THIRD PERSON P.O.V.
NAROON sa sala ang quadruplets abala sa kanilang mga ginagawa habang nag-uusap-usap, maliban lamang kay Vin na nasa malalim na pag-iisip.
"Jin kilala mo ba ang babaeng 'yon? I mean si Elisha, kung makatitig ka kasi sa kanya kanina, parang matagal na kayong magkakilala," sabi ni Zin habang nakaharap ito sa salamin,at panay ang suklay sa kanyang buhok.
"I just met her recently sa isang bookstore," sagot ni Jin na hindi inaalis ang tingin sa hawak nitong libro.
Bigla naman lumapit sa kanya si Fin, at inagaw ang libro. "Bro, does it mean na sya 'yong babaeng nagpapangiti sa'yo? Kaya naman pala napapangiti ka kasi maganda," ngumiti pa ito ng nakaloloko.
"Fin give me back my book," sinubukan agawin ni Jin ang libro ngunit itinaas pa ito ng kapatid.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, may gusto ka ba sa kanya?" nakangising tanong ni Fin.
"Pwede ba Fin tigilan mo ako sa kakulitan mo," mababakas ang inis sa boses ni Jin ngunit mas lalo lamang na lumapad ang ngiti ng kapatid.
Biglang may naisip na kalokohan si Fin, nilapitan nya si Zin na panay pa rin ang suklay, at mabilis nya itong hinawakan sa kamay at hinila palapit sa kanya
"Nalaman mo na ba ang wakas ng kwento?" seryosong sabi ni Fin sa kapatid.
Mabilis naman na naintindihan ni Zin ang ginagawang kalokohan ng kapatid kaya sinakyan din nya ito.
"Ikaw nga ang lalaking 'yon..." sagot ni Zin na pilit pinaliit ang boses para magtunog babae, sabay hawak nito sa braso ng kapatid.
Napailing na lang si Jin sa ginagawa ng dalawa. Halata naman na ginagaya ng mga ito ang naging eksena nila kanina ni Elisha.
"Hindi ko talaga alam kung bakit nagkaroon ako ng mga baliw na kapatid," napapailing na sabi ni Jin sabay hablot nya ng libro na nasa kamay ni Fin.
Nagtawanan naman ang dalawa na halatang natutuwang asarin ang kapatid.
"So ano Jin, gusto mo nga si Elisha?"
"Seriously Fin? I told you we just met recently, pwede bang magkagusto ka sa taong bago mo lang nakilala? Saka she's too young," sagot ni Jin, at muli itong bumalik sa pagbabasa ng libro.
"Bro ika nga nila, 'age doesn't matter," giit ni Fin. "Saka si Vin nga isang tingin pa lang sa babae nahuhùbaràn na nya," natatawang sabi pa nito, ngunit natigilan sya nang mapansin na hindi man lang nag-react si Vin, at seryoso lamang ito na nakaupo sa sofa.
Nilapitan nya ang kapatid at inakbayan. "Mukhang seryoso yata ang ating lover boy," mapang-asar nitong sabi.
"Siguradong mga babae ang nasa isip nyan, baka nananaginip ng gising na may kalampùngan syang babae," biro ni Zin na sinabayan ng tawa ni Fin.
Inalis naman ni Vin ang pagkakaakbay sa kanya ng kapatid. "Hindi ba kayo nagtataka?" seryosong sabi nito dahilan para bigyan sya ng nagtatanong na tingin ng kanyang mga kapatid.
Tumayo si Vin mula sa pagkakupo sa sofa, at marahan itong naglakad ng paikot-ikot habang ang isang kamay ay nakahawak sa kanyang baba.
"Sa tinagal-tagal natin bilang kasapi ng Black Flower, hindi pa natin nakita na may kasamang babae ang ating hari, hindi nga sya nakikipag-usap sa mga babae, at ayaw din nya ng isang babae sa grupo, at 'di ba dati pa natin gustong kumuha ng katulong pero ayaw nya, tapos ngayon sya pa mismo ang nagdala ng babae dito, and take note he said that Elisha knew everything about our group, so alam ng babaeng 'yon ang lahat ng tungkol sa Black Flower," mahabang litanya ni Vin.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...