THIRD PERSON P.O.V.
NAKATAYO si Weiven sa loob ng kanyang silid sa Kastilyo, habang mataman nyang tinitingnan ang malaking kahon kung saan nakapaloob ang atique-modern dress na binili nya para sa dalaga.
Gabi na nang maihatid nya sa bahay si Elisha, sinabi nya rito na sya na ang bahalang magtabi ng dress, at ipapasundo na lang sa kanyang tauhan ang dalaga sa eksaktong petsa ng event.
Napahawak sya sa kanyang dibdib nang maramdaman ang muling paninikip nito. May kakaibang init na lumulukob sa loob ng kanyang katawan, tila ba nagbabaga ang kabuuan nya. Bumibigat ang kanyang paghinga!
Unti-unti rin nyang naramdaman ang paglabasan ng makapal na balahibo sa kanyang mga kamay at ang paguunahan sa haba ng mga kuko nya. Hinubad nya ang itim na coat, at hindi na pinansin kung saan ito naihagis.
Napasandal sya sa pader habang iniinda ang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Ikinilos nya ang mga kamay upang buksan ang dalawang butones ng kanyang polo, umaasang kahit papaano ay lumuwag ang kanyang paghinga, ngunit hindi pa rin ito nakatulong.
Hindi nya mapigilan ang pagdaing ng malakas, at sa kanyang pagbuka ng bibig ay lumitaw ang matatalim nyang pangil. Kumakati ang kanyang lalamunan, at ramdam nya ang paglapot ng laway. Ngayon ay tila ba isa syang mabangis na hayop na sumisingasing, habang ang mga mata nya ay naging purong itim.
Nasa ganoong kalagayan sya nang biglang dumating si Cleox.
"King Weiven!" agad sya nitong nilapitan. "Huminahon po kayo, ipanatag nyo po ang inyong isip..." tinitigan sya nito sa kanyang mga mata.
Tinulungan sya ni Cleox na makaupo ng maayos sa isang malapad na kama.
"Huminga po kayo ng malalim...dahan..dahan lang na paghinga."
Sinunod ni Weiven ang sinabi ni Cleox, at sa kabutihang palad ay unti-unting gumaan ang paghinga nya, nawala ang tila nagliliyab na pakiramdam sa loob ng kanyang katawan, hanggang sa muli na syang bumalik sa anyong tao.
Itinukod ni Weiven ang dalawang palad sa kanyang kama upang umalalay sa nanghihina nyang katawan.
"Ang itim na kapangyarihan ang bumubuhay sa'kin, ngunit ito rin ang nagpapahina sa akin....kapag hindi ko pa nahanap ang ibang bahagi ng kapangyarihan ni Hera sa lalong madaling panahon ay magiging huli na ang lahat..." wika ni Weiven kasunod ang mabibigat na paghinga.
"Ang totoo po nyan ay narito ako para ipaalam ang tungkol kay Mr. Lavender," mula sa isang suitcase inilabas ni Cleox ang isang brown envelop at inabot ito.
Kinuha iyon ni Weiven at nakita nya sa loob ng envelop ang mga pictures at impormasyon. "Axthoros Jex Tremoundoz?" bigkas nya ng pangalan na nakasulat sa isang papel.
"Si Axthoros Jex Tremoundoz ay kilala rin sa tawag na Horos, sya ang kanang kamay ni Senior Avosta ngunit ngayon sya na ang bagong namumuno sa Dragon Head, at sumali naman sya sa mga Casino gamit ang pangalan na Mr. Lavender," pahayag ni Cleox.
Tumango-tango naman si Weiven, ngayon ay mas malakas na ang kutob nyang hawak nga ni Mr. Lavender ang antigong kwintas dahil dati pala itong kanang kamay ni Senior Avosta.
Mula sa pagkakaupo sa kama tumayo sya at dinampot ang coat na kanina ay inihagis nya.
"King Weiven, ano na po ang binabalak nyo?" tanong ni Cleox.
"Pupunta ako sa Black Flower Casino, gusto kong makita mismo ang Mr. Lavender o Horos na 'yon, I want to know how the way he play for him to have the title of 'Casino Champion'," sagot nya habang inaayos ang sarili.
"Ngunit hindi po maganda ang lagay nyo ngayon—"
"It's okay Cleox, mas sasama ang pakiramdam ko kung patatagalin ko pa ang pagkilos ko," huling sagot ni Weiven bago sya naglaho sa harap ni Cleox.
![](https://img.wattpad.com/cover/367618275-288-k808926.jpg)
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...