ELISHA AADHYA VLLADER P.O.V.NGAYONG araw na ang birthday ko. Karamihan sa mga bisita ko ay mga classmates ko rin, at sila rin ang kabilang sa mga sumayaw sa'kin, pero ang higit na nagpasaya ng puso ko ay ang pagdating ni Weiven, tamang tama lang ang dating nya para sa last dance.
Nagsimula kaming sumayaw at nagulat ako nang bigla syang sumabay sa lyrics ng music. Napakaganda at lamig ng boses nya na para bang dinadala ako sa isang paraiso na kung saan kami lang dalawa ang magkasama.
Habang kumakanta sya ay nakangiti ako at hindi inaalis ang mga mata sa kanya.
Napakasaya ng gabing ito. Kung pwede nga lang sanang huwag nang matapos ang mga sandaling ito....
Napunta ang tingin ko sa kamay nya nang iangat nya ito. Naramdaman ko ang init ng palad nya sa aking pisngi.
Ang mga mata nya ay nakatitig lang sa'kin. Siguro masyado nang obvious ang kilig ko, hindi ko kasi maalis-alis ang ngiti sa mga labi ko, at parang gusto nang lumundag ng puso ko sa tuwa. Nabibingi na nga ako sa lakas ng kabog nito.
Sa mga tingin pa lang ni Weiven ay para na akong matutunaw.
Mas humigpit ang kapit nya sa baywang ko at marahan nya akong hinila palapit sa kanya. Ikinulong nya ako sa kanyang mga bisig.
Hindi naman nakawala sa paningin ko ang kinikilig na reaksyon ng mga classmates ko, siguradong dudumugin nila ako ng mga tanong 'pag pasok namin bukas. Si Mama naman ay nakita kong malapad din ang ngiti, maliban lang kay Papa na napakaseryoso ng mukha.
Muli kong narinig ang magandang boses ni Weiven.
Puno ng damdamin ang pagkanta nya. Napakasweet talaga ng halimaw na ito! Kaya lalo akong naiinlove eh.
"You teach me the very deep meaning of true love...."
Hindi talaga sya nauubusan ng mga salitang magpapakilig sa'kin.
"Weiven ang galing mo pa lang kumanta," kumalas ako ng yakap. "Ang ganda ng boses mo, ang lamig at ang sarap pakinggan," ngiting sabi ko.
May kinuha naman sya sa loob ng coat nya. Isang maliit na red box. "Sana magustuhan mo 'to—" natigilan sya nang biglang lumapat ang kamay ko sa may dibdib nya.
Nang mapunta kasi ang tingin ko sa dibdib nito ay bigla akong may nakitang kakaiba. Nangunot ang noo ko dala ng pagtataka kung bakit ko ito nakikita? Kanina naman wala akong nakikitang ganito.
"Ang puso mo....nababalutan ng kulay itim na parang usok..." sabi ko.
"Nakikita mo?" tanong nya.
Tumango ako. "Oo...pero ngayon ko lang nakita 'to." nag-angat ako ng tingin dahilan ng pagtama ng aming mga mata.
Nakita ko ang pagkabigla at pagtataka sa mga mata nya. Ngayon nya lang ba natitigan ang mukha ko at nagulat sya sa sobrang ganda ko? O baka naman nagtataka lang sya kung ba't nakikita ko ang puso nya na nababalutan ng itim na usok, pero hindi ko rin naman alam kung bakit nga ba?
Bigla nyang nabitawan ang hawak na box.
"Weiven okay ka lang? Anong...nangyari?" pinulot ko na lang ang box. "Ito ba ang regalo mo sa'kin?" tumingin ulit ako sa kanya, pero wala akong nakuhang sagot. Nakatitig lang sya sa'kin na parang bang may mali?
Humakbang sya paatras at halatang nanghihina sya.
"Weiven ano bang nangyayari sa'yo?" sinubukan ko syang hawakan pero umiwas lang sya na talagang ipinagtataka ko.
Tumalikod na sya at nagsimulang humakbang paalis. Iiwan nya ba ako?
"Weiven!" sigaw ko, pero parang wala syang narinig.
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
General FictionIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...