THIRD PERSON P.O.V.
NAGTATAKA ang quadruplets, at si Danesha kung sino ang mga taong dumukøt sa dalawa.
"Natawagan ko na ang ama ni Elisha, at nasabi ko na ang mga nangyari," sabi ni Fin, matapos na ibaba ang hawak na cellphone.
Nasa loob sila ng kotse. Si Jin ang syang nagmamaneho, at sa tabi naman nya ay si Fin.
Sina Vin, Danesha at Zin naman ang nasa back seat. Sinusundan nila ang puting Van kung saan lulan sina Elisha at Weiven.
"Please God, save them," usal ni Danesha na puno ng pag-aalala. Hindi na rin naman lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol sa pagiging halimaw ni Weiven dahil nasabi na iyon ni Vin.
"Don't worry my darling. Everyrthing will be alright," sabay yakap ni Vin sa dalaga.
HABANG sinusundan nila ang puting Van ay bigla namang may isa pang itim na kotse ang bumuntot sa likod ng Van.
Tila pamilyar din sa kanila ang tinatahak na kalsada. Isang mahabang kalsada na sa magkabilaang gilid ay may malalaking mga punong kahoy. Mangilan ngilan na lang ang mga sasakyan na dumaraan dito.
"Shít!" hindi maiwasan ni Fin na mapamùra nang patamâan sila ng mga bàla, mula iyon sa mga lalaki na nasa loob ng itim na kotse na nasa likod ng puting Van.
Ngayon ay nakatitiyak na silang ang mga taong nasa loob ng itim na kotse ay kasabwat din ng mga dumukøt kay Elisha at Weiven.
"Hinaharangan tayo ng itim na kotse para hindi natin masundan ang van!" inis na sabi ni Fin, sabay bunot nito ng bàril na nakasiksik sa gilid ng pantalon nya.
Sina Vin, at Zin ay inihanda na rin ang mga hàwak na barîl, habang si Jin naman ay kalmado lamang na nakahawak sa manibela.
Kapwa nagpapalitan ng mga balà ng barîl ang dalawang panîg. Isang balà ng bàril ang bumulusok sa side mirror ng kotse ng quadruplets. Lumikha ng tunog ang pagkabasâg ng salamin, at maging ang salamin sa harapan ng kotse ay nagkaroon din ng butas nang may balà rin na tumama doon.
Mabuti na lamang at mabilis na nakakaiwas ang quadruplets, at si Danesha sa mga balâng walang humpay sa pagbulusok sa kanila.
Inilabas ni Zin ang isang kamay sa bintana ng kotse, at sunod-sunod ang naging pagkalabit nya sa gatilyo ng barîl, dahilan para mapatumba nya ang dalawang lalaki na nakasilip mula sa bintana ng itim na kotse.
Ganoon rin ang ginawa nina Vin at Fin. "Jin idikit mo ang sasakyan natin sa itim na kotse," sabi ng huli.
Hindi sumagot si Jin at ginawa na lamang ang sinabi ng kapatid. Binilisan nya ang pagpapatakbo ng sasakyan, at ginitgit ang itim na kotse.
Habang patuloy na umaandar ang dalawang sasakyan. Mula sa bintana ng kotse ay lumabas si Fin at sumampa sa ibabaw nito. Pinanatili nya ang balanse bago sya tumalon patungo sa itim na kotse.
Kahit pa inuulan ng bàla si Fin habang nasa ibabaw sya ng itim na kotse ay napanatili nya ang maayos na balanse. Mula mismo sa bubong ng kotse na kinatatayuan nya ay pinagbabarîl nya ang mga lalaking nasa loob ng nasabing kotse.
Hindi sya nabigo na patàmaan ang mga nasa loob. Maging ang driver ay tinamaan sa ulô kaya nawalan ng tamang direksyon ang takbo ng itim na kotse. Bago pa man iyon tumamà sa isang malaking punong-kahoy ay mabilis na tumalon si Fin patungo sa kotse nila.
Kamuntikan pa syang mahulog, mabuti na lang at nagawa nyang makalusot ulit sa bintana upang makabalik sa loob ng sasakyan nila.
"Good job Fin," papuri sa kanya ng Mga kapatid.
Tinanaw pa nila ang itim na kotse na nagpagewang gewang at bumanggâ sa puno. Saktong malayo layo na rin nang malampasan nila ito ay bigla nang sumabøg ang itim na kotse.
![](https://img.wattpad.com/cover/367618275-288-k808926.jpg)
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...