CHAPTER 41 : LOVE IS A SCAM

8 0 0
                                    

ELISHA AADHYA P.O.V.

SUOT ko ang isang black dress na lampas tuhod. Narito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, at inaayusan ni ate Danesha.

Sa paglipas ng mga araw ay laging bumibisita si Jin sa bahay, kasama ang mga kapatid nya. Kapag bumibisita sila sa bahay ay kasama rin ni Vin ang girlfriend nya na si ate Danesha. Naging malapit na sila sa'kin at itinurin kong mga kaibigan.

Ngayon nga ay fiesta na sa aming Brgy, kaya ngayong araw na din ang Brgy. Pageant. Nakasuporta naman sa'kin ang quadruplets, at maging si ate Danesha na syang nag-aayos sa'kin ngayon.

"You know what Elisha, kung kayo talaga ang para sa isa't isa, love will make a way para muling paglapitin ang mga puso nyo," sambit ni ate Danesha na tila ba nahulaan ang mga tumatakbo sa isip ko.

"Ang kaso lang hindi naman nya 'ko talaga minahal," hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa aking pisngi.

Kahit mahigit dalawang linggo na ang nakalipas mula noong makipaghiwalay sa'kin si Weiven, at mawalan sya ng paramdam ay sariwa pa rin ang kirot sa puso ko.

Masakit pa rin sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mga binitawan nyang salita.

"Siguro hindi talaga ako worth it mahalin," halos pabulong kong sabi.

Naramdaman ko ang pagpunas ni ate Danesha sa aking basang pisngi, at inulit na lang nya ang paglagay ng foundation.

"Don't be too sad sweetie, you are worth it to be loved," ang boses nya ay napakalambing.

Bukod sa maganda si ate Danesha ay napakabait rin nito.

"Uy ang ganda ni Elisha!" bulalas ni Fin nang bigla itong pumasok dito sa loob ng kwarto, kasunod ang mga kapatid nya.

"Oo nga, so beautiful," sang-ayon ni Zin.

"Ang galing din talaga mag-make up ng darling ko," sabi ni Vin at sabay lapit nito kay ate Danesha.

Mula sa likod ay niyakap nya ito dahilan ng pagngiti ni ate Danesha. Napakasweet nilang pagmasdan.

Ganyan din kami ni Weiven eh....noon...

"Elisha..."

Nilingon ko ang may ari ng boses na tumawag sa'kin. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Jin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isang mono block, at humarap sa kanya.

"Napakaganda mo..." ngumiti sya.

Wala itong pasabi nang biglang suotan nya ako ng isang kwintas.

"Nakalimutan kong ibigay 'yan sa'yo no'ng birthday mo," sabi nya.

Hinawakan ko ang star na pendant ng silver necklace. "Ang ganda nito, thank you Jin," tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Napansin ko naman ang pagsenyas nya kay Fin, at pinatay ng huli ang ilaw.

"Uy ba't—" natigilan ako nang mapansin ko ang nagliliwanag na  pendant ng suot kong kwintas. Kumikinang-kinang ang star na parang totoong butuin sa langit.

"Glowing in the dark pala ito. Ang galing naman," manghang sabi ko.

Muling lumiwanag ang paligid. Si Fin ulit ang nag-on ng switch.

"Sa tuwing madilim ang tinatahak mong landas, handa akong maging liwanag mo..." biglang sabi ni Jin. Napakalalim ng pinapakawalan nitong mga tingin.

"S-salamat Jin," iyon na lamang ang nasabi ko, at nanatiling nakatitig ang mga mata namin sa isa't isa.

Ang ganda ng mga mata nyang parang nangungusap. Kahit ang  paghagod ng lalamuman nito ay napaka-attractive tingnan.

Siguro kung sya ang una kong nakilala baka sa kanya ako na-inlove, pero nauna kong nakilala si Weiven, at nakatali na yata ang puso ko sa halimaw na 'yon!

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon