KABANATA 5

319 19 4
                                    

Victoria's POV

“Tama na Dante!”

“ROANNE! NASAAN NA ANG ANAK KO!”  Sigaw ni Dante kay Monina.

“Pare, wag namang ganyan pwede mo naman kausapin ng maayos ang Anak ko ah!” Turan ni Roger habang yakap ni Mona si Monina na sige na ang iyak.

“Pare tama si Roger kausapin mo ng maayos ang bata ano kaba natatakot sayo si Monina!”  Awat ni Rex habang si Marcus at Kuya Remus namana ng may hawak sa magkabilang braso ng Asawa ko na kulang na lang ay pum@t@y ng tao kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya dahil nawawala ang Anak namin at si Monina lang ang nakakaalam kung nasaan si Roanne ang kaso inunahan na niya ang bulyaw ang bata laya nag-iiiyak na lang sa takot si Monina.

Matalim na tinitigan ni Dante si Rex at Roger.  “Mga kaibigan ko kayo simula pagkabata natin iisa lang ang likaw ng bituka natin! Anak ko si Roanne nalasing lang ako kagabi paggising ko wala na siya! Sinong Ama ang hindi magwawala! Kapag may nangyari sa Anak ko itaga nyo sa bato makakap@t@y ulit ako ng tao!”

Lalong oumalahaw ng iyak si Monina kaya uminit na rin ang ulo ni Roger.

“PUT@NG IN@ PARE! ANAK KO YANG SINISIGAWAN MO! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN NA NASA MAYNILA NGA DAW SI ROANNE DAHIL SINUNDAN NIYA SI GAVIN HA! ISA PANG SIGAW AT MAGKAKASUBUKAN TAYO! WALANG PWEDENG GUM@GO SA ANAK KO KAHIT IKAW PA HINDI KITA SASANTUHIN!”  Ganting sigaw ni Roger saka siya naghanda sakaling aatake si Dante.

“Tama na sabi, Dante!” 

“Tita Victoria! Nasa linya po si Tito Gavin naka-video call siya!”  Si Xeed na lakas loob pumagitna sa dalawang nag-uumpugang bato saka binigay sa akin ang hawak na cellphone agad na bumungad sa akin ang mukha ni Gavin.

“Gavin! Si Roanne lumuwas siya ng Maynila kagabi n-nagwawala si Dante! Nasaan na ang Anak ko?!” Iyak ko habang hawak ng mahigpit ang cellphone ni Xeed.

“Yun nga kaya tumawag ako para sabihing kasama ko si Roanne.”  Ipinakita ni Gavin ang natutulog na anyo ng Anak ko habang yakap pa niya ang unan bigla ang pagtulo ng mga luha ko si Roanne ko talagang lumuwas siya para sundan lang si Gavin.

“D-Dante ang Anak natin kasama na siya ni Gavin.”  Nakahinga ako ng maluwag ng tila humupa ang galit sa mukha niya saka niya kinuha ang cellphone upang pagmasdan ang Prinsesa niya na himbing na natutulog.

Tumulo ang mga luha ni Dante kasabay ng pagyugyog nga mga balikat niya tingin ko tanggap na niya ang pagkatalo niya ito ang unang laban niya na natalo siya.

“G-Gavin. A-anak ko yan talagang sinundan ka ni kahit ayoko. P-pinanindigan niya ang nararamdaman niya para sayo. B-binalewala niya ako d-dahil sayo kaya pakiusap lang a-alagaan mo siya kapag umiyak ang Anak ko hinding-hindi mo na siya makikita pa tandaan mo iyan.”  Bahagyang tumawa si Dante.  “Wag na wag mo akong tatawagin Papa dahil makakatikim ka sa akin.”

Hindi pinatapos pa ni Dante si Gavin agad niyang binalik sa akin ang cellphone saka humakbang palapit kay Monina na nanginginig sa takot hindi na siya pinigilan pa ni Roger pero si Mona ang humarang kay Dante umiral ang pagigi niyang Ina kaya naiintindihan ko siya.

“Sorry. Monina. Hindi sinasadya ni Tito Dante na sigawan ka nasasaktan lang ako ngayon. I'm sorry please…”

Nag-angat ng tingin sa kanya si Monina saka kumawala sa pagkakayakap sa Mama niya.

“So-sorry din po, Tito!”  Sabay yakap niya kay Dante.   “Sorry po g-gusto ko lang pong maging masaya si Ate Roanne. S-sorry po uli.” Iyak ni Monina.

Umangat sa ere ang mga kamay ni Dante saka mahigpit na niyakap si Monina malambing at makulit na bata si Monina kaya kasundo siya ng lahat lalo na ni Dante.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon