THIRD PERSON P.O.V.
MAY isang Kastilyo na napapalibutan ng matitingkad na pulang mga rosas. Ito ang kaharian ng Rosanian. Isang payapang kaharian kung saan ang bawat talutot ng pulang mga rosas ay palatandaan ng pag-ibig na wagas. Ang mga tao sa kaharian na ito ay puno ng pagmamahalan, at pagkakaunawaan.
Pinamumunuan ito ng isang mabuting Hari na sobrang hilig sa pulang mga rosas. Sya si King Weiven, isang lalaking matipuno at may kaakit-akit na itsura. Ang hari ay umibig sa isang prinsesa na mula sa kaharian ng Diwanian. Isang maganda at mabuting prinsesa na nagngangalang Lira, ang dalaga ay may kakambal na mas matapang ang pag-uugali kesa sa kanya, ito naman ay si Hera.
Ang dalawang Kaharian ay nagkaroon ng maganda at payapang ugnayan, ngunit lingid sa kaalaman ni King Weiven ay may mga taong naiinggit sa kanya. Ang mga taong iyon ay nanguna sa pag-aaklas laban sa Kaharian ng Diwanian na nagdulot ng matinding digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian. Marami ang mga nasawi sa Kaharian ng Diwanian, kabilang na rito ang Hari at Reyna, pati na si Prinsesa Lira.
Labis itong ikinalungkot ni King Weiven, nagsisi syang hindi man lang naprotektahan ang dalagang sinisinta. Hindi man lang nya nalaman na ilan sa kanyang mga nasasakupan ay naligaw ng landas at nagdulot ng kaguluhan na ikinasawi ng kanyang minamahal.
Samantala nang mga oras na sinasalakay ang Diwanian ng mga taksil na taga Rosanian, nang mga sandaling iyon ay walang kaalam-alam si Hera dahil naroon sya sa kanyang lihim na lugar at abala sa pag-sasanay ng paggamit ng itim na kapangyarihan. Sa katunayan ay matagal na nya itong pinag-aaralan, at inililihim lamang nya sa kanyang mga magulang maging sa kambal nyang si Lira.
Nang magbalik si Hera sa kanilang Kaharian ay ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat nang madatnan nya ang walang buhay na kaharian. Marami ang nagkalat na mga bàngkay ng mga tao, may ilan na nakaligtas sa digmaan na nagbalita sa kanya ng pagkasawi ng kanyang amang Hari, inang Reyna, at ng kanyang kambal na si Lira. Hindi mapaglagyan ang bigat at lungkot na nararamdaman ni Hera, kahit naman madalas ay pasaway sya mahal na mahal nya ang mga magulang at ang kanyang kambal.
Ang nadaramang lungkot ni Hera ay napalitan ng matinding galit!
ISANG gabi ang napupuot na si Hera ay nagtungo sa Kaharian ng Rosanian. Gamit ang lahat ng natutunan nya sa itim na kapangyarihan ay pinàslang nya ang bawat nasasakupan ng Rosanian, maging ang mga kawal ay hindi kinaya ang lakas ni Hera.
Wala syang pinipili lahat ng madaraanan nyang tao ay kanyang pinapaslàng! Uubusin nya ang lahat ng taga- Rosanian! At paparusahàn nya ang Hari sapagkat ang alam ni Hera ay ito ang pasimuno ng pagpaslàng sa mga tao sa Kaharian ng Diwanian. Sinisisi nya si King Weiven sa pagkamatày ng kanyang mga magulang at kambal.
"Hera! Tumigil ka na! Hindi ko ginusto ang mga nangyari sa'yong kambal at mga magulang, iniibig ko ng labis si Lira at labis din ang aking pagdadalamhati sa pagkawala nya," lumuluhang sabi ni King Weiven.
"Sinungaling! Ikaw ang dahilan ng pagkawala nila! Pinaibig mo lamang ang aking kambal upang mapaniwalang maayos ang pagsasamahan ng dalawang Kaharian ngunit ang totoo ay binabalak nyong sakupin ang aming Kaharian at nagtagumpay kayo! Nagawa nyong mapabagsak ang Diwanian! Ngayon ay ipaparanas ko sa iyo ang aking paghihiganti!" galit na sigaw ng garalgal na tinig ni Hera.
Ikinumpas nya ang mga kamay, at lumabas ang itim na usok na pumalibot sa buong Kastilyo.
"Hari ng Rosanian! Isinusumpa kita! Mula sa araw na ito ay magiging itim ang iyong dugó! Mananalaytay ang itim na kapangyarihan sa iyong buong pagkatao hanggang sa unti-unti kang maging isang halimaw! Sa tuwing magagalit ka at magnanais na pumatày ay lalabas ang iyong anyong halimaw! Ang anumang pagkain o inumin ay magiging lason sa iyong sikmura! Kung makaramdam ka man ng gutom at uhaw senyales iyon ng paglala ng iyong pagkahalimaw, at sa puntong iyon ay magnanais kang kumain ng karne ng tao! Mabubuhay ka ng mahabang panahon upang danasin mo ang malupit na mundo!" matapos ang mahabang salita ni Hera ay ipinukol nya ang makapal na itim na usok patungo sa direksyon ni Weiven, at muli itong nagwika.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
Fiksi UmumIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...