CHAPTER 1 : THE MONSTER.

30 0 0
                                    


THIRD PERSON POV.

ANG mga bàrìl ay nakatutok sa isang lalaki, ngunit hindi nito alintana ang panganíb—Sya si Drake Weiven Roseman, isang hindi pangkaraniwang Mafia King.

Kasalukuyan syang nasa parking area, nang biglang magdatingan ang mga pulis na matagal na syang sinusubukan hulihin.

"Sa wakas nahuli ka na rin namin Mafia King!" bulalas ng isang matabang pulis habang nakatutok kay Weiven ang hawak na bàril.

"Iyan pala ang itsura mo ah! Sa tinagal-tagal ka naming hinanap, dito ka lang pala namin mahuhuli!" asik naman ng isa pang pulis.

Ngunit hindi nagbago ang seryosong mukha ni Weiven. Wala man lang mababakas na takot sa kanyang mga mata. Nagsimula syang humakbang palapit sa mga pulis kaya agad syang binigyan ng warning.

"Tumigil ka! Itaas mo ang iyong mga kamay!"

Hindi pa rin nya pinansin ang babala ng pulis. Patuloy lamang sya sa paghakbang.

"Sabing tumigil ka! Kapag ipinagpatuloy mo ang paghakbang ay mapipilitan kaming patamaan ka ng balà!"

Napatigil naman si Weiven.

"Itaas mo ang iyong mga kamay," wika naman ng isang babaeng pulis.

Itinaas ni Weiven ang isang kamay, ngunit hindi para sumuko. Ikinumpas nya ang kamay, at ang lahat ng CCTV na naroon ay nasira. Muli syang humakbang palapit sa mga pulis.

"Nababaliw ka na ba Mafia King?! Tumigil ka, at sumuko ka na!" giit ng matabang pulis na lalaki. Nang hindi sumunod ang pinapasuko na lalaki ay binaril ito sa tuhod.

"A-anong?" hindi makapaniwala ang mga pulis sa nasaksihan. Hindi tumama kay Weiven ang bâla. Bumagsak lamang ang bala ng bàril sa paanan nito. Muling silang nagpatama ng bàla, ngunit katulad ng una, ay hindi tinablan ang lalaki.

Naguguluhan ang mga pulis, nagtataka, at nakararamdam ng takot.

HINDI pa rin nagbago ang walang emosyon na kulay abong mga mata ni Weiven. Nagpatuloy lamang ang lalaki sa paghakbang. Wala syang pakialam sa mga balà ng bàril.

"FIRE!!!" sigaw ng namumunong pulis
  Kaagad na sinunod naman sya ng kanyang mga kasama, ngunit pare-parehong namilog ang kanilang mga mata nang mapagtantong hindi talaga tinatablan ng balà ang lalaki.

IMPOSIBLE! HINDI ITO TAO!

"H-halimaw! Halimaw ang Mafia King! Pâtâyin ang halimaw!" sigaw ng nangingilabøt na pulis, habang lahat sila ay walang tigil sa pagpapakawala ng mga bàla.

KAHIT pa inuulan na si Weiven ng mga bàla ay nagpatuloy lamang sya sa paghakbang hanggang nasa harapan na sya ng nangungunang pulis. Kaagad na hinablot nya ang baríl na hawak ng pulis. Nilamukos nya ito hanggang sa nadurog, at naging tila abo na lamang ang baríl na talaga namang nagpasindâk sa mga pulis.

"A-anong klase kang nilalang?"

"Hindi ka tao!"

"H-halimaw! Walang duda isa nga syang halimaw!"

Sunod-sunod na sigaw ng nangingilabøt na mga pulis. Ngumisi naman ang tinawag na halímaw. Dahan-dahan syang naglakad palapit sa iba pang mga pulis. Nangingilabøt na napaatras naman ang mga ito.

"Ipapakita ko sa inyo ang kahulugân ng hâlimaw," may hatid na lamig ang boses nito. Ang kulay abo na mga mata ni Weiven ay naging purong itim. Ngumisi sya, at lumitaw naman ang kanyang matatàlim na mga pangíl. Tumubo ang makapal na itim na balahibò sa kanyang mga kamay, at nag-uunahan din sa haba ang kanyang mga kukò.

Tila umurong naman ang dilà ng mga pulís. Mababakas ang matinding sindàk sa kanilang mga mata habang nasasaksihan ang pagbabagong anyo ng lalaki, at mas lalo lamang silang nilukob ng takót nang masaksihan kung paano nito sakmalin ang isa nilang kasamahan.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon