CHAPTER 42 : DANGER

10 0 0
                                    

DRAKE WEIVEN ROSEMAN P.O.V.

"Ang huling bahagi ng aking kapangyarihan, ang pinakaimportante sa lahat ay ang diamond ring, at makikita mo iyon sa mata ng isang tao sa takdang panahon. Oras na makita mo na ang taong iyon ay kailangan mong dukùtin mismo sa mata nya ang diamond ring, ngunit kapag ginawa mo 'yon ay matinding sakit ang mararamdaman ng taong 'yon na maaari nyang ikamàtày.

ANG mga salitang iyon ni Hera ay muling sumagi sa aking ala-ala. Habang nilulukob ako noon ng itim nyang kapangyarihan ay narinig ko pa ang tinig nya na sinasabi ang mga salitang iyon.

NAPATITIG ako sa box kung saan nakalagay ang antique necklace, green bracelet, and gold earings.

Ang gold earings ay nakuha ko mula kay Divine. Matagal na pala nyang pinag-aaralan ang tungkol sa Black Flower lalo na sa akin. Si Divine ay maraming colection ng mga alahas at nang malaman nyang may hinahanap akong gold earings ay nagpakita na sya sa'kin upang ialok ang mga alahas nya. Isa sa mga koleksyon nya ang gold earings na hinahanap ko. Binili ko iyon sa kanya sa halagang milyon.

Ngayon ay isa na lang ang kulang—ang diamond ring.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo bakit sa mata ni Elisha ko pa makikita ang diamond ring?! Bakit sya pa ang kailangan kong ilagay sa panganib?!

Mas pipiliin kong tuluyang maging mabagsik na halimaw, kesa ilagay sa panganib ang buhay ng babaeng minamahal ko!

That night during her birthday. I knew I hurt her a lot, but I was left no choice. Kailangan kong tapusin ang namamagitan sa'ming dalawa, kailangan kong magsinungaling na hindi ko sya mahal, dahil sa huli ay maiiwan ko pa rin sya.

Sa oras na tuluyan na akong maging halimaw, hindi ko na makokontrol pa ang mga bagay bagay kaya kailangan ko syang layuan. Ayokong makagawa ng ikapapahamak nya.

SA bawat araw na lumilipas patuloy ko syang pinagmamasdan kahit sa malayo, at binabantayan ng palihim.

Alam ko rin na naging malapit na sya sa quadruplets, lalo na kay Jin.

At sa tuwing nakikita ko syang kasama si Jin, hindi ko maitatanggi na nagseselos ako....nasasaktan....nanghihina...

Nanghihina ako dahil wala sa tabi ko ang nagbibigay ng lakas sa akin....wala sa tabi ko ang babaeng pinipintig ng puso ko....

pero anong magagawa ko? Hindi ang halimaw na gaya ko ang nararapat sa kanya....

Hindi na ako makababalik pa sa pagiging tao....Hindi ko na makakasama pa ng pang habangbuhay ang itinuturin kong reyna....

My fate was to become a pure monster! A monster that doesn't deserve to be loved!

No matter how I want to be with the woman I love, but I can't!

My tears suddenly fells down from my eyes. I was in deep pain too, and no one knows about this pain I was going through.

Muli akong napatitig sa box, inayos ko ang takip nito, at saka inilagay sa bulsa ng suot kong coat.

Umalis ako ng Kastilyo, at nagtungo sa isang court. Alam ko na sasali sa isang pageant si Elisha.

I'm just standing and watching her from afar, right now. She's too gorgeous in her black dress. Halata sa mukha nya ang lungkot habang naglalakad sya sa gitna ng stage.

Namimiss nya rin kaya ako?

Gusto ko syang lapitan, I badly want to hug her tightly, and kiss her, pero pinipigilan ko ang sarili. Hindi na dapat ako magpakita pa sa kanya.

"I'm Elisha Aadhya Vllader, from grade 12 humss of Academians University. 18 years old," she said without even smiling.

"Candidate number 12, alam mo sa lahat ng kalahok, ikaw lang ang hindi ngumingiti," one of the male judges said.

THE MAFIA KING IS A MONSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon