ELISHA AADHYA VLLADER POV.
SABADO ng umaga, hindi pa rin umuuwi si Mama, nasa ospital ito kasama ni Papa. Ako ang naiwan para magbantay sa kapatid kong si Zaina.
Kasalukuyan pa rin na natutulog si Weiven sa may sofa namin. Hinayaan na sya ng mga magulang ko na magpalipas dito sa bahay, dahil akala nila ay nahimatay ito sa takot sa mga nangyari kagabi. Ang hindi nila alam ay si Weiven pa mismo ang tumapos sa mga kalabàn.
Nakaupo ako ngayon sa sofa habang kumakain ng sandwich, at pinapanood ang kapatid ko sa ginagawa nitong pagpisil sa ilong ni Weiven, at paghila sa buhok.
Mukhang trip sya ng kapatid ko.
Bahagya pa akong natawa, ngunit natigilan ako nang magising si Weiven, at kamuntikan na nyang masakàl ang kapatid ko. Mabuti na lang at napigilan nya ang kamay nya.
Bumangon, at naupo sya sa sofa. Nagsasalubong ang mga kilay nito nang tumingin sa'kin.
"Why did you let this dwarf mess up with me?!" bakas ang inis sa boses niya.
"Grabe ka naman maka-dwarf sa kapatid ko, saka natutuwa lang naman sya sa ilong mo, at sa blonde mong buhok," sabay kagat ko ulit ng sandwich.
"Did I slept here?" tanong nya, at tumango lamang ako bilang tugon.
Napunta naman ang tingin nya sa kapatid ko na hinihila ang laylayan ng damit nya.
"What? Get away from me!" sabi nito, pero ngumiti lang ang kapatid ko. Pang-asar din talaga 'tong kapatid ko eh.
Bigla naman binuhat ni Weiven ang kapatid ko. "You dwarf!—" natigilan sya nang bigla syang ihian nito.
Hindi ko pa kasi nalalagyan ng diaper ang kapatid ko dahil paliliguan ko pa ito.
Napahagalpak na lang ako ng tawa dahil ngayon ay hindi na maipinta ang mukha ni Weiven.
"Take this dwarf!" sabay abot nya sa'kin ng kapatid ko. Mabuti na lang tapos na akong kumain ng sandwich.
"Good job baby Zaina," natatawang sabi ko, at marahan na pinisil ang pisngi ng kapatid ko.
"F*ck!" bakas ang inis sa mukha nito, sabay hùbad ng suot nyang t-shirt.
Napakurap ako ng ilang beses, at napalunok nang tumambad sa'kin ang matipuno nyang katàwan. Hindi ko rin mapigilan na makagat ang pang-ibabang labi.
Gosh! Ang hot naman nitong monster!
"Enjoying the view huh?" makahulugan nyang sabi.
Kaagad na nag-iwas naman ako ng tingin. "Kasalanan ko ba kung papansin 'yang abs mo!"
Akmang aalis na sya nang muli akong magsalita.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ko, habang karga ko pa din ang kapatid ko.
"I'm leaving," nakatalikod na sya ngayon sa akin.
"Aalis ka? Iiwan mo kami ng anak mo?! Gano'n na lang 'yon? Matapos ang lahat—" natigilan ako nang humarap sya sa'kin na magkasalubong ang mga kilay.
"What the f*ck are you talking about?!"
"Wala joke lang," sabay ngiti ko ng pilit. "What I mean is, lalabas ka ng walang suot na damit pantaas? Hindi porket may abs ka ay tama nang ibalandra mo sa publiko ang katàwan mo," dagdag ko pa.
"Well, I'm just sharing a beautiful view to people."
YABANG!
"Huhulihin ka ng mga pulis kapag pagala-gala kang walang damit."
"Then let me borrow your clothes."
"Damit ko?"
"Dàmn Elisha! I mean your dad's clothes."
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...