KABANATA 14

251 12 2
                                    

Gavin's POV

Sa Robinsons Mall Imus kami nagpunta para kumain syempre dahil nagugutom na nga ang Baby ko.

"Okay saan mo gustong kumain?" tanong ko habang sige naman ang lingon ni Roanne oo nga pala ngayon lang siya naka gala simula ng lumuwas siya ng Maynila.

"Teka." nakangusong turan ni Roanne sabay lingon niya sa paligid. "Ayun! Kay Jollibee tayo kumain." turo niya sabay hatak sa braso ko natawa na lamang ako talagang bata pa nga ang Girlfriend ko.

Mahigpit ang kapit sa akin ni Roanne pero ayos lang alam ko naman na natatakot lang siyang mawala medyo marami kasing tao na namimili malapit na rin kasi ang pasukan.

Nasa dulo kami ng pila at nasa harap ko ang Baby ko baka kasi maitulak pa siya naku tiyak makakasap@k ako kaya maganda ng umiwas na lang. Hindi ako mahilig sa mga fast food pero dahil kami na ni Roanne dapat masanay na ako lalo at paborito niya si Jollibee sabagay pareho kasi silang cute kagigil sarap pisilin.

"Aray ko naman Gavin ha ngungurot ka na naman ng pisngi." baling niya sa akin habang nakatingala.

"Sorry na Baby ko ang cute mo kasi." bahagya akong yumuko para marinig ko siya medyo maingay kasi ang paligid.

"Gusto mo ng 1pc chicken at Burger saka fries yung go large ha saka mango pie na rin tapos coke ummm kasya ba yung sinahod mo? Baka kasi magkulang."

Napatitig ako sa mga mata ni Roanne talagang nag-aalala siya na baka maubos ang kinita ko bilang Construction worker wow nagmamatured na ata ang Baby ko ah.

"Kahit maubos pa ang sinahod ko okay lang may ipon naman ako eh saka magtatrabaho uli ako para may pera uli tayo diba."

"T-tayo?"

"Opo. Simula sa araw na ito ikaw na ang hahawak ng perang sasahurin ko."

"Ha? B-bakit ako e pera mo iyon diba?"

"Dati yun nung hindi pa tayo pero ngayong tayo na ikaw na ang hahawak lahat ng perang kikitain ko."

"Pati ba cellphone mo?"

"Cellphone ko?" takang tanong ko.

"Oo kasi kadalasan sa mga Lalaki nagkakaroon sila ng mga Babae lalo na yung mga sexy at hindi mo maiaalis sa akin ang magselos noh."

Napangiti ako saka umayos ng pagkakatayo kinuha ko mula sa nakasabit na belt bag sa dibdib ko ang cellphone ko saka iyon binigay sa kanya. "Wala akong Babae. Hindi naman ako nagagalit kung nagseselos ka kaso ayokong naiistress ka dahil tiyak malalagot ako sa Papa mo may naka-reserve na nga atang hukay dun sa Tierra para sa akin."

Kinuha ni Roanne ang cellphone ko saka iyon tinignan merong mensahe pero hindi ko kilala ang numero.

"Sino 'to?"

Tinitigan ko ang numero. "Di ko kilala bakit anong sabi?"

Binuksan ni Roanne ang mensahe.

"See you tomorrow, Mister Topias." basa niya sabay lingon sa akin. "May kikitain ka ba bukas?"

Umiling ako. "Linggo bukas kaya day off ko 'yon."

"Ganon ba hmmm ako na munang maghahawak nitong cellphone mo ha palit tayo."

Napakasigurista ah manang-mana kay Dante pero cute version siya ng magulang niya.

"Sure. Ikaw ang Commander in-charge kaya ikaw po ang masusunod."

Ngumiti naman siya sabay irap. "Siguraduhin mo lang Gavin dahil iiwanan talaga kita-."

"At magpapasundo ka sa Papa mo tapos idadamay na niya ako sa sundo kaso ihahatid na rin niya ako sa huling hantung@n ko." dugtong ko sabay tawa ng mahina.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon