CHAPTER 24 : MAFFER

6 1 0
                                    

ELISHA AADHYA VLLADER P.O.V.

NAKITA ko si Fin na inalok ng sayaw ang isang babae sa kabilang table, maganda yung babae nakasuot ng fitted black dress, actually lahat sila dito magaganda ang mga suot. Siguro nga milyon din ang halaga ng mga suot nila.

Biglang napunta ang tingin ko sa isang kamay na nakalahad sa harap ko. Nang mag-angat ako ng tingin nakita kong nakangiti si Jin—ang gwapo!

Akmang magsasalita sya nang biglang magsalita itong halimaw sa tabi ko.

"Dance with me," sabi ni Weiven na ngayon ay nakatayo na rin pala.

Sa tono ng pananalita nya para syang nang-uutos sa halip na nag-aalok ng sayaw.

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa, parehas nang nakalahad ang mga kamay nila, pero biglang binawi ni Jin ang kamay nya.

"Go on Elisha, dance with the King," ngumiti sya at saka umalis na sa harapan ko.

Feel ko talaga ang bait bait ni Jin.

"Hey! Nangangawit ang kamay ko," reklamo naman nitong halimaw sa tabi ko.

Pakialam ko naman sa kamay nya?!

"A-aray ang sakit," sabay hawak ko ng tiyan, at umaktong namimilipit sa sakit. "Grabe...ang sakit talaga ng tiyan— "

"You're not good in acting kid."

Ay! Nahulaan nya agad! Ang galing talaga nitong halimaw!

"Hindi rin ako magaling sumayaw kaya dito na lang ako mauupo, at ibang babae na lang ang alukin mo," nagpalinga-linga ako sa paligid at saktong may nahagip ang mga mata ko. "Ayon oh may isang babae do'n na sexy," sabay turo ko pa sa direksyon ng babae na tinutukoy ko.

"Ginagàgó mo ba ako?! You want me to dance with a woman statue?"

"Huh? Estatwa pala 'yon? Kaya pala hindi gumagalaw, sayang ang sexy pa naman at—" natigilan ako nang bigla nitong hinawakan ang kamay ko, at wala na akong nagawa nang tangayin nya ako papunta sa mga nagsasayawan.

Huminto kami sa may gitna, at sa gilid namin ay napansin ko si Jin na may kasayaw na babae. Marahan na isinampa ni Weiven ang isang kamay ko sa may leeg nya, ang isa ko naman na kamay ay hawak nya. Napalunok naman ako nang maramdaman ko ang paghawak nito sa baywang ko. Heto nanaman 'yong pakiramdam na parang may kuryentè na dumaloy sa buong sistema ng katawan ko.

Nakatitig kami sa isa't isa habang sumasabay ang katawan namin sa mabagal na himig ng musika. Ilang beses ko nang natitigan ang mukha nya pero hindi pa rin ako nagsasawa.

Sa totoo lang napakagwapo ni Weiven—I mean gwapo naman talaga sya pero mas lumakas ang charisma nya ngayon siguro dahil sa suot nya. He looks so elegant and the word King really suits him.

Bumaba ang tingin ko sa mga butones ng suot nyang black coat. Palagay ko tunay na ginto ang mga butones. Eh kung humablot kaya ako ng isa tapos ibenta ko? Ang galing ko talaga mag-isip!

"Matibay ang mga butones na 'yan, kaya mabibigo ka lang kung binabalak mong kumuha," sabi nya na ikinagulat ko.

"Aminin mo, nakakabasa ka rin ng isip ng tao noh?" paniniguro na tanong ko.

OMG! Pa'no kung nakakabasa nga sya ng isip! Ang dami ko pa naman laging naiisip tungkol sa kanya!

"No, I can't read mind, pero minsan madali lang mabasa ang isip ng tao base sa mga kilos at tingin nito," sagot nya, kaya naman nakahinga ako ng maluwag.

Mabuti na lang pala.

Nagpatuloy kami sa pagsayaw hanggang sa pinaikot nya ako, pero sa pag-ikot ko ay biglang....

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon