CHAPTER 38 : JEALOUS

10 0 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

HALOS hindi makapaniwala si General Vllader sa mga natuklasan nito. Seryosong nakatutok pa rin ang mga mata nya sa laptop.

"Siguraduhin mong hindi kakalat ang tungkol dito," utos nya sa nasa harapan na pulis, at saka pinaalis na ito.

Sunod na ginawa nya ay tinawagan nya si Elisha at sinabing papuntahin sa kanilang bahay si Weiven mamayang gabi.

SI Elisha ay nagtataka  matapos na makausap ang ama kanina habang naka break time sya. Bakit nga kaya gusto nitong papuntahin sa kanilang bahay si Weiven? Napapaisip sya at nababahala. Hindi kaya ay pagbabantaan nito ang lalaking kanyang minamahal?

"Magkakaroon ng pageant sa nalalapit na fiesta ng ating Baranggay. Inaanyayahan ni Kapitan ang bawat strand sa ating paaralan na magkaroon ng representative," pahayag ng babaeng guro na nasa harapan. "Kung sino man ang gustong maging representative ng Humss ay tumayo ngayon mismo," patuloy ng guro.

Wala sa sariling napatayo si Elisha habang iniisip na hindi sila maaaring magkalayo ni Weiven. Ipaglalaban nya ito sa kanyang ama ano man ang mangyari!

"Oo tama!" desididong sabi nya habang nakatayo.

"Okay, miss Elisha Aadhya Vllader ikaw na ang representative ng Humss para sa nalalapit na Brgy. Pageant," sabi ng kanyang guro na ikinagulat nya.

"Po? Bakit po ako?" naguguluhan na tanong nya.

"Salamat sa iyong pag presenta Miss Vllader. Paghandaan mo sana iyon at Goodluck," ngumiti ang guro at saka muling ipinagpatuloy ang discussion.

Bagsak ang mga balikat na muling naupo si Elisha. "Pag minamalas nga naman," bulong nya.

***
NATAPOS ang maghapong klase ngunit nanatiling si Weiven at ang kanyang ama ang nasa isip ni Elisha.

"Uy bess lutang na lutang ka maghapon ah," puna sa kanya ni Yzay.

"Pansin mo pala," sagot nya habang inaayos ang mga notebook sa loob ng bag nya. Iilan na lamang silang naiwan sa loob ng classroom.

"Halata naman masyado ang pagkalutang mo bess, nagpresenta ka bigla sa pageant kahit 'di ka naman mahilig sumali sa mga gano'n."

"Dumagdag pa sa isipin ko ang tungkol do'n," isinukbit nya sa balikat ang bag at naghahanda nang umalis nang biglang lumapit sa kanya ang ibang mga kaklase.

"Uy Elisha, sa linggo na 'yong 18 birthday mo, sino ang gagawin mong last dance?"

"Malamang Papa nya kasi wala namang boyfriend 'yan si Elisha."

"O baka 'yong makulit na si Yohan."

"Ang kaso 'di ba nasa ospital pa si Yohan dahil napilayan 'yong paa nya no'ng nahulog sya sa puno ng mangga."

"Oo nga ang kulit kulit kasi."

Hindi na ni Elisha pinansin ang mga sinasabi ng kaklase nya at inaya na nya si Yzay palabas ng school.

MAG-ISA na lang na naglalakad si Elisha dahil nagpaalam si Yzay may pupuntahan pa raw ito na kaibigan.

Napahinto sya sa paglalakad at tumingala. Makailang beses din syang napabuntong-hininga. Napakarami nyang inaalala.

"May inaabangan ka bang shooting star?"

Agad syang napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Jin? Anong ginagawa mo dito?"

Ngumiti ang lalaki. "Dumaan lang ako sa bookstore na malapit dito at saktong nakita kita."

"Ah gano'n pala..."

"May gumugulo ba sa isip mo Elisha?"

"Wala Jin, lutang talaga ako," nabigla sya nang hawakan ni Jin ang kamay nya.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon