CHAPTER 15 : EARTHQUAKE!

9 0 0
                                    

ELISHA AADHYA VLLADER POV.

HINDI ko alam kung bakit parang hindi ako makakilos habang nakaupo si Weiven sa tabi ko, at nakasandal sa balikat ko. Sa katunayan ay halos nakasubsob na ang mukha niya sa aking leeg, kaya nararamdaman ko ang mainit nitong hininga.

Dapat natatakot ako sa kanya, at dapat kanina ko pa sya itinulak, pero hindi sumasang-ayon ang aking katawan sa sinasabi ng utak ko.

Napatingin ako sa bilog na orasan na nakadikit sa pader. Two thirty na ng madaling araw.

"Tulog ka na ba?" tanong ko sa mahinang tono ng boses.

"Oo.."

"May tulog bang sumasagot?"

"Meron."

Napairap na lang ako. Tulog daw pero nakukuha namang sumagot!

"Bakit ba pumunta ka dito? Saka ba't palagi kang nanghihina? Ilang percent lang ba ang powers mo? Pa'no ka nga pala naging Mafia, at—"

"Ang dami mong tanong."

"Actually Weiven, meron pa akong isang tanong na gustong gusto ko talagang malaman ang sagot."

"What is it?"

"Tumatae ka ba?"

Bigla syang umalis sa pagkakasandal sa balikat ko. Tinapunan nya ako ng seryosong tingin na tila ba may mali akong nasabi.

"B-bat ganyan ka makatingin? Tinanong ko lang 'yon kasi sabi mo hindi ka kumakain, at umiinom kaya curious lang ako kung—" bigla akong natigilan nang iangat nya ang kanyang isang kamay. "A-anong binabalak mo?" kinakabahan na tanong ko.

Nanatiling tikom ang bibig nya, at napunta ang tingin nya sa kanyang isang palad na sinundan rin ng aking mga mata.

May kung anong liwanag ang nagmumula sa palad nya, at mula roon ay biglang lumitaw ang imahe ng isang pulang rosas na parang naka 3D effect.

"Sa isang kaharian na walang dahas, ang bawat talulot ng pulang rosas ay
palatandaan ng pag-ibig na wagas, ngunit sa pagkaligaw ng landas,
ang mga talutot ng pulang rosas ay unti-unting natuyo't nalagas."

Ang imahe ng pulang rosas mula sa kanyang palad ay biglang naging kulay itim, at unti-unting naglaho.

Ano bang pinagsasabi nya?

Napangiwi ako, at tiningnan sya. "Tinanong lang naman kita kung tumatae ka, ba't bigla kang naging makata? Ang weird mo," sabi ko na dahilan ng pag-iling nya, at napansin ko rin ang pagkadismaya sa reaksyon ng kanyang mukha.

"Bakit ba bigla mong isinisingit sa usapan ang tungkol sa rosas na natuyo at nalagas? Ang gusto mo bang sabihin ay para akong isang tuyot na rosas, gano'n ba?" tuloy-tuloy na tanong ko.

Nagpakawala naman sya ng malalim na hininga. "You really don't understand kid," sabay sandal nya sa pader, at ginawang unan ang kanyang mga bisig.

"Anong hindi ko naintindihan? Gets ko na, sinasabi mong para akong isang tuyong rosas. Ipapaalala ko lang sa'yo lolo Weiven ikaw 'tong napaglipasan na ng panahon," taas kilay ko pang sabi.

Binigyan naman nya ako ng nagtatakang tingin. "Napaglipasan ng panahon? What do you mean by that?"

"Ninuno ka na ng mga ninuno ng sinaunang mga ninuno ko, gets mo na po?"

"The hèck! You're being exaggerated!"

"Kanina lang makata ka, ngayon naman englishero ka na, pero hindi mo naman nasagot ang tanong ko eh, so ano tumatae ka ba?"

"Does it matter to you kid?"

"Siguro wala kang butas sa p'wet noh?"

"Hindi ka ba titigil!" inis na sabi nya, sabay hawak ng mahigpit sa magkabilaang braso ko. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko kinaya ang matalim na pagtitig ng kulay abo nitong mga mata.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon