CHAPTER 10 : STAY

11 1 0
                                    

THIRD PERSON POV.

SA loob ng police station may isang lalaki na nagrereklamo tungkol sa isang aksidènte. Sya ang driver ng truck na kamuntikan nang makabunggó kay Elisha.

"Totoo ang sinasabi ko, may lalaking biglang pumigìl ng truck ko at sinira nya ang truck ko, kaya dapat syang magbayad," sabi ng truck driver.

"Ang sinasabi nyo po ay may muntik kayong mabanggà na babae, tapos may dumating na lalaki at pinigilan ang truck nyo?" tanong ng babaeng pulis.

"Gano'n na nga, pero hindi ko nabanggâ 'yong babae, dahil nga may biglang sumulpot na lalaki at gamit lang 'yong isang kamay nya pinahinto nya ang truck ko, pero dahil sa ginawa nya halos madurog ang harapan ng truck ko, at heto tingnan nyo nasugatàn din ang ulo ko," mahabang litanya ng truck driver.

"Kung gano'n nasaan na po ang babae at itong lalaki na sinasabi nyo?" tanong muli ng pulis.

"Bigla nga silang nawala, mahirap ipaliwanag pero sigurado akong may kapangyarihan 'yong lalaki."

"Sir mukhang nakainom po yata kayo, alam nyo naman po na bawal magdrive pag nakainom."

"Hindi ako nakainom, bakit hindi nyo tingnan ang cctv doon."

"Sa ngayon hindi po namin matitingnan ang cctv footage doon dahil sira po, at inaayos pa," paliwanag ng pulis.

"Hay naku naman! Paano ko mapapagbayad ang lalaki na sumira ng truck ko?!" inis na sabi naman ng lalaki.

SAMANTALA kahit kalalabas pa lang ng ospital ay naisipan pa rin pumasok ni General Vllader. Pagdating nya sa Police Department ay naabutan nya ang eksena ng lalaki.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni General Vllader.

Lumapit agad si officer Benfelix sa  General. Sumaludo ito bago nagsalita. "May isang reklamo lang po na inaayos," sagot ng Officer. "General kumusta po ang lagay nyo?" tanong pa nya.

"Kaonting tama lang naman ito sa braso ko, Officer Benfelix nga pala nalaman mo na ba ang night clùb na nagsasagawa ng illègal bidding?"

"Opo General, nakuha ko na po ang eksaktong address. Ang night clùb na iyon ay pinamumunuan po ng sindikatø na si Red Lion," tugon ng Officer.

Naagaw naman ang atensyon nila nang biglang marinig ang pagsigaw ng truck driver na nagrereklamo.

"Bakit ba ayaw nyong maniwala sa mga sinasabi ko?! Kailangan nyong mahuli ang lalaki na 'yon dahil hindi sya tao, sigurado ako sa nakita ko may kapangyarihan sya, at sinira nya ang truck ko gamit lang ang isang kamay nya!" sigaw ng truck driver.

Napalingon doon si General Vllader, at nagtatakang tiningnan ang lalaki.

"Ano ba talagang problema ng isang 'yon?" tanong ni General Vllader habang nakatingin sa truck driver.

"General, isa po syang truck driver na nagrereklamo tungkol sa sumira daw ng truck nya na may...." napatigil si Officer Benfelix, nag-aalinlangan itong sabihin sa General ang tungkol sa reklamo ng truck driver.

"Bakit hindi mo ituloy ang sinasabi mo Officer Benfelix."

"Tungkol po sa lalaking may kapangyarihan daw at—" hindi natapos ng officer ang sinasabi.

"Kalokohan! Baka naman nakainom ang truck driver na 'yan."

"Iyon nga din po ang hinala namin, at ang problema pa ay sira ang  cctv footage sa lugar na sinasabi ng truck driver kaya hindi namin makita ang totoong nangyari," tugon ni Officer Benfelix.

"Huwag nyo masyado pagtuunan ang mga walang kwentang reklamo, ang mabuti pa Officer Benfelix sabihan mo na ang ibang isasama natin mamayang gabi pag pumunta tayo sa night clùb."

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon