THIRD PERSON POV.KASALUKUYAN nang nasa vacation house ni Weiven ang quadraplets. Nag-uusap-usap ang tatlo habang si Jin naman ay nagbabasa pa rin ng libro.
"Sa tingin nyo mga bro, ano kayang meron sa antigong kwintas? Bakit gusto 'yon makuha ni King Weiven?" kunot-noo na tanong ni Zin. "I'm so curious," dagdag pa nito.
"Maybe it was worth a million?" patanong na sagot ni Fin.
"Or maybe, galing ang kwintas na 'yon sa ex ni King Weiven, tapos napunta kay Senior. Avosta, at ngayon gusto nyang makuha ulit ang kwintas ng ex nya," komento ni Vin.
"Ang mga antigong bagay ay madalas na naglalaman ng maraming alaala," biglang sabi ni Jin na ikinagulat pa ng tatlo.
"Mga bro, tama ba ako ng narinig? Si Jin ba talaga 'yong nagsalita?" biro ni Zin.
"Teka i-check muna natin baka may sakit si kapatid na Jin," sabay tayo ni Fin at lapit kay Jin. Hinawakan nya ang noo ng huli na kunwaring sinusuri ang kalusugan nito.
"Ano ba! Tigilan nyo nga ko, nagbigay na nga ako ng opinyon ko eh," reklamo naman ni Jin.
Nagtawanan lamang ang tatlo. Sa kanilang apat, si Jin talaga ang madalas nilang asarin.
Tumayo naman si Vin, at nagpaalam sa mga kapatid nya.
"At saan naman pupunta ang ating lover boy?" mapang-asar na tanong ni Fin.
"Titingnan ko lang ang bihàg natin. Mahirap na baka makawala, malalagot nanaman tayo sa King," sagot ni Vin, at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa isang silid.
"Sus kunwari pa, babaero!" sigaw pa ni Fin.
"Quiet," saway naman ni Jin na ikinangiwi na lamang ng dalawa.
"Oh sa'n ka din pupunta?" tanong ni Fin kay Zin nang biglang tumayo ang huli at pumunta sa pinto.
"I need some fresh air to remain the softness of my face," sagot naman ni Zin, sabay alis.
Pabagsak na nahiga na lamang sa sofa si Fin. "Sino pang kakausapin ko ngayon?" tanong niya sa sarili, sabay tingin nya sa lalaking tanging naiwan sa sala. "Hoy Jin, bakit ba ang hilig mo magbasa ng libro?"
"Para marami akong mga matutunan," sagot ni Jin na hindi pa rin inaalis sa libro ang mga mata.
"Oh sige nga Jin, anong oras naimbento ang orasan?" sabay ngisi ng nakaloloko ni Fin.
Napatigil naman si Jin sa pagbabasa, at seryosong tiningnan ang kapatid. "Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ba ang nag-imbento?" sabay baling muli nito sa hawak na libro.
Napabuntong hininga na lamang si Fin, at tinabunan ng unan ang mukha. 'Wala talagang sense of humor!' sa isip-isip nya.
SAMANTALA gising na ang babaeng bihàg, nang pumunta si Vin sa pinagkukulungàn na silid. Nakagapøs ang mga kamay at paa ng babae habang nakahiga sa kama.
"Please let me go, I'm begging," pagmamakaawa ng babae.
"Danesha Avosta, alam mo kung talagang mahal ka ng dad mo ay ibibigay nya ang gusto ng aming hari kapalit ng kaligtasan mo," seryosong turan ni Vin, pero sa katunayan ay naawa sya sa babae.
"What does he want from my dad?" tanong ng babae.
"Napakasimple lang, 'yong antigong kwintas na nasa pangangalaga ng dad mo," agad na sagot ni Vin, at narinig nya ang pagbuntong hininga ng babae.
"My dad, he won't do that. Hindi nya ibibigay ang antigong kwintas," nanlulumo na sabi nito.
Nangunot naman ang noo ni Vin. "Sinasabi mo bang mas mahalaga pa kay Senior Avosta ang isang simpleng kwintas kesa sa'yo na kanyang anak?"
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
Ficción GeneralIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...