KABANATA 33

187 12 4
                                    

Roger's POV

“Nak, ikaw na lang ang umuwi sabihin mo na lang sa Mama mo na hinulog ako ni Tito Dante mo sa hukay.”

“Ayoko nga po Papa tiyak ako naman ang masasabon ni Mama baka hindi pa ako bigyan nun ng pananghalian sige kayo magugutom po ako at kapag nagutom po ako matutuyo po ang utak ko. Gusto mo po ba non Papa.” katwiran ng unica hija ko kahit siya takot kapag sinumpong ng topak ang Mama niya.

“Sige na nga tara na bilisan na nating maglakad. Si Mauro kasi nilaglag pa talaga ako sa hukay tuloy ang dumi ko na.” bulong ko habang nakahawak sa braso ko si Monina at nangingiti paniguradong tatawanan na naman niya ako mamaya kapag naabutan ako ng Mama niya.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang bayong ko. Naku naloko na talagang seryoso ata ang Misis ko na ipamigay ako sa kung sinong bruha na yon! Kailangang makaisip ako ng paraan para mapaamo agad si Mona kapag nagkataon tiyak na sa Kubo na naman ni Gavin ang basag ko! Ayoko nga dun ang lungkot walang mainggay hindi gaya sa bahay namin na parehong madaldal ang mag-ina ko naku naman kasi bakit ba kasi papansin ang labanos na yon! Sinabi ko na ngang may Asawa at Anak na ako ang pilit pa rin panira lang siya ng Lovelife!

Naunang pumanhik sa Kubo si Monina kinuha ko ang bayong ko saka ako humakbang paakyat ng hagdan ng mabingaran ko sa veranda ng Kubo namin si Mona nakasimangot siya habang nakatayo lang sa may pintuan at may hawak na sandok. Napapikit ako tiyak na tatamaan na naman ang ulo ko pero ayos lang basta ba mawala agad ang galit ng Misis ko kahit ilang p@lo pa iyan tatanggapin ko. Niyakap ko ng mahigpit ang bayong ko saka ako humakbang ng isang baitang sa hagdan ng Kubo namin.

Tumikhim ako ng hindi man lang ako binati ni Mona. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin.

“Ummm ang dumi ko Mama kasi si Mauro nilaglag ako sa hukay y-yung para kay Gavin kapag niloko niya si Roanne— diba alam mo iyon—.”

“Naay Babaye dini kanina hinahanap ka.”

Napalunok-laway ako mukhang iiyak na kasi si Mona.

“Ummm sinabi nga ni Monina yung tungkol sa bruhang labanos na iyon—.”

“Maputi siya ha at arang seksiha! Nganu man Roger naa ka bay lain Babaye?”

“H-ha? Naku wala Mona.” tanggi ko kasi wala naman talaga eh masyado lang pumapapel ang bruhang iyon kung hindi lang namin siya Parokyano tiyak makakatikim siya sa akin!

“Ikaw daw gusto niya mag-deliver ug gulay sa balay nila!” patuloy ni Misis.

Nabitawan ko bigla ang yakap kong bayong ng tumulo ang luha ni Mona kaso tinutok niya agad sa akin ang sandok kaya sa takot ko nalaglag ako sa hagdan.

“Ganahan ka sa kanya kay maganda man siya diba! Bakit seksiha din naman ako ah! Dili nga lang maputi pero makinis din naman ako ah!” taas boses nito.

“Arayyy nabalian ata ako…” pinilit kong tumayo para muling harapin ang nagtatampo kong Misis kahit wala namang rason para magtampo siya. Bakit ba kasi may mga Babaeng mahilig umeksena sa relasyon ng may relasyon.

“Bakit Roger dahil dili ako malinis na Babaye kay daghan na gumamit sa akin kaya nagpangita ka ng lain na Babaye?”

Bigla atang nawala ang sakit ng gulugod ko sa mga narinig ko mula kay Mona.  “Oi Mona ha kahit baluktot ka managalog naiintindihan kita ha saka hindi ako nambababae for your importation nagdedeliver lang ako kasama nila Dante para kumita ng pera para may maipakain ako sa inyo ni Monina saka hello Misis ko ikaw ang nakauna sa akin kaya bakit naman ako papayag na basta na lang tayoaghiwalay aba dapat lang na panagitan mo ako dahil v*rgin ako nung nakuha mo ako ha ar speaking of v*rginity wala akong pakialam kung ilang Lalaki na ang gumamit sayo kasi ang mahalaga eh sa akin ka hanggang tumanda ka okay! Saka yung si labanos na iyon maputi lang siya at matangkad pero never in my mind na ipagpapalit kita kahit kanino kung paseksihan rin lang eh wala pa sila sa kalahati ng balakang ng Misis ko! Isa pa kasal tayo diba sa palagay mo ba ipapagamit ko ba sayo ang Apilyedo ko kung hindi ako seryoso sayo ha Mona.”

Unti-unting binaba ni Misis ang sandok kaya sinamantala ko na agad akong humakbang palapit sa kanya sabay kabig sa bewang niya kasunod ng pam@tay kong halik! Hindi na nakapag protesta ang Misis ko ang kaso nakasilip naman si Monina sa pinto kaya nabitawan ko si Misis sumimangot siya pero agad ding napawi iyon ng hagikhik ni Monina.

“Oi ang Mama ko kunwari pang galit pero nag kiss naman kay Papa asus sabi ko naman po kasi sa inyo na kayo lang ang mahal ni Papa ayaw nyo naman maniwala.”

Aba very good ang Monina ko ah!

“Kanina ka pa diyan?”

“Opo Mama kita ko yung kissing scene nyo ni Papa! Magkakaroon na po ba ako ng kapatid?”

Namula si Mona kaya nag-approve sign ako sa Anak ko mukhang humupa na ang galit ni Misis.

Nilingon ako ni Mona kaya umayos ako ng pagkakatayo kahit masakit ang gulugod ko.

“Maglinis ka ng katawan nimo bago kumain.”

“Yehey! Bati na sila Mama at Papa!” panay lundag ni Monina mabuti at hindi siya kasing lusog ni Roanne kapag nagkataon paniguradong lulusot siya sa silong ng Kubo namin.

“O-okay Mama! Maliligo muna ako bago kumain. Kunin ko lang yung damit ko.” paalam ko.

Tumango siya kaya dali-dali akong bumaba ng veranda saka ko isa-isang dinampot sa lupa ang mga damit ko kaso talagang puro damit lang walaan lang akong nadampot na bri3f ano yon palalayasin ako ni Mona na wala man lang dalang pantakip sa junior ko.

Nakarinig ako ng palakpakan kaya nilingon ko kung saan nanggagaling iyon— sumimangot ako sila Dante lang pala akala mo nakapanood ng palabas sa sinehan talagang nakapwesto silang apat sa papag kala nola ha humanda sila kapag Misis naman nila ang tinopak hindi lang palakpak ang gagawin ko kundi kakantahan ko pa sila makabawi man lang!

“Wow Happy ending ang ganda ng palabas!” hiyaw ni Rex.

Pinagpag ko muna ang mga damit ko bago bumwelta.  “Inggit lang kayo! Araw ko ngayon noh wait lang kayo ng sa inyo!”

Nagtawanan pa ang mga loko at nagkanya-kanya ng alis naku talagang mga pasaway! Makaligo na nga baka magbago bigla ang isip ni Mona mahirap na. Saka ko na lang iisipin kung ano ang pwede kong gawin sa labanos na iyon talagang sinasagad niya ang pasensya ko talagang kinausap pa niya ang Misis ko nakaka-asar maputi lang siya bukod dun wala na siyang maipagmamalaki pero si Mona meron dalawa pa nga at nakakagigil kaso behave muna ako lalo at parang kabute si Monina bigla-bigla na lang nasulpot dapat planuhin kong mabuti ang date namin ni Misis para masolo ko ulit siya gaya dati noong ginagawa pa lang namin si Monina ang totoo niyan namiss na namin siya ng junior ko— makapaligo na nga lang.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon