KABANATA 32

175 13 5
                                    

Dante's POV

“Saan tayo pupunta Pare at kailangan pa ng piko at pala?” takang tanong ni Roger habang naglalakad kabuntot ko.

“Maghuhukay.” tipid kong sagot.

“Diba kakahukay lang namin ng para sa mga bagong pananim?”

“Hindi naman para sa pananim ang huhukaying natin eh.” sagot habang sige lang ang lakad ko gusto ko agad na makarating sa paghuhikayan namin para maaga kaming makatapos!

“O eh para saan naman pala?”

“Para kay Gavin.”

“Para kay Vin? Eh diba may hinukay na tayo para sa kanya? Ano yon meron extra?”

Huminto ako sa paglakad saka ko hinarap si Roger.  “Oo talagang dapat merong extra dahil hahatiin ko siya sa dalawa kaya nga dadagdagan ko ang hukay diba.”

Tumaas ang isang kilay ni Roger saka nag-isip magandang sign yan dahil ginagamit na niya ng tama ang utak niya!

Ilang segundo din ang ginugol niya para makapag-isip.

“Crosswise o lengthwise?” seryosong tanong niya.

Ngek ano raw? Wala talagang pag-asa hay naku buti hindi namana ni Monina.

“Anong klaseng tanong naman yan Roger! Akala ko pa naman meron kang masasabing tama naku ewan ko sayo ang mabuti pa eh itikom mo na lang yang bibig mo save your energy dahil dapat malalim din yung extrang hukay.” padabog kong kinuha ang pala sa kamay niya.  “Ako ng magdadala nito, bilisan na lang natin maglakad para umpisahan na natin.”

“Bakit anong mali sa tanong ko? Diba tama naman nung highschool pa tayo diba yun yong pagkakahati ng papel natin meron pa ngang one fourth diba Dante.” katwiran pa niya.

Talagang nakuha pa niyang mangatwiran. Iiling-iling na lang akong naglakad. “Alam mo Roger buti hindi sayo nagmana si Monina mo.”

“Talaga, Pare!” may kalakasang sagot niya saka ako sinabayan sa paglalakad. Ano na naman kayang sasabihin ng Tatay ni Monina.  “Ang sagwa naman kung mukhang Lalaki ang Anak ko noh kaya buti na lang at kay Mona My Love siya nagmana kuhang-kuha niya pati topak ng Mama niya diba ang galing kong gumawa!”

Hay naku talagang wala ng pag-asa ang isang ito. Binilisan ko pa ang lakad ko kaya binilisan din niya ang lakad niya. “Alam mo Roger kapag hindi ka pa nanahimik pati ikaw hahatiin ko yung one-fourth style para dumami ka! Na bubwisit na ako sa bunganga mo sige ang talak nonsense naman lahat!”

“Ay grabe ka naman sa akin Dante pero ayos lang alam ko naman na masaya ka lang dahil Lolo ka na masyado ka lang aligaga talagang hands on Tatay ka ni Roanne at hands on Lolo pa ni Baby Gavin—.”

Bigla ang gulat ni Roger ng itutok ko sa kanya ang dulo ng hawak kong pala mabuti na lamang at gaya ng dati mabilis pa rin siyang kumilos kaya agad siyang naka lundag paatras para dumepensa. Kinabahan din ako akala ko matatamaan ko talaga siya.

“Oi. Oi. Oi. Tumatanda na talaga tayo Dante bumabagal ka na ah!” nakangising sambit nito habang nakaposisyon sa dalawang kamay nito ang hawak na piko bigla kong naalala ang kabataan namin kung anong buhay meron kami na malayong-malayo sa buhay na tinatamasa namin ngayon na hindi ko inakalang mangyayari sa amin.

“Hindi Baby Gavin ang pangalan ng Apo ko ha! Isa pa ang sagwa mo talaga magsalita. Baby Gavin t@ng*na Pare naiimagine ko tuloy si Vin na naka-diaper at may hawak na feeding bottle nakakasuka! Hindi bagay!”

Humagalpak ng tawa si Roger tingin ko naimagine din niya si Gavin. Yuck nakakasuka!

Naubos din ang tawa ni Roger umayos siya ng tindig sabay tikmin. “Ang sagwa nga. Eh may naisip na bang pangalan si Roanne para sa Apo niyo ni Victoria?”

“Meron pero ako ang naka-isip non kaya nga hahatiin ko si Vin kapag hindi nasunod ang gusto pangalan para sa Apo ko.” sabay wasiwas sa ere ng hawak kong pala.

“Ganon? O e anong pangalan naman ang naisip mo?”

“Danilo Victor!” pagmamalaking turan ko na sinabayan ng malakas na tawa ni Roger kaya sa asar ko hinabol ko siya ang bikis pa rin palang tumakbo ng loko habang sige ang tawa.

“Sige lang tawa pa more Roger kapag naabutan kita ilalaglag kita sa hukay! Ang lakas mo mang-asar ha!”

Para lang kaming mga nakawala sa Ment@l Hospital sige ang takbo namin bahala na kung saan kami dalhin ng mga paa namin dahil talagang ilalaglag ko siya kapag naabutan ko siya!

***

“Dante! Pare! Baka pwedeng peace na tayo oh ang lalim nitong hukay eh hindi ko kayang umakyat saka malapit na mananghalian hahanapin na ako ni Monina kapag hindi ako nakauwi sa oras tiyak may bukol na naman ako diba alam mo naman si Mona masyadong selosa lahat ng tumingin sa kagwapuhan ko talagang pinagseselosan kaya nga hindi na bilog ang ulo ko eh naging oblong na kakap@lo niya ng sandok.” atungal ni Roger habang nasa loob ng hukay minalas sita dahil naabutan ko siya ako pa!

“Dante naman o bati na tayo sige na ayoko ng masandok ni Misis masakit anit ko eh.” dagdag na nito.

“Mamaya na kita iaahon diyan kaya relax ka lang diyan.”

“Dante naman eh!” maktol ni Roger.

“Tito! Nakita nyo po ba si Papa?” sulpot ni Monina mula sa damuhan.

“Anak andito ako sa hukay!” sigaw ni Roger kaya dali-daling lumapit si Monina at sinilip ang Ama.

“Hala Papa bakit andyan ka!?”

“Itanong mo diyan sa Tito Dante mo nilaglag niya ako dito eh.” hinging saklolo ni Roger sa Anak kaya natawa ako. Kinuha ko ang lubid saka ko hi agis ang dulo sa loob ng hukay.

“Naglalaro lang po pala kayo dito eh kanina pa kayo hinahanap ni Mama at galit na naman siya kasi may pumuntang Parokyano ng mga gulay natin kaso ang seksing at ang puti hinahanap ka ikaw daw ang gusto niyang magdeliver kaya si Mama inimpake na pi ang mga damit nyo nasa labas na nga po ng Kubo sabi pa ni Mama tatadt@rin daw po niya kayo kapag nakita niya kayo. Lagot ka na naman Papa! Masyado ka kasing pogi eh sabi ko kasi sa inyo iwasan nyo po ang magpa-cute sa mga Babae saka wala ka daw pong pananghalian ngayon kasi pangdalawahan lang daw po ang niluto ni Mama.”

“Naku naman! Hindi ko kilala ang bruhang iyon Anak. Dito na lang kaya ako kesa matadt@d ako ng Mama mong selosa eh siya lang naman ang mahal ko kahit itanong mo diyan sa katabi mo ang Mama mo lang ang unang Babae sa buhay ko kahit sinas@ktan niya ako mahal ko siya kaya ka nga nabuo eh!”

“Umakyat ka na po Papa wag ka ng madrama ang pangit nyo po mag-emote!”

Walang nagawa si Roger kundi hawakan ang dulo ng lubid saka umakyat palabas ng hukay lalo ko lang tuloy namiss ang Anak ko. Basta pagbalik niya dito babawi ako sa pagiging marahas ko para hindi na siya lumayo.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon