CHAPTER 29 : BLACK ROSES TURNED RED

7 0 0
                                    

THIRD PERSON P.O.V.

NATANAW ni Zin ang paparating na si General Vllader. Kinuha nya ang isang pulang suklay sa bulsa ng pantalon, at nagsuklay ng buhok habang naglalakad pasalubong sa General. Napangisi na lamang sya sa kanyang isipan dahil wala man lang kaalam alam ang General na isa sya sa mga gusto nitong mahuli.

Matapos na makaalis ni Zin sa Sunshine Hospital ay nagtaxi na sya pauwi sa vacation house.

SAMANTALA balak pa lamang buksan ni General Vllader ang pinto ng opisina ni Dr. Gleron nang biglang bumukas na ito at iniluwa ang doctor.

"Magandang araw po General Vllader, dito po tayo," iginaya sya nito patungo sa isang silid kung saan naroon si Jaya Tanco.

"How's her condition? Can I talk to her?" tanong ni General Vllader habang nakatingin sa babaeng nakahiga sa hospital bed.

"We are still monitoring her mental, and health condition since she just recovered from a temporary comma, but you can already talk to her General," tugon ni Dr. Gleron.

Dahan-dahan naman na lumapit si General Vllader sa babae. "Miss Jaya Tanco, can you cooperate with the police department? Ang bawat detalye o impormasyon na sasabihin mo ay makatutulong upang mahanap namin ang ibang mga dalagang nawawala pa rin hanggang ngayon," panimula niya, ngunit hindi nagsalita ang babae. "We can ensure your safety, I promised that," dagdag pa ni General Vllader.

Tumingin naman sa kanya ang babae, pero nanatiling tikom ang bibig nito.

"Si Mr. Black kilala mo ba sya? Nasa kanya ba ang pinakamaraming bilang ng mga dalaga?" tanong pa ng General sa babae.

"Isang dalaga lamang ang binili ni Mr. Black," sa wakas ay nagsalita na ang babae. "Si Elisha...ang magandang dalaga na si Elisha ang binili ni Mr. Black sa halagang five million," patuloy nito. Naalala pa ni Jaya Tanco ang pagpapakilala nya noon kay Elisha bilang si Jaja at kung paano nya inayusan ang dalaga. Noon ay katuwang nya pa ang kabigan na si Manda. Lihim na dumaloy ang butil ng luha mula sa kanyang mga mata nang maalala na nasawi ang kaibigan sa naganap na barilán sa loob ng night clùb.

Saglit naman na natigilan si General Vllader, naalala nya ang mga sinabi noon ng kanyang anak na dinukót ito at isinama sa illegàl bidding, at may lalaking bumili sa halagang limang milyon. Ngayon ay nakatitiyak na syang totoo ang mga sinabi noon ni Elisha, ngunit nakapagtatakang pinakawalan ito matapos na mabili sa malaking halaga.

"Sino ang Mr. Black na iyon? Kilala mo ba sya?" muling tanong ni General.

"Bagong kliyente lamang sya ni Red Lion, at wala kaming idea tungkol sa kumpletong pagkakakilanlan nya, pero sigurado akong wala kay Mr. Black ang ibang mga babaeng nawawala," tugon ni Jaya.

Ang mga sinabing iyon ng babae ay mas lalong naging palaisipan kay General Vllader. "Kung gano'n nasaan ang ibang mga babaeng nawawala?" tanong nya.

"Hindi ako pwedeng magsalita laban sa kanila, siguradong papatâyin nila ako," takot na sagot ng babae.

"Miss Jaya Tanco, sa nagdaang linggo ng pamamalagi mo dito sa ospital ay walang kahit isang nagtangka sa buhay mo, iyon ay dahil mahigpit ang pagbabantay sa'yo ng ilan sa aming mga kapulisan. Wala kang dapat ikatakot hanggang sa paglabas mo dito sa ospital ay sinisiguro ko ang iyong kaligtasan," mahabang litanya ni General na umaasang makapagpanatag sa loob ng babae.

Tumango naman si Jaya Tanco, at marahang ibinuka ang bibig para magsalita. "Ang mga babaeng ipinapadukot ni Red Lion ay hindi lahat isinasalang sa bidding, ang iba sa mga babae ay dinadala nila sa isang tagong lugar para sa kanilang eksperimento na tinatawag nilang immortality project, iyon lang ang mga narinig ko sa minsang pag-uusap ni Red Lion at ng kung sino sa telepono."

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon