THIRD PERSON POV.
SA bahay ni Weiven sa Manila kung saan tumutuloy ang apat na kasapi ng Black Flower. Naroon ang tatlong lalaki na masayang nag-iinuman, habang ang isa naman ay tahimik lamang na nagbabasa ng libro.
"Mga bro siguradong matutuwa ang hari sa regalo natin sa kanya," kumpyansang sabi ni Zin—Ang pinakamahangin sa kanila.
"Hintayin na lang natin sigurado parating na sila ni Cleox. Sana makatanggap tayo ng reward," sabi naman ni Fin—Sya naman ang pinakamakulit.
"Sana babae ang matanggap natin na reward," si Vin—Ang playboy sa apat.
Nagkalat ang mga bote ng alàk sa ibabaw at maging sa ilalim ng lamesa, pati na ang mga sigàrìlyo ay nagkalat din, kagagawan iyon nina Zin at Vin na tanging gumagamit ng sigârilyø.
Napupuno ng halakhakan ang buong sala ngunit napatigil sila nang biglang magsalita si Jin.
"Hinaan nyo ang tawanan, hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko," wika nito na hindi inaalis ang mga mata sa libro—Sya lang naman ang nag-iisang tahimik, at mahilig magbasa ng libro.
Pero lahat sila ay bihasa pagdating sa pakikipaglabân, pisikal man o sa paggamit ng bàríl. Magkakapatid ang apat, may iisang mukha at edad na 23 years old, dahil sila ay quadruplets, ngunit namatày na ang kanilang mga magulang. Nakilala naman nila si Cleox na naging daan upang maging kasapi sila ng 'Black Flower.' Ngunit hindi nila alam ang tungkol sa Kastilyo at pati na ang mga lihim ni Weiven.
"Ang kj mo talaga!" sigaw ni Vin kay Jin, Pero hindi sya nito pinansin.
"Hayaan nyo na si Jin, alam naman nating may sariling mundo 'yan eh," sabi naman ni Zin, sabay tawanan ang tatlo, ngunit natigilan sila nang marinig ang malalim na boses.
"Is this your surprise?"
Natigilan ang apat sa mga ginagawa at napatayo.
"Sa labas pa lang rinig na ang halakhakan nyo," seryosong sabi ni Weiven, habang nakatayo lamang sa kanyang gilid si Cleox.
"King Weiven, nagkakasiyahan lang po kami sa tagumpay na nakamit," sabi naman ni Zin.
"Sila lang ang nagsasaya," giit ni Jin.
"Kj ka kasi," sabay na sabi nina Fin at Vin.
Napunta naman ang mga mata ni Weiven sa mga nagkalat na bote ng alak. "I'll give you one minute para linisin ang kalat nyo," mautoridad na sabi nito, sabay lakad papunta sa isang black chair.
"Goodluck boys," mapang-asar na sabi ni Cleox saka sumunod kay Weiven.
Mabilis na kumilos naman ang tatlo. Kapag hindi nila nalinis ang mga kalat sa ibinigay na oras ay tiyak na malalagot sila sa kanilang Mafia King.
"Sabi ko sa inyo dapat nagligpit na tayo bago pa dumating ang hari eh," sabi ni Vin.
"Wala ka kayang sinabi, puro babae nga lang ang bukam-bibig mo," giit naman ni Fin.
"Eh 'di ba ikaw nga 'tong makulit na nag-aya ng inuman," ganti naman ni Vin.
"Uy Jin tumulong ka din!" bulyaw ni Zin sa lalaki nang mapansin na nakatayo lamang ito.
"Bakit? Kasali ba ako sa inuman nyo?"
Napailing na lang ang tatlo sa isinagot ni Jin.
Ganito lagi ang quadruplets, magulo at laging nagbabangayan, ngunit maasahan naman nila ang isat isa sa oras ng panganíb at kapahamakân.
*****
KASALUKUYAN na ngayon na nasa isang silid si Weiven kasama si Cleox at ang quadruplets.
"Sigurado ba kayong sya ang anak ni Sr. Gregor Avosta?" tanong ni Weiven habang nakatingin sa isang magandang dalaga na walang malay, at nakagapøs sa isang upuan na gawa sa kahoy.
![](https://img.wattpad.com/cover/367618275-288-k808926.jpg)
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...