THIRD PERSON P.O.V.
KAHIT pa tuluyan nang nilamon ng itim na kapangyarihan ang puso ni Weiven, at naging isa na syang purong halimaw ay nakikilala pa rin nito ang babaeng kanyang minamahal.
"Weiven..."
Nilingon nya ang dalaga, at nagtama ang kanilang mga mata. Hindi nya maunawaan ang nakikitang emosyon sa mga mata ng dalaga. Napunta naman ang tingin nya sa bømba na nakadikit sa tiyan nito.
Hindi na sya nag-aksaya pa ng oras at agad na tinanggal ang nasabing bømba. Gamit ang kanyang isang kamay ay walang kahirap hirap na dinuróg nya ang bømba. Sunod nyang ginawa ay tinanggal sa pagkakagapôs ang dalaga, at inalalayan ito na makatayo ng maayos.
"Natatakot ka na ba ngayon sa'kin Elisha?" maging ang boses ni Weiven ay nag-iba. Napakalalim nito na tila ba hinuhugot mula sa kailaliman ng lupa.
"Oo natatakot ako...." sagot ng dalaga.
"Natatakot akong mawala ka..." patuloy nito, sabay yakap ng mahigpit sa halimaw na iniibig.
Kahit ano pa man ang naging itsura ni Weiven ay hindi iyon naging dahilan para mabawasan ang pagmamahal ni Elisha. Sa katunayan ay mas lumalim pa ang nararamdaman nya para sa binata.
"Weiven!" namilog ang mga mata nya, at kumalas sa pagkakayakap nang makita ang doctor na papalapit sa kanila. May hawak itong isang injection.
"Kailangan ko ang dùgø ng purong halimaw!" tila nababaliw na sigaw ng doctor, at akmang ituturók na nya sa braso ng halimaw ang hawak na injection, ngunit mabilis ang naging pagkilos ni Weiven.
Buong lakas, at puno ng panggigigil na sinâkal ni Weiven ang doctor. Sumisingasing sya na tila isang mabangis na hayop. Mababakas ang matinding galit sa kanyang mga mata.
Ngumisi sya dahilan ng paglitaw ng kanyang mga pangîl. Nasisiyahan syang makitang kinakapôs ng hininga ang doctor, at halos lumuwa na ang mga màta.
"Boss!"
"Anong? H-halimaw!"
"Halimaw!"
Napunta ang tingin nya sa mga tauhan ng doctor na biglang dumating. Hindi na nya binigyan pa ng pagkakataon na makakilos pa ang mga ito, at agad nyang ikinumpas ang isang kamay na naglabas ng itim na usok patungo sa mga tauhan ng doctor.
Ang itim na usok ay tila may sariling buhay na ngayon ay sumasàkal sa mga tauhan ng doctor. Umangat pa ang mga ito sa ere habang unti-unting binabawiàn ng hiningà. Ilang saglit pa tila mga lantang gulay na bumagsak ang mga ito.
Ang doctor naman ngayon ay nakaangat na rin sa ere habang mahigpit na hawak pa rin ni Weiven ang leèg nito, ngunit para lamang itong balîw na pinipilit pa rin tumawa sa kabila ng paghîhingalo.
"H-hindi...k-ka n-na..m-ma-giging...tao..." nahihirapan na wika ng doctor.
Sa galit ni Weiven ay walang awang hinàti nya ang katàwan ng doctor gamit ang kanyang matatalîm, at mahahabang mga kukô.
Napatakip ng bibig si Elisha sa mga nasasaksihan. Nakararamdaman sya ng takot na baka lamunin ng puot ang puso at isip ni Weiven. Natatakot sya para sa kalagayan nito.
Habang nasa ganoong tagpo ay sya namang pagdatingan ng quadruplets, at ni Danesha. Kasunod din nila ang mga pulis na pinangungunahan ni General Vllader.
"Halimaw!"
"May halimaw!"
"Ihanda ang mga barîl!"
Sigaw ng mga pulis.
Ang lahat ay nagulat sa nasaksihang mabangîs na halimaw. Agad na itinutôk ng mga pulis ang kanilang mga hawak na báríl patungo sa direksyon ni Weiven.
![](https://img.wattpad.com/cover/367618275-288-k808926.jpg)
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...