THIRD PERSON POV.
MAHIGPIT ang naging pagyakap ni Elisha sa binata habang unti-unting gumuguho ang building na kinalalagyan nila. Napapikit sya ng mariin habang nararamdaman at naririnig ang pagbagsakan ng mga tipak ng pader. Parehong napaupo sa semento ang dalawa dahil sa lakas ng paglindol.
NATAPOS na ang naganap na lindol na tinatayang 8.2 magnitude. Nag-iwan ito ng malaking pinsala sa mga lugar na tinamaan at apektado. Ang ilang mga gusali, at kabahayan ay tumabingi, gumuho, at ang mga kalsada ay nagkabitak-bitak, nagkaroon din ng landslide sa ilang mga kabundukan.
Hindi naman mapakali ang mga magulang ni Elisha, lalo na at hindi nila matawagan ang anak. Alam nilang maaga itong umalis para pumasok, ngunit ngayon ay hindi nila makontak ang anak. Hindi nila batid na kasalukuyan itong nasa delikadong sitwasyon.
Nagkalat ang mga tipak ng pader, at mga steelbar sa paligid, habang sina Weiven at Elisha naman ay nakulong sa palibot ng mga natipak na pader. Madilim din sa kanilang kinalalagyan sapagkat natatabunan ng patong-patong na pader ang liwanag.
Nagtamo ang dalaga ng sugat sa kanyang noo dahil bahagya itong nauntog sa pader, napabitaw sya sa binata. Nanghihina na rin sya kaya nawalan ng balanse at patihayang napahiga sa semento.
"Are you okay? Don't worry I'll do anything for us to get out from here," marahan na hinaplos ni Weiven ang buhok ng dalaga. "Trust me okay?" dagdag pa nito, at isang tango naman ang naging tugon ng dalaga.
Sinubukan ni Weiven na gamitin ang kanyang kapangyarihan, ngunit pakiramdam nya ay may kung anong pumipigil para magamit nya ito. Napamurà na lamang ang binata sa kanyang isipan, habang pilit nyang inaalis ang mga tipak ng pader na nakaharang upang makalabas sila.
"Stop it Weiven, save your energy at hintayin na lang natin ang mga rescuers," mahinang sabi ni Elisha.
Naupo si Weiven sa tabi ng dalaga, kinuha nya ang cellphone na nasa bulsa ng black pants nya, at sinubukan na tumawag ngunit bigo sya dahil walang signal, kaya gano'n na lamang ang kanyang pagkadismaya.
Sa inis nya ay akmang ihahagis na nya ang cellphone nang naramdaman nya ang kamay ng dalaga na humawak sa may pulsuhan nya.
"Siguro kung mag-isa lang ako mas matatakot ako, kaya salamat dahil nandito ka....Weiven..." bumaba ang paghawak nito papunta sa kamay ng binata. "Imortal ka 'di ba? Kaya hindi ka mamatày hanggang sa mahanap na tayo ng mga rescuers," sabi pa nito.
Binuksan naman ni Weiven ang flashlight ng cellphone upang kahit paano ay makapagbigay liwanag. Inilagay nya ito sa bandang gilid sa tabi ng dalaga.
"Ano bang ibig mong sabihin?" tanong ni Weiven, hinayaan lamang nya ang dalaga na humawak sa kanyang kamay.
"Kung sakaling mahuli ng dating ang mga rescuers, pakisabi na lang sa mga magulang ko na mahal na mahal ko sila...at—"
"Stop it kid! I'm not gonna let you diè!"
"Dapat lang dahil 'pag nangyari 'yon ikaw ang una kong mumultuhin!"
Napailing na lamang si Weiven. "Mamatây man ako o hindi walang mag-aalala sa'kin, pero sa'yo meron kaya kailangan nating makaalis dito," muling sinubukan ni Weiven na alisin ang mga nakaharang na pader.
Sinundan ng tingin ng dalaga ang ginagawa ni Weiven. "Siguradong nahihirapan ka."
"Hindi talaga madali ang ginagawa ko—"
"Siguradong nahihirapan kang mamuhay ng mahabang panahon ng mag-isa."
Napahinto si Weiven sa ginagawa dahil sa sinabi ng dalaga. Tumingin sya sa gawi nito ngunit walang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Hindi nya mahanap ang tamang salita.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
Genel KurguIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...