KABANATA 28

195 14 1
                                    

Gavin's POV

Nakabusangot si Roanne pag-uwi namin kahit anong gawin ni Danica talagang hindi niya mapangiti ang kaibigan niya na mas pinili pang mag cellphone kesa ang kausapin kaming dalawa.

“Magpahinga na lang muna kayo. Pupunta lang ako sa Talipapa parang gusto ko kasing magluto ng sinabawang isda.” paalam ko.

“Okay po Tito. Don't worry okay lang po kami medyo silent treatment lang ngayon si One.”

“Okay.” humakbang na ako palabas ng pinto ng magsalita ang Misis ko.

“Dalhin mo ang cellphone mo ha.”

Agad ko siyang nilingon pero tutok pa rin siya sa cellphone niya tumayo si Danica para kunin ang cellphone ko sa ibabaw ng tv rack.

“Salamat.”

“Welcome po Tito Gavin.”

“Alis na ako, Baby ko.” paalam ko kay Roanne pero hindi pa rin niya ako kinibo.

Hindi na ako nangulit baka lalong magalit mahirap na sa malapit lang naman ako bibili kaya hindi na ako nagmotor kaya naman kasing lakarin ang papuntang Talipapa.

Malayong-malayo na ako sa bahay ng nag-vibrate ang cellphone ko kinuha ko iyon mula sa bulsa ng suot kong shorts.

Napangiti ako. Si Misis nag-chat kaya pala niya pinapadala sa akin ang cellphone ko ang sweet naman.

Baby Misis ko (received)
Galit ako sayo. Wow ha ang galing mo kagabi kaya pala ganun kasi ilalagay mo ako sa malayo. Ayoko na sayo!

Napahugot ako ng malalim na hininga sabay buga sa ere. Nagtatampo nga siya.

Muling nag-vibrate ang cellphone ko. Ai Misis ulit.

Baby Misis ko (received)
Galit sabi ako sayo! Uuwi na lang ako sa Tierra kesa pumasok sa Salvacion Boarding school na iyon! Isusumbong kita kay Papa!

Muli akong napahugot ng buntong hininga Baby pa nga ang Asawa ko. Teka mareplayan na nga. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagtitipa ng pwede kong isagot sa nagtatampo kong Misis.

Ako (sent)
Hindi ba gusto mong maging magaling na Writer balang araw gaya ng idol mong si Chan zee, natatandaan ko pa yung sinabi mo na hihigitan mo siya diba.

Kamuntik pa akong mabangga sa pader kakabasa ng reply ni Roanne.

Baby Misis ko (received)
Oo nga bakit napasok si Miss A sa usapan ha! Iniiba mo lang ang usapan Gavin! Basta galit talaga ako sayo! Mag-iimpake na ako para pagbalik mo wala ka ng abutan dito sa bahay uuwi na lang ako kina Mama ko iiwanan na lang kita!

Napakamot ako sa batok ko sabay lakad ng konti at reply ulit.

Ako (sent)
Para sayo naman kaya ko ginawa iyon isa pa makapag concentrate ka sa pag-aaral mo dahil hindi mo na kailangan pang bumiyahe diba. Asawa na kita kaya hindi kita pauuwiin sa Tierra ng hindi ako kasama kung may balak kang takbuhan ako pwes sorry dahil sa haba ng binti ko tiyak maaabutan kita.

Huminto ako sa tapat ng tindahan ng mga isda ilang minuto ko munang inantay ang sagot ng Misis ko pero wala.

Hay naku talagang dapat palang sinusuyo ang mga Asawang Babae ngayon alam ko na kung bakit aligaga sila Dante kapag nakanguso na ang mga Misis nila grabeh hindi ako makapag concentrate baka nga totohanin niya! Kakakasal lang namin kahapon tapos lalayasan na ako agad aba hindi pwede iyon.

Ako (sent)
Wala ka bang tiwala sa akin, Misis ko?

Sana sumagot siya.

Napawi ang pangamba ko ng mag-vibrate ang cellphone ko. Sa walas sumagot ulit siya.

Baby Misis ko (received)
Meron pero sa mga Babaeng nakakasalamuha mo WALA! Lalo na sa Engineer na iyon! Sinasabi ko sayo Gavin uuwo talaga ako sa Tierra at makikipag-divorce ako sayo kapag nagpalandi ka sa iba!

Natawa ako kaya sa halip na replyan ko siya ay minabuti kong tawagan na lang siya.

[Hello. Bakit ka tumawag?] sagot niya sa kabilang linya.

“Ummm nagtatampo ka po kasi kaya tumawag ako don't worry hindi na ako baya para makipag lokohan okay. Mag-aaral ka sa Salvacion gaya ni Danica at ako may trabaho na akong bago… saka balewala ang mga Babae kasi nag-iisa ka lang… ummm hindi ko babasagin ang tiwala mo lalo na ang puso mo kasi mahal kita. Sige na pinagtitinginan na nila ako dito sa Talipapa. I love you Misis ko.”

Hindi na sumagot si Roanne pero sapat na sa akin na marinig ang mahinang iyak niya ibig sabihin napakalma ko siya kahit papaano pansin ko parang nagiging bugnutin siya ngayon.

Binaba ko na ang tawag ko at muking tinago sa loob ng bulsa ng shorts ko ang cellphone ko.

“Asawa ko medyo nagtatampo kaya kailangang lambingin mahirap na baka iwanan pa ako.” saad ko sa mga taong pinagtitinginan ako habang kausap si Roanne sa telepono.

Nagtawanan sila.

“Ang gwapo mo kasi Kuya kaya normal lang na magseselos ang Asawa mo kahit ako eh crush nga kita lagi kitang nakikita nakasakay sa big bike mo ayun pala may Asawa ka na. Sayang naman hindi na.kita pwedeng landiin may magagalit na pala.” agad na sagot ng Babaeng pumipili din ng isda.

“Ay ganun ba? Sa iba mo na lang ilabas yan Ate hindi kasi mahilig sa mga K@bit masisira lang ang buhay ko sa kanila. Excuse  me lang ng konti para makapili naman ako ng ipapakain kong isda para sa Asawa ko ha.”

Umurong naman ito agad ramdam kong nadismaya siya sa sagot ko hindi ata niya inaasahan na lagapak ang ganda niya sa akin hay naku ang dami ko ng nakitang Babae pero isa pa lang ang nahalikan ko at narom@nsa none other than my cute chubby Wife! Wala ng hihigit pa sa kanya all in one na nga siya dahil may Kaibigan na ako may Anak pa ako at Asawa o diba ano pa bang hahanapin ko e sa kanya pa lang hirap na ako manuyo tapos kukuha ako ng k@bit parang ang kapal naman ata ng mukha ko! Kahit may mga itsura kami never kaming mangang@bit bilang respeto sa mga Asawa namin tapos na ang buhay binata namin simula ng itali namin ang mga sarili namin sa mga Babaeng napili naming iharap sa Altar— kaso sa Huwes ko pa lang naiharap si Roanne… di bale babawi ako kapag nakagraduate na siya para surprise.

Nakabili na ako ng isda ganon din ng mga rekado kaya oras na para maglakad pabalik sakto naman na may nadaanan akong nagtitinda ng cotton candy paborito ni Misis yon kaya bumili ako ng dalawang balot para tig-isa sila ni Danica bumili na rin ako ng lobo para peace offering sa Misis ko. Yan excited na akong umuwi!

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon