CHAPTER 12 : REVEALED

10 1 0
                                    

THIRD PERSON POV.

SA inis ni General Vllader ay nahampas nya ang ibabaw ng desk nya.

"Naabutan nga natin ang bidding ngunit hindi naman natin nahuli ang pinuno ng sindîkatø na 'yon!"

Hindi mapaglagyan ang galit nito dahil nakatakas ang gusto nilang hulihin na si Red Lion.

Noong pumunta sila sa night clùb at nagpanggap na mga kliyènte ay naabutan naman nila ang illègal  bidding, at nahuli nila ang ilan sa mga nagsasagawa nito ngunit nakatakas si Red Lion na syang may ari ng night clùb at namumuno sa pagsasagawa ng illègal bidding.

"General mukhang may tumulong po kay Red Lion kaya nakatakas ito," sabi ni Officer Benfelix.

"At sino namang bwís*t na tumulong sa sindikatø na 'yon?"

"Mahirap pong alamin General, ngunit ang mahalaga ay maititigil na sa night clùb na iyon ang pagsasagawa ng illègal bidding, at hawak na rin po natin ang listahan ng mga naging kliyente nila na makatutulong sa atin upang matagpuan natin ang kinalalagyan ng nawawalang mga dalaga," tugon ng Officer na naging dahilan ng pagkalma ni General Vllader.

....

SA loob ng Vacation House. Dala ang tray ng pagkain, nagtungo si Vin sa kwarto kung saan nakakulong ang kanilang bihàg na dalaga.

Pagkapasok nya sa loob, naabutan nya ang dalaga na tahimik na nakaupo. Marahan nyang inilapag sa mesa ang kanyang dalang tray.

"I'm sorry for what I did, I was—" natigilan sya nang magsalita ang dalaga.

"Can you just kíll me," walang emosyon na sabi nito habang nakatingin sa basàg na salamin ng bintana.

"Bakit ba ganyan na lang lagi ang sinasabi mo? Hindi ka ba magmamakaawa na buhayin ka namin o kaya—" muli syang natigilan nang humarap na sa kanya si Danesha Avosta.

"Bakit? Pagnagmakaawa ba ako, hindi nyo na ko papâtayin? Papakawalan nyo ba ako? Ibibigay nyo ba ang mga gusto ko?" sa pagkakataong ito ay bakas ang pangingilid ng nagbabadyang mga luha ng dalaga.

"Hindi kita pwedeng pakawalan, pero kung may iba kang gustong gawin tell me, maybe I can do something," maging si Vin ay nagulat sa mga sinabi nya ngunit nabitawan na nya ang mga salitang iyon.

"I wanna take shower, gusto kong magbabad sa bathtub na may mga mabangong bulaklak sa ibabaw, at gusto ko ng pamalit na bago at malinis na bistida," tugon ng dalaga dahilan ng pagbuntong hininga ni Vin.

"You said you can do something," pahabol pa nito.

"Okay, just wait maghahanap ako ng babae na pwedeng magpaligo sa'yo—"

"No, hindi ko kailangan ng magpapaligo sa'kin, don't worry hindi naman ako tatakas."

Napahilamos na lang ng mukha si Vin matapos marinig ang gusto ng dalaga.  Hindi sya makatanggi sa gusto nito lalo na at nakapagbitiw na sya ng salita.

"Paano ako makasisiguro na hindi ka tatakas?" tanong nya sa dalaga.

"I promised."

Nakita nya ang sinsiridad sa mga mata ng dalaga, kaya sa huli ay napapayag rin sya nito.

Inihanda ni Vin ang mga kakailanganin ng dalaga. Lumabas sya saglit at bumili ng mga bistida para sa dalaga.

Mabilis din naman syang nakabalik. Bago nya papasukin sa loob ng cr ang dalaga ay tinanggal nya muna ang pagkakagapós ng mga paa't kamay nito.

PAIKOT-IKOT si Vin sa apat na sulok ng kwarto habang hinihintay na matapos ang dalaga. Halos isang oras din syang naghintay at sa wakas, bumukas na ang pinto ng cr at iniluwa ang dalaga.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon