa ito nang makita sya.
"Anak okay ka lang ba?" alalang tanong nito sa kanya.
"Bakit po Ma?" balik na tanong ni Elisha.
"Mukhang wala ka yata sa sarili, nakalimutan mo na bang sabado ngayon."
Nasapo ni Elisha ang noo matapos na ipaalala ng kanyang ina na araw ng sabado at walang pasok. Dali-dali syang naglakad pabalik sa kanyang silid.
"Sumunod ka na lang dito sa hapag kainan, at nang makapag-almusal ka na rin," wika ng ginang habang karga ang bunsong anak, at naglakad patungo sa kusina.
Hindi rin nagtagal sa loob ng kanyang silid si Elisha. Matapos nyang maisuot ang isang t-shirt na pink at black leggings ay lumabas na sya ng silid at nagtungo sa kusina. Naabutan nya roon ang ina na karga ang bunso nyang kapatid, habang kumakain.
"Si Papa po?" bungad ni Elisha matapos na maupo.
"Maaga syang umalis dahil marami daw silang aasikasuhin sa trabaho, kilala mo naman ang Papa mo tapat na naglilingkod sa bansa, ngunit nawawalan naman ng oras sa atin," tugon ng kanyang ina na mahihimigan ang tampo sa tono ng boses nito.
"Sana po sa birthday ko hindi busy si Papa," ang nasabi na lamang ni Elisha, at nagsimula na rin syang kumain.
"Linggo naman iyon anak, at 18th birthday mo 'yon kaya hindi ako makapapayag na hindi 'yon paglaanan ng oras ng Papa mo."
Napangiti si Elisha sa sinabi ng kanyang ina, ngunit agad na nawala ang ngiti nya nang dumako ang tingin nya sa isang baso dahil bigla syang may naalala.
"Lagot..." mahinang sambit nya.
"Bakit anak? May problema ba?"
"Wala po Ma, sige po may gagawin pa pala ako," tumayo na sya at nagmamadaling tumakbo papunta sa kanyang silid.
"Huwag kang tumakbo kakakain mo lang," pahabol na paalala ng kanyang ina. "Ang panganay ko talaga hindi nanaman inubos ang kinakain nya," napapailing na wika pa ng ginang.
PAGKAPASOK ni Elisha sa loob ng kwarto nya ay agad syang dumapa sa kanyang kama, at nagpagulong-gulong habang unti-unting lumilinaw sa kanyang alaala ang mga eksenang ginawa nya sa Mafia's event.
"Ano bang mga pinaggagawa ko? Nakakahiya!" sigaw nya sa sarili, at dahil sa patuloy nyang pag gulong sa kama ay nahulog sya sa sahig.
Napadaing sya at marahan na tumayo hawak ang kanyang balakang.
"Omg!" bulalas nya nang maalala naman ang ginawang paggapang at pagdagan kay Weiven, pati na ang mga salitang binitawan nya sa binata ay unti-unti nang lumilinaw sa kanyang isipan.
"Makinig ka sa'kin..taga sundo...ang halimaw na 'yon kasi...isinumpa sya...at mawawala..ang sumpa...kapag nagpakasal sya sa isang magandang babae...kaya palagi syang nakabuntot sa'kin...para alukin ako ng kasal..."
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...