CHAPTER 7 : AMBUSH

13 0 0
                                    

THIRD PERSON POV.

PATULOY lamang ang pagbuhos ng malakas na ulan. Marahan na naglalakad si Weiven habang binubuhat ang walang malay na dalaga.

Maraming mga bagay ang gumugulo sa kanyang isipin, mga katanungan na hindi nya mahanapan ng sagot.

"I don't even know why I felt something strange on her, something is different and weird," sambit nya sa kanyang isipan.

Habang patuloy syang naglalakad, natanaw nya ang isang lalaki na papalapit sa direksyon nila. Kaagad syang napatigil.

Nangunot ang noo nya nang mapagsino ang taong papalapit.

"General Vladder?" mahinang sambit nya.

Naisip nya ang maaaring ugnayan nito sa dalaga, at hindi nga sya nagkakamali.

"Elisha!" sigaw ng General at patakbong lumapit sa kanila.

"Sino ka? Bakit buhat mo ang anak ko?" agad na tanong sa kanya ng General.

Ngayon sigurado na si Weiven. Anak nga ng General ang babaeng kanyang binubuhat.

"She passed out," sagot ng binata. "I was about to bring her home," dagdag pa nya.

Hindi sya makapaniwala na ang ama ng dalaga ay ang General na nais humuli sa kanya.

......

NGAYON ay kasalukuyan na silang nasa bahay ng General. Hindi na nakatanggi pa si Weiven nang isama sya ng General dahil nais syang  mainterview nito.

"Oh hayan, magpalit ka muna ng damit," inabot sa kanya ni General Vllader ang ilang mga kasuotan.

'Ano kaya ang magiging reaksyon nya kapag nalaman nyang ako ang Mafia King na matagal na nyang gustong mahuli,' sa isip-isip ni Weiven.

Kinuha nya ang mga damit, at itinuro naman sa kanya ang cr para doon magbihis.

Habang nagbibihis ay hindi maiwasan ni Weiven na mapangisi. Sa isip nya ay wala man lang kaalam-alam ang General na nagpapasok na ito ng kalabàn sa bahay nya.

Pero natigilan sya nang mapagtanto na ngayon ay isinusuot nya ang damit na galing sa taong gusto syang hulihin.

"This is even more weird," napapailing na sambit nya. Isang blue t-shirt at black pants ang suot na nya ngayon.

MATAPOS nyang magbihis ay naabutan nya ang mag-asawa na nag-uusap sa sala.

"Kumusta ang anak natin? Wala pa rin ba syang malay?" tanong ni General Vllader.

"Napalitan ko na sya ng damit, pero wala pa rin syang malay ngayon, buti na lang wala silang pasok bukas," sagot naman ng kanyang asawa.

Natigilan sa pag-uusap ang mag-asawa nang biglang lumapit sa kanila si Weiven.

"Maupo ka," bakas ang awtoridad sa boses ni General.

Marahan naman na naupo si Weiven sa kaharap na sofa. Napatingin pa sya sa gilid nya kung saan naroon ang isang kuna na kinalalagyan ng nahihimbing na dalawang taong gulang na batang babae.

"Ngayon ipaliwanag mo sa'min kung sino ka, at ano ang ugnayan mo sa aming anak? Sabihin mo sa'min ang lahat," tuloy-tuloy na sabi ni General Vllader habang seryosong nakatingin kay Weiven.

Hindi agad nakasagot ang binata. Sa katunayan ay hindi nya malaman kung ano ba ang dapat nyang sabihin.

Sa mga sandaling ito ay iniisip nya kung ihihinto na lang ba nya ang oras, para makaalis ng palihim.

"Sya po ang tumulong sa'kin."

Napalingon silang lahat sa dalaga na nagsalita.

"Oh anak, mabuti nagkamalay ka na? Maayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Mrs. Vllader.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon