CHAPTER 21 : SELFIE

11 1 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

SA loob ng Flower Clùb bumibida ang malakas na tugtog ng musika na nagpapaingay sa paligid. Masyadong nakai-engganyo ang tugtog ng musika na sinasabayan ng mapusòk na pag-indak, at paggiling ng ilang mga kababaihan sa harap ng mga kalalakihan na sinasamahan pa ng mapang-akít na hiyawan. Idagdag pa ang ibat-ibang kulay ng ilaw na nagpapatay-sindi.

Naroon din sa dance floor si Fin at sumasayaw kasama ang isang babae na doon lang din nya nakilala.

Magiliw syang sumasabay sa bawat tugtog ng musika habang ang mga kamay nya ay paminsan-minsan nyang itinataas, at iwinawagayway. Ang magandang babae naman sa kanyang harapan ay todo bigay din sa paggîling, hapit na hapit ang pulang bistida na suot nito dahilan ng paglitaw ng magandang hugis ng  katawàn ng babae.

Napasinghap si Fin nang maramdaman nya ang walang paalam na pagpísil ng kamay ng babae sa kanyang pang-upo.

"Cute bùtt baby," bulong ng malàndi nitong tinig, ramdam nya ang pagtama ng mainit nitong hininga sa kanyang tainga, "I wanna see what's inside of your pànts," muling bulong ng babae na halatang nàng-aakit. Dahan-dahan na gumagâpang ang kamay nito patungo sa kanyang pagkàlalakí pero mabilis nya itong pinigilan.

"You are trespassing lady, this is only for my future wife," ngiting sabi ni Fin, at saka iniwan ang babae na napanganga na lamang.

"She's too wíld!" napapailing na sabi pa ni Fin, nakaramdam na din sya ng pagod sa pagsasayaw kaya naisip nyang magpahinga na muna. Naglakad sya patungo sa table kung saan nakapwesto sina Jin at Zin.

Napapayag nila si Jin na sumama sa kanila ngayong gabi, ngunit wala naman itong ginawa kundi ang magbasa pa rin ng libro, ni hindi man lang nga nito ginagalaw ang bote ng alâk na nasa kanyang harapan.

"Hey bro! Aren't you gonna dance?" tanong ni Fin kay Zin, at naupo rin ito sa kaharap na upuan. "You look so serious huh," dagdag pa nya.

Humithít muna ng sigarilyø si Zin at nagbuga ng usok, bago ito nagsalita. "I'm worried about Vin, he changed a lot ever since she met Danesha Avosta."

Napatango naman si Fin. "Actually napapansin ko nga rin, hindi na nakikipaglaro sa mga babae si Vin, lagi na syang nakapokus sa pagbabantay sa mag-ama, lalo na kay Danesha, but if he changed for the better then there's nothing to be worried."

"Fin, nakalimutan mo na ba ang isa sa rules ng grupo natin? Bawal tayong magkaroon ng relasyon sa mga kalaban lalo na sa mga bihàg," saglit na huminto si Zin sa pagsasalita, at lumagok ng matapang na alàk. "I hope that Vin should not break the rules just for that woman," patuloy nito, sabay kuha ng pulang suklay na nasa bulsa ng pantalon nya.

"Bro kilala naman natin si Vin, he's a playboy kaya malamang trip nya lang din isama sa collection nya si Danesha, he's probably not serious about having relationship with anyone," sagot ni Fin, at tumungga din ng alàk. Napunta naman ang tingin nito sa hawak ni Zin. "Kahit ba sa'n ka magpunta dala-dala mo 'yang suklay mo?" natatawang tanong nya.

"Ofcourse, my red comb is my lucky charm kaya nga hindi kumukupas ang kapogian ko eh, saka iyan ngang si Jin nagbabasa pa rin ng libro kahit nandito tayo sa night clùb," sabay turo ni Zin sa kapatid nila na tila ba may sariling mundo.

"Yah right, si Jin pa lang ang nakita kong nagbabasa ng libro sa loob ng night clùb," sang-ayon ni Fin. "Siguro kailangan na natin syang ipatingin sa doctor," biro pa nito na sinabayan naman ng tawa ni Zin.

Sa katunayan ay naririnig naman ni Jin ang pag-uusap ng dalawa ngunit hindi nya lamang ito pinapansin, at nanatiling nakatutok ang mga mata nya sa hawak na libro kahit medyo hirap syang magbasa dahil iba ang liwanag ng ilaw sa night clùb, hindi naman ito nagpapatay-sindi gaya ng mga ilaw sa dance floor, ngunit hindi rin gaanong maliwanag ang ilaw sa pwesto nila kaya medyo masakit sa mata ang magbasa ng libro, at idagdag pa ang ingay ng paligid.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon