KABANATA 10

240 9 2
                                    

Roanne's POV

Pinagluto ko ng masarap na almusal si Gavin tiyak ko namang maaga siyang aalis ngayon dahil natanggp na daw siya sa trabaho niya bilang Bodyguard ni Tiffany ang sikat na Artista at Model medyo nakaramdam ako ng selos pero sinigurado naman ni Gavin na trabaho lang ang koneksyon nilang dalawa ng Tiffany na iyon, iba kasi talaga ang pakiramdam ko eh parang may something kasi sa oagtitig niya sa future husband ko naku wag niyang sabihing sikat siya dahil sa laki ng braso ko tiyak kong tatalbog siya kapag nilandi niya si Gavin ko!

“Ang bango naman ng almusal natin.”  Bungad nito ng lumabas ng banyo basa pa ang buhok niya habang nakasampay sa balikta niya ang pamunas na tuwalya at nakasuot pa lamang siya ng boxers shorts! O my goodness!

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang baba ko saka iyon kinabig pataas.  “Baka pasukan ng langaw ang bibig mo, Baby.”  Sabay tawa niya.

Muling bumuka ang bibig ko para sana magsalita ng tumunog ang cellphone niya kaya naputol tuloy ang pagpapa-cute ko sa kanya siguradong trabaho niya iyon nakanguso akong tumutok sa ginagawang kong pagpiprito ng tocino at itlog. Sinulyapan ko si Gavin nagbibihis ng siya ng uniform niya masyado siyang abala kaya sinamantala ko naman talagang titig kung titig ang ginawa mo bakit may nangyari na sa amin eh ngayon pa ba ako mahihiya sa kanya!  Bahagya niya akong nilingon sabay ngiti saka niya sinuot sa sintureras ang itim niyang sinturon at humakbang palapit sa akin.

“Ligo ka na ako ng magtatapos niyan.”  Biglang sambit niya kaya nagulat ako lalo at nasa likuran ko na siya mukhang tinablan ata ako ng hiya ang gwapo kasi niya lalo at medyo fitted ang puting sando na suot niya bilang pandoble sa white long sleeves uniform niya.

Mula sa ma-muscle niyang dibdib ay umanagt ang tingin ko sa mukha niya. “B-bakit ako maliligo?”

Tinaas niya ang kanang kamay hanggang lumanding iyon sa bunbunan ko saka kinusot ang buhok ko.  “Kasi po isasama kita sa trabaho ko meron na naman daw event pero sa bahay naman ng Amo ko.”

“Sa bahay ni Tiffany?”

“Oo.”

“Pwede ba ako dun?”

“Oo naman bakit hindi saka meron akong kwarto dun pwede mo ako antayin dun kasi baka gabihin ako ng uwi mag-isa ka na naman.”

“Awwww ang sweet naman ng Boyfriend ko!”

Tumawa si Gavin.  “Ang cute naman ng Girlfriend ko. Sige na ligo na ako ng bahala sa almusal natin paglabas mo luto na lahat.”

“Okay.”

Kumuha muna ako ng pamalit na damit at panloob sa cabinet saka ako pumasok sa banyo. Naligo ako nang mabuti para hindi ako mangamoy pawis tiyak naman kasing mababango ang mga tao dun sa pupuntahan namin eh at ayokong mapahiya si Gavin.

Nakabihis na ako paglabas ko ng banyo. Isang oversized t-shirt na kulay puti na may disenyong maliliit na polkadot ang suot ko na tinernuhan ko ng itim na leggings kahit pa sabihing mabilog ako e meron naman akong bewang.

“Luto na?”  Nakangiting tanong ko ng mapansin kong nakasalampak na sa sahig si Gavin habang abalang nakatingin sa screen ng cellphone niya at nagkakape.

Nilingon niya ako sabay hagod ng tingin mula ulo hanggang paa ko.  “Bagay sayo lalo kang naging cute tingnan halika kumain ka na may ginawa akong sandwich hilagay ko na sa bag para kung sakaling magutom ka meron kang meryenda.”

Umupo na rin ako sa tabi niya saka ko kinuha ang mainit na tasa ng— gatas?

“O bakit ayawo ba ng gatas?”

Pilit akong ngumiti ayoko kasing masaktan ang ego niya.  “Ano kasi hindi ako mahilig sa gatas eh masgusto ko ang kape kesa dito.”

Akala ko magagalit siya pero tumawa lang siya saka niya pinagpalit ang mga tasa namin.  “O ayan na po ang kape ko, ako nang uubos nito. Almusal na tayo.”

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon