KABANATA 21

197 15 4
                                    

Roanne's POV

Agad akong bumaba ng taxi paghinto nito sa tapat ng munti naming bahay ni Gavin sabay takbo ko para yakapin siya kamuntik pa siyang matumba sa sa motor niya dahil sa lakas ng impact ng pagkakayakap ko buti nanlang at flexible siya kahit matanda na siya!

“Wow naman talagang may embracing moment with Tito Gavin ha para saglit lang naman kayong nagkahiwalay saka bumuntot naman si Tito eh diba.” buska ni Danica kaya sa hiya ko bumitaw ako kay Gavin.

“Ay bakit ka naman bumitaw, One.”  alam kong inaasar niya ako kasi nga pikon nga kasi ako eh kaya umismid ako napipikon na nga kasi ako eh.

Kunwari pang nagilat si Danica sabay sarado niya ng pinto ng taxi bitbit ang mga paper bag at backpack bag niya.  “Hala siya talagang tinarayan ako. Tito Gavin oh ang Beybiik mo oh.”

“Cute naman ako!”  saka ko siya binulelaan na ikinatawa ni Gavin ng malakas.

Binalingan ko siya.  “Anong nakakatawa ha?!”

Tumaas sa ere ang mga kamay nito na para bang sumusuko lang pero sige pa rin ang tawa niya saka humakbang palapit ng gate para buksan iyon. Iiling-iling pa talaga siya ha naku pati tuloy siya nadadamay sa asar ko kay Danica.

“Oi, One.” kalabit nito sa bewang ko na ikinagulat ko.  “Aba magugulatin ka pa rin pala ha.”

“Napipikon na ako sayo Danica sa totoo lang.” pero sa halip na magalit ay buong higpit niya akong niyakap.

“Namiss lang kasi kita, One. Miss ka na din nina Macbeth, Monina at Kuya Xeed and speaking of Monina meron soyang manliligaw ng foreigner kaya si Kuya Xeed obvious na obvious na nagseselos kaso talagang bata pa si Monina kasi parang lutang lang siya gaya ni Tito Roger.”

Natouch ako sa sinabi niyang namiss niya ako pero grabeh ang tawa sa mga tsismis niya talagang totoong kaibigan ko silang apat sila lang ang nakakakilala sa akin kung kailan ako masaya, malungkot, galit o nagtatampo.

“Wow mukhang okay na ang mga dalaga ah, bukas na po ang gate kaya pwede na kayong pumasok.”. nakangiting sambit ni Gavin sabay kindat sa akin kaya napayuko ako naku mukhang tinablan ako ng hiya dahil siguro may ibang tao kaming kasama ngayon sa bahay.

“Asus kilig na kilig naman si One! Tara na nga pasok na tayo para makapagluto na tayo, gusto ko ng Adobong Manok!” sabay hola sa akon ni Danica gaya pa rin ng dati ang lakas niya maka hila.

Nauna kaming pumasok ng bahay habang si Gavin muling pinaandar ang big bike niya para iparada sa loob ng gate.

“Wow ang ganda naman pala ng bahay nyo kahit maliit napakalinis at— wow ang cute naman ni Pooh!” binaba nito ang mga dalahan sabay yakap sa stuffed toy ko akala mo naman Boyfriend niya si Pooh kung makayakap wagas.

“Baka naman mamayat niyan si Pooh sa higpit ng yakap mo ah.”  natatawng sita ko.

“Ang cute kasi niya.”

“Parang ako lang diba.”  saka ako dumeretso sa maliit naming kusina.  “Pasensya ka na kung hindi kalakihan ang bahay namin ah. Nga pala pwede kang maglinis muna ng sarili mo ayan lang ang banyo.”

Tumayo si Danica at inayos ng pagkakalapag si Pooh saka siya kumuha ng pambahay na damit bago pumasok sa banyo.

Inuna ko muna ang magsaing sinalang ko agad ang bigas sa rice cooker pagkatapos ko itong hugasan saka ko hinanda ang mga kailangan ko sa pagluluto ng Adobong Manok.

“Si Danica?”

Nilingon ko ito may bitbit na siyang dalawang 1.5 liter na soft drinks kaya pala siya natagalang pumasok kasi bumili pa pala siya at tiyak kung kinikig na naman ang asyumerang Tindera nakakaasar ang isang ‘yon feeling maganda kapag si Gavin ang nabili todo ngiti kapag ako kulang na lang sumayad sa lupa ang nguso niya sa haba at talagang tinatarayan pa ako ha pwes sorry siya kasi pagmamay-ari ko na ang pinapantasya niya! Ilang years din ang inantay ko at ilang bakod din ang ginawa ko para mapaalis lahat ng mga masamang kaluluwang umaaligid sa kanya kaya neknekk na lang niya!

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon