DRAKE WEIVEN ROSEMAN P.O.V.
"I will then arrest you....using this lips of mine," I uttered while slowly moving my face closer to her.
But then.......
"Pasaway ka talaga," ang nabigkas ko na lamang dahil bigla itong nakatulog.
Binuhat ko sya, at maingat na inihiga sa kama. Pinulot ko na rin ang kumot na sumayad sa lapag, pinagpag ko ito, bago ko inilagay sa kanya.
"Ano nga bang koneksyon mo sa'kin?" I ask out of nowhere.
I slowly sat down on the right side of the bed. I coudn't help but gazed at her peaceful face.
Mukha syang hindi pasaway kapag tulog. Hindi ko namalayan at napapangiti na pala ako.
Napahawak ako sa díbdib ko na para bang bumibilis ang pagtibok.
"Ano bang ginawa mo sa'kin huh?" tanong ko sa natutulog na si Elisha.
I then heard she's saying something.
"Burger....fries....chicken...." halos pabulong na bigkas nya habang nakapikit pa rin ang mga mata.
Hindi naman siguro sya gutom?
Nakakatawa talaga sya. Kahit tulog madaldal pa rin. Wait...I think this is the perfect time to ask her some question.
Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Do you...like me?" siguradong mapapaamin ko sya ngayon.
Hindi ko tuloy maiwasan na muling mapangiti, pero biglang nawala ang mga ngiti ko nang magsalita sya ulit.
"Ang sama mo...ayoko sayo...."
Talaga namang!
Inis na hinawakan ko ang magkabilaang braso nya. "You stubborn kid! Bawiin mo ang sinabi mo!"
Bigla naman nya akong tinulak kaya napasalampak ako sa sahig.
Grabe! Ang lakas pala nya!
Bumangon sya at naupo sa kama. Ngayon ay nakatitig na sya sa'kin habang may nakalolokong ngiti.
Gising nanaman sya? The hèck! Dapat pala hindi ko pinakialaman ang pagtulog nya! She's still drunk!
"Fries..." bigla syang sumalampak sa sahig, at gumapang palapit sa'kin. "Fries..."
"H-hoy! Hindi ako pagkain!" gumapang ako paatras, habang sya naman ay patuloy na gumagapang palapit sa'kin. "Tumigil ka!" banta ko pero patuloy lang sya sa paglapit.
Sa bawat paggapang nya palapit sa'kin ay sya namang pag-atras ko, pero bigla syang lumundag sa'kin kaya patihayang napahiga ako sa sahig, habang sya naman ay nakapaibabaw na sa'kin.
"Ang cute cute mo...." sabay pisil nito sa magkabilaang pisngi ko, at pagkatapos ay ginulo-gulo naman nya ang buhok ko.
Dâmn this girl!
Hinuli ko ang mga kamay nito. "Sa ikinikilos mong 'yan, siguro ay patay na patay ka sa'kin ano," ngising sabi ko, pero mabilis na nawala ang ngisi ko nang kumawala sya sa mga kamay ko, at biglang sumigaw.
"Ako? Patay na....? Ikaw ba si taga sundo? Hindi... pwede! Hindi ako...sasama sa'yo...!" pinaghahampas nya ang dibdib ko, at ngumawa pa na parang 5 years old.
Itinigil nya ang paghampas sa'kin, at pinagdikit ang mga palad nya. "Please...taga sundo...h'wag mo muna...akong kunin...promise...magpapakabait na 'ko...mag-aaral ng...mabuti at...magkakaroon ng...magandang trabaho someday..." saglit syang tumigil. "Pati 'yong...halimaw na si Weiven...pipilitin ko syang...magpakabait..."
"You stubborn kid!—" natigilan ako sa muling pagsalita nito.
"At magpapakasal kaming...dalawa..."
"Magpapakasal? Sinong papakasalan mo?"
BINABASA MO ANG
THE MAFIA KING IS A MONSTER
Aktuelle LiteraturIsang hindi pangkaraniwan na Mafia King ang makararamdam ng koneksyon sa anak ng taong matagal nang gustong humuli sa kanya. Si Drake Weiven Roseman na isang halimaw, at si Elisha Aadhya Vllader na anak ng General ay paulit-ulit na magtatagpo ng mga...