KABANATA 25

325 17 7
                                    

Gavin's POV

“Wag kang masyadong mabilis maglakad Danica maraming tao baka mawala ka.” sigaw ni Roanne este Misis ko sa makulit niyang kaibigan pagbaba namin ng taxi aba at nangungunsumi na yata ngayon pa lang ang Misis ko ah.

“Ang bagal nyo kasi.”  sagot nito habang naglalakad pabalik sa amin.

“Hello kinakausap pa kaya ni Gavin yung si Manong Driver.” nakabusangot na turan ni Misis humahaba na naman ang nguso niya sabay tawa ni Danica.

“Hala ka oh talagang Gavin lang wala man lang names gaya ng Honey, Sweety mga ganun ba, One naman mag-asawa na kayo diba kaya nga tayo nandito ngayon sa MOA para magcelebrate diba.”

Naku si Danica talaga walang kahihiyan talagang mabunganga hindi naman ganun si Caridad pero si Kuya Remus medyo Dante din yun eh may pagka matalak. Napa sign of the cross ako ng biglang pumasok sa isipan ko ang Pare kong iyon di bale malalaman naman nila sa tamang panahon at hindi pa yun ngayon.

Tumawa lang ako sabay akbay kay Roanne.  “Let's go kakain muna tayo bago mamasyal at syempre bumili ng gusto nyong dalawa.”

“Libre po ba iyon Tito Gavin?” 

“Oo naman libre.”

Napapalakpak si Danica saka tumabi kay Misis habang naglalakad kami.  “O narinig mo si Hubby mo ah na LIBRE daw ako bumili ng gusto mamaya!”

“O di libre. Hmp!” sagot ni Misis ang sungit-sungit ata niya ngayon?

“Sungit naninigurado lang kasi diba madalas sinisingil mo ako lalo kapag nagkikita tayo sa canteen dun sa School natin dati diba ibibili mo ako ng pagkain at ang dami pa tapos pagdating sa Tierra kwenikwentahan mo na ako at may tuno pa!”

Natawa ako sa himutok ni Danica hindi ko akalaing may pagkanegosyante pala ang Misis ko.

“Ewan. Stempre sisingilin kita kasi 50 lang binibigay sa akin ni Papa dina alam nyo naman iyon nadadagdagan lang yung baon ko kapag pasado ako sa mga exam ko kaso kadalasan palakol eh saka hello nililimusan na nga lang ako nila Tito Rex at Tito Roger saka nitong si Gav— Asawa kong baon diba para daw may panggala ako kahit papaano.”

“Sabagay kaso ang daya tumubo ka na nga tapos doble pa ang presyo ng kinain ko!”

“Kasi diba sa canteen mo iyon kinain.” pag-uumpisa ni Misis naaaliw akong pinakikinggan silang magkaibigan habang naglalakad kami para humanap na makakainan.

“Oo.”  sang-ayon ni Danica.

Parang batang binilang-bilang ni Misis mga daliri niya habang nagkwekwenta.  “O kung sa canteen mo kinain yon original price pa iyon kaso dahil bumiyahe ka na pauwe at hindi mo ako binayaran kaya dumoble yon at syempre meron dapat tubo na sampung piso ang isa!”

Ang lakas ng tawa ko ang talino ng Misis ko ah! Tiyak hindi kami maghihirap nito madiskarte kasi ang napili ko.

“Bakit ka natawa? Ano na nagugutom na ako Gavin!”  nakatingalang reklamo niya.

“Wow balik Gavin agad diba kanina lang ‘Asawa ko’ ang tawag mo sa akin?”

“Kanina yun e gutom na kasi ako kaya demoted ka na muna bilang ‘Asawa ko’ okay.”

Pigil ni Danica ang tawa niya siguro ramdam niyang naiinis na ang kaibigan niya.

Friday kaya maraming tao sa Mall at punuan lahat ng kainan ang layo na ng nalalakad namin kaso wala talaga kaming makitang pwede naming kainan.

“Gutom na ako.”  bulong ni Misis.

“Ayun merong food stand dun konti lang ang nakapila ummm okay lang ba sa inyong dalawa? Sorry kung nakalimutan kong magpareserve ng Restaurant nawala kasi sa isip ko eh—.” hindi ko na natapos pa ang pagsasalita ko ng hawak kamay na naglakad ang dalawa palapit sa ShawarmaTime mukhang gutom na nga talaga silang dalawa ah kaya naiiling na sumunod na lamang ako sa kanilang dalawa.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon