KABANATA 1

435 21 0
                                    

KABANATA 1

Gavin's POV

Rinig na rinig ko ang palahaw na iyak ni Roanne habang sinesermunan ni Dante. Naguguluhan ako sa mga nangyari talagang wala akong maalala na isinama ko dito sa Kubo ko si Roanne saka bakit ko naman gagawin yun eh Anak siya ni Dante at parang Tatay na lang niya ako tapos may ganitong tagpo.

“Pare. Tama na ‘yan natatakot na sayo yung bata!”  Awat ni Rex.

“Oo nga bakit ka ba ganyan ngayon sa inaanak namin ha? Ano bang problema mo ha Dante?”  Sigunda ni Roger.

Hindi ko na kayang tiisin pa ang mga naririnig ko agad akong nagbihis saka ko lamang napansin ang pulang marka sa alaga ko— kung ganon hindi panaginip yung kagabi kaya pala parang totoong-totoo. Sh*t!

“HINDI NYO ALAM KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN KO NGAYON MGA PARE!”  Singhal ni Dante.  “NAG-IISANG ANAK KO SI ROANNE! LAHAT BINIGAY KO PARA SA MAG-INA KO! LAHAT GINAWA KO! PERO P*T@NG *N@ BAKIT KAIBIGAN KO PA!”

Natigilan ako sa paghakbang ko masakit sa akin ang huling salitang binitawan ni Dante ‘Bakit kaibigan ko pa!’  malalim ang pinagsamahan namin simula sa Bahay-ampunan hanggang sa mga kalokohan, hirap at sa ginhawa magkakasama kaming apat. Bakit nga ba? Ginawa ko ba talaga iyon? Ako ba talaga? Ang gulo-gulo lalo lang sumasamit ang ulo ko may hung over na nga ako dumagdag pa itong eksenang ito.

“P-Papa sorry po! Sorry na po—.”

“SORRY, ROANNE! SA TINGIN MO BA MAIBABALIK NG SORRY MO ANG NAWALA SAYO! ININGATAN KITA DAHIL ANAK KITA PERO PATAWARIN AKO NG DIYOS KAKADESE-OTSO MO LANG KAGABI!”

“D-Dante naman! Kausapin mo ngnmaayos ang Anak natin hindi yung ganyan ano ka ba!” 

Pero sa halip na tumigil ay lalong nagwala si Dante kaya minabuti ko ng buksan ang pinto ng Kubo at lumabas. Naroon sila Marcus, Roger, Rex at Kuya Remus para pakalmahin si Dante. Habang nasa malayo naman ang mga Asawa nila at nakaabang sakaling kailanganin ng back-up nila sa oras tuluyang magwala ag Alas ng Pala.

“Dante. Kumalma ka na muna tapos saka na—.”  Hindi na natapos pa ni Kuya Remus ang pagsasalita ng bigla tumakbo si Dante palapit sa akin saka ako sinalubong ng suntok, kaya ko namang umiwas pero tinanggap ko iyon alam kong kulang pa iyon kapalit ng wala kay Roanne.

Bumagsak ako sa lupa.

“MAP@P@TAY KITA!”  Agad na pumaibabaw sa akin si Dante saka ako muling pinaulanan ng suntok. Agad na umawat ang mga kasama naming mga lalaki kaso sadyang malakas si Dante lalo at galit na galit ito sa nangyari.

Isang suntok ang lumipad sa ere ngunit nahinto iyon ng bigla dumapa sa dibdib ko si Roanne kaya natigilan sa pagsugod si Dante kitang-kita ko ang pagkabigla sa mukha ng kaibigan ko ganon din ang pagkadismaya sa akin bilang kaibigan niya.

“PAPA MAHAL KO PO SI TITO GAVIN!”  Pag-amin nito.

“Roanne!”  Hindi makapaniwalang bigkas ni Misis Mauro na bahagyang napanghinaan ng mga tubod mabuti na lamang at mabilis siyang nadaluhan nila Daisy, Mona, Beth at Caridad.

Hindi bumawi ng tingin sa amin si Dante.  “A-anong sabi mo, Roanne?”

Minasdan muna niya ako bago bumaling sa Ama na hawak ng mga kaibigan namin. 

“P-Papa m-mahal ko po si Gavin.” Muling pag-anim niya.

Marahang umiling si Dante halos hindi ko mapinta ang itsura nito ng marinig ang tinuran ng sariling Anak.  

“Pwenersa ka ba ni Gavin?”  Mababang boses na tanong nito pero ramdam kong nagpipigil lamang siya dahil ayaw niyang pagbuhatan ng kamay ang sarili niyang dugo at laman.

Lalong nanlumo si Dante ng umiling si Roanne kasabay ng malakas ng hagulhol ni Victoria. Muling nagpumiglas si Dante kaya buong lakas nila itong hinila mula sa ibabaw ko para kaladkarin palayo sa amin ni Roanne. Ngayon ko lang nakitang ganito si Dante madalas maloko at makulit ang Dante na kilala ko ibang-iba na siya at hindi ko soya masisi sa bagay na iyon dahil kahit sabihin ko pang walang akong matandaan sa mga nangyari kita naman na nakuha ko ng buo si Roanne ang nag-iisang kayamanan ng kaibigan ko.

Matagal akong nakatanaw sa kawalan gusto ko ang lugar na ito dahil napakapayapa kaso dahil sa nangyari tingin ko wala na akong karapatan pang manatili dito sa Tierra de Alas. Lumabo ang paningin ko habang nakatitig ako sa bughaw na kalangitan na may mangilan-ngilang ulap… dito na baagtatapos ang pagkakaibigan namin ni Dante?

Sige ang sigaw ni Dante ha ang umiiyak naman si Victoria, ramdam ko ang hinagpis nila. Kailangang gumawa ako ng desisyon kesa manatili kaming ganito alam kong hindi na magiging gaya dati ang samahan namin ni Dante. Malaki na ako at pare-pareho na kaming matatanda na kaya tama lang siguro ang naisip ko.

Tumikhim ako.

“Roanne.”

Nilingon niya ako. Bumangon ako kaya umayos siya ng pagkakaupo sa lupa.

“Sumunod ka sa Papa mo.”

“P-po?”

Alam kong masasaktan siya sa sasabihin ko pero yun ang nararapat.  “Magulang mo siya.”

“P-pero mahal kita.”

Napangiti ako sa sagot niya. Cute si Roanne kahit may pagkachubby siya hindi maitatanggi na maganda ang lahi ni Dante at Victoria kuhang-kuha niya ang matangos na ilong ng Papa niya pero kay Misis Mauro naman niya namana ang maamo niyang mukha.

“Alam ko ilang beses mo na din nasabi yan kanina lang diba. Sununod ka na muna sa Papa mo at sa Mama mo.”

“Ti— Gavin?”  Titig na titig sa akin ang bilugang mga mata ni Roanne. Alam kong mahal niya ako kahit hindi niya sabihin ngayon ko lang napagtanto kung saan ko siya unang nakita— sa Simbahan nung araw ng binyag ni Baby Xeed.

“Kung mahal mo nga ako susunod ka sa sinabi ko.”

Saglit pa niya akong tinitigan bago tuluyang tumayo at nagpagpag ng sarili. Tumayo na rin ako saka ko inayos ang sarili ko.

“Umuwi ka na muna sa inyo. Wag kanh matakot sa Papa mo ganyan lang talaga siya dahil prinoprotektahan ka lang niya dahil Anak ka niya.”

“P-pano tayo y-yung nangyari sa atin?”

Bumuntong-hininga ako. Tingin ko ito na ang pinakamahirap na desisyon na gagawin ko sa buong buhay Binata ko.  “Paninindigan kita kaso sa ngayon umuwi ka na muna sa Magulang mo.”

Nanatilinlamang soyang nakatitig sa akin habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha niya kahit gusto siyang yakapin para patahanin hindi ko ginawa dahil lalo lang magagalit si Dante.

“Wag kang mag-alala kilala ako ng Papa mo alam niyang may isang salita ako gaya niya kapag sinabi ko ginagawa ko— sa ngayon pahupain na muna natin ang galit ng Papa mo.”

Parang kinurot ang puso ko ng magpunas ng sariling luha si Roanne ako sana ang dapat na gumawa non kaso kasalukuyan pa ring nagpupumiglas si Dante kaya minabuti kong maging pormal na muna kesa maslalo pang lumaki ang gulo.



GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon