CHAPTER 39 : WHY IT SHOULD BE HER?

9 0 0
                                    


THIRD PERSON P.O.V.

SA kabila ng pangangatog ng mga tuhod, pinilit ni Vin na makatayo ng maayos, at agad na niyakap si Danesha.

"Thank you my darling...alam kong hindi mo ako matitiis."

"Please Vin stop loving me...."

Kumalas sya ng yakap nang marinig ang mga sinabi ng dalaga. Umiling-iling sya bilang pagtutol dito.

Kinuha ng dalaga ang isang kamay nya at pinahawak sa kanya ang payong. "Just leave Vin."

Hindi na nya nakontrol ang nararamdaman at bigla na lamang nyang inihagis ang payong. Hinawakan nya ang magkabilaang balikat ng dalaga. "Bakit Danesha? Mahirap ba talaga akong mahalin? Iniisip mo ba na playboy pa rin ako?"

"No Vin, hindi gano'n-—"

"Kung hindi gano'n eh ano? Bakit bigla mo na lang akong iniwasan? Bakit pinagtatabuyan mo na ko? Bakit—"

"Because he râpèd me! Horos disrespect my bôdy! Hindi na ako nararapat sa'yo Vin," umiiyak na sabi ng dalaga.

Napabitaw sya sa mga balikat nito dala ng pagkagulat. Kahit pa bumubuhos ang ulan hindi nakatakas sa paningin nya ang mga luhang nagbagsakan mula sa mga mata ng dalaga.

"I tried to save myself from him, but I am so weak. All I can do is cry while he's fvcking my bôdy!" napahagulhol na si Danesha. "Iniiwasan kita kasi alam kong hindi na ako nararapat pa sa'yo," patuloy nito sa pagitan ng mga pag-iyak.

Naikuyom ni Vin ang kamao at mariin na sinuntok ang pader. "Dâmn it!" sunod-sunod ang naging pagmurà nito.

Naiinis sya at sinisisi ang sarili kung bakit hindi nya man lang natulungan ang dalaga. Hindi man lang nya ito nailigtas sa tamang oras!

Muli nyang nasuntôk ang pader. Hindi na rin nya napigilan ang pagpatak ng mga luha.

"I'm sorry..." bigkas nya habang sumasabay sa bawat butil ng ulan ang kanyang mga luha.

"Vin naiintindihan ko kung magbabago na ang nararam—" hindi nya pinatapos magsalita ang dalaga. Hinapit nya ang baywang nito at niyakap.

"I'm sorry wala ako sa tabi mo habang natatakot ka. I'm sorry I failed to protect and save you...pero ano pa man ang mangyari mahal pa rin kita darling ko," sabi nya habang yakap pa rin ang dalaga.

"Vin I told you he râpèd me."

"Mahal kita Danesha."

"He own my bôdy that night."

"Mahal pa rin kita darling ko."

"What if magbunga ang ginawa nya sa'kin...Vin I'm sorry..."

"Don't say sorry. I told you mahal kita at kahit pa magbunga man ang ginawa nya sa'yo tatanggapin ko pa rin ang buong pagkatao mo, at handa akong magpakaama sa magiging anak mo. That's how I love you my darling."

Mas lalo lamang na napahagulhol si Danesha sa mga binitawang salita ng binata. Kusang kumilos ang mga kamay nya upang yakapin ito. Hindi nya lubos akalain na ang lalaking dating playboy ay kaya palang magmahal ng ganito kalalim.

"I'm sorry kung hindi ko sinabi agad, natakot lang ako na baka magbago ka sa'kin, ayokong mangyari 'yon kasi....kasi mahal na rin kita Vin..."

Naramdaman nya ang unti-unting pagluwag ng pagkakayakap ng binata. Kumalas ito at hinawakan ang kanyang mga pisngi, pinagdikit ang kanilang noo, at marahan na inangkin ang kanyang mga labi.

Sa isang malamig na gabi kung saan walang tigil ang malakas na pagbuhos ng ulan pinagsasaluhan nila ang isang malalim at madamdaming halîk, habang ang mga luha nila ay parehong humahalo sa bawat pagpatak ng ulan.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon