KABANATA 34

200 14 2
                                    

Roanne's POV

“Ang dami mo namang pinamili baka maubos ang budget natin niyan ha diba umalis ka na nga sa trabaho mo.” salubong ko sa kanya ng may narinig akong humintong tricycle sa harapan ng gate namin abala kasi si Danica sa paglilinis ng mga isda kaya ako na ang nagbukas.

Ngumiti lang si Gavin habang isa-isang nilagay sa harap ng pinto ang mga eco bag bago siya nagbayad kay Manong Driver. Inakbayan niya ako saka kami sabay na pumasok ng bahay.

“Ang dami naman niyan.” muli kong sita.

“Ma, lahat yan para sa inyo ni Baby kung tutuusin kulang pa nga yan eh ang kaso hindi ko na kayang bitbitin kaya next time na lang.” sagot naman niya habang tinatanggal ang suot niyang sandals.

“Kaso ang dami nga kasi eh diba kailangan nating magtipid dahil buntis na nga ako diba dapat na tayong mag-ipon para sa kinabukasan ng Anak natin. Ano ka ba palibhasa matanda ka na kaya ganyan ka kung gumastos!”

Tumawa lang si Danica saka kami tinulungan sa mga bitbit ni Gavin. “Sakto ang dating mo Tito kasi malinis na po ang isda.”

“Ganun ba. Salamat. Yung isang eco bag sayo yun para meron kang dessert basta kung anong kailangan mo magsabi ka lang sa akin ha.”

“Okay po Tito Gavin.”

Dumeretso na sa kusina si Gavin pagkatapos ipasok sa loob ang mga pinamili isa-isa naming nilabas lahat ng mga iyon pigil ko ang mga luha ko halos lahat kasi ng pinamili niya ay para sa akin at sa Anak namin tapos sinungitan ko pa siya pagdating niya kanina. Tahimik kong nahaplos ang tiyan ko ang swerte namin ni Baby sa napili kong Lalaki.

“Iba talaga basta mas matanda ang partner ano One kasi matured na silang mag-isip talagang ibe-beybi ka at ipaparanas sayo ang Princess treatment. Ako kaya sapalagay mo ba makakahanap din ako ng gaya ni Tito Gavin na mabait, masipag at napakahaba ng pasensya at loyal pa kahit gwapo eh stick to Roanne lang!”

Hindi ako naka sagot wala din kasi akong alam na isasagot eh pero isa lang ang malinaw pa sa sikat ng araw na maganda si Danica kahit saang angulo tingnan kaya kahit sinong Lalaki mahuhumaling sa kanya.

“Talagang stick to Roanne lang ako saka bakit ba yan ang iniisip mo akala ko ba narito ka sa Maynila para sa Scholarship mo.” sabat ni Gavin habang naghihiwa ng mga rekado.

“Oo nga po para sa Scholarship ko po kaya lumuwas ako dito pero syempre dalaga na po ako kaya gusto ko ring maranasan ang holding hands mga ganong bagay ba, masama po bang mag-isip ako ng ganon.”

“Hindi naman masama ang kaso nga lang siguradong magagalit ang Papa mo naku hindi mo pa ata nakikitang magalit si Kuya Remus noh.” maling sagot Gavin kahit ako hindi ko pa siya nakikitang magalit sabagay halos lahat naman sila hindi ko pa nakikitang magalit tanging si Papa lang nung unang gabing may nangyari sa amin ni Gavin nakakatakot magalit si Papa para siyang ibang tao siguro ganon din ang mga Tito ko lalo na kung mga Anak nila ang involved.

Umiling si Danica. “Hindi pa nga po.”

Tinapos muna ni Gavin ang paghihiwa ng mga rekado saka niya sinalang ang kaserola at nilagyan ng konting tubig at pinakulo. Nilingon niya kami.

“Ummm nakakatakot magalit ang Papa mo kahit si Dante hindi kaya ang Papa mo kaya mag-iingat ka wag na wag kang gagawa ng bagay na hindi maganda kasi tatawa-tawa lang si Kuya Remus pero wag ka kapag nagalit ‘yon kahit ako nanginginig.” seryosong turan ni Gavin ibig sabihin takot silang lahat kay Tito Remus pero bakit naman kaya? Pati si Pala takot din.

Namutla si Danica mukhang ramdam niya ang galit ng Papa niya ayon kwento ng Asawa ko.

Kumulo na ang nakasalang na tubig kaya isa-isang ng nilagay ni Gavin ang mga rekado bago isunod ang isda at petchay. “Walang nakakapagpa kalma kay Kuya Remus… siguro si Caridad lang syempre tiklop kami sa mga Misis namin eh kasi aila ang Boss kung kami ang Hari sila namang ang korona namin kaya mas mataas sila sa amin hindi nga lang literal kasi yung Misis ko hanggang dibdib ko lang—.”

“O di maghanap ka ng iba o kaya doon ka na lang sa Engineer na iyon diba matangkad yon saka seksi bagay kayo kasi ikaw macho diba may abs ka o di siya na lang Anakan mo! Pwede naman akong umuwi sa Tierra eh akala mo kung sinong gwapo matanda ka na!”

Natawa lang si Gavin sabay halo sa nilulutong isda.

“Oi, One grabeh height lang naman yung tinutukoy ni Tito Gavin masyado ka namang advance uwi agad sa Tierra ganurn.” saway ni Danica.

Binalingan ko siya. “E totoo naman eh alam kong pandak ako at mataba hindi ko namana ang tangkad ni Papa at ang kaseksihan ni Mama!”

Tumawa lang ulit si Gavin saka niya pinatay ang stove.  “Kakain na po tayo. Mamayang hapon ihahatid na natin si Danica sa Salvacion Boarding school kaya magta-taxi tayo para madala natin ang ibang mga gamit niya.”

Ngumuso lang ako sabay ismid naasar pa ako ng muking tumawa si Gavin hindi naman ako dating ganito ah o baka dahil sa buntis ako kaya moody ako ngayon… normal kaya sa mga buntis ang ganito o ako? E talagang ang bilis uminit ng ulo ko ngayon may magagawa pa ba ako tapos ang lakas pa mang-asar ng Asawa kong gurang na!

Nilatag ni Danica ang folded table hindi kami kasya doon dahil maliit lamang iyon kaya tanging kaserola na naglalaman ng bagong lutong ulam ang bango kaya kumalam agad ang sikmura ko.

“Naku Tito Gavin bilisan nyo pong kumuha ng plato at gutom na ang pamangkin ko baka paglabas nito nakabusangot din gaya ng Mama niya!” buska ni Danica.

Tahimik ko na lamang inayos sa estante ang mga pinamili ni Gavin para sa amin ni Baby saka ako sumulampak ng pagkakaupo sa sahig gaya nilang dalawa.

Pinagsandok ako ni Gavin. “Ma. Mainit yan ha baka mapaso kayo ni Baby.”

“Ayyyeeeeee inggit naman ako gusto ko din ng may nagki-care sa akin eh.” hirit ni Danica talagang lagi siyang merong nasasabi kahit napakasimpleng bagay lang napupuna pa niya hay naku makakain na nga lang.

***

Gunter’s POV

“Ang tahimik mo ata?” ng naabutan kong nakahiga lang sa couch si Klaus at malayo na naman ang tingin.

“Kasi Kuya yung prospect kong package hindi na daw tutuloy sa Salvacion binigyan na nga daw nila ng discount yung kamag-anak ata non kaso talaga pinull-out niya ang Babae hindi na nga daw kinuha ang perang binayad niya for the whole year kaya mainit ang ulo ko ngayon!”

“Marami pa namang iba diyan diba. Sabi ko naman kasi sayo sa mga Scholar ka kumuha hindi sa may mga pera tiyak na hindi la uobra sa mga gaya nila.”

“Ewan basta next month punta tayo sa Auction baka may magustuhan nga ako medyo kinakati na naman kasi ang kamay ko eh alam mo naman ako diba Kuya.”

“Klaus. Ayoko ng sabit tandaan mo iyan sa oras na pumalpak ka kahit kapatid pa kita ang Batas ay Batas bilang pinuno ng Alphaveto tungkulin kong protektahan ang samahan.” seryosong paalala ko napapansin ko kasing napapadalas na lang ang mga kinasasangkutan niyang gulo at ayokong malagay sa alanganin ang samahan.

“Don't worry Kuya ako pa!”

“Gumamit ka na naman ba?”

Ngumisi ito.  “Para saan pa at nagbebenta tayo ng dr*g@ kung hindi naman natin titikman diba.”

“Bunso hanggat maaari ayokong maging kwento ka na lamang. Nagbebenta lang tayo pero hindi tayo gumagamit. Itigil mo yan o ako mismo ang magpapatigil sayo.”

Hindi na umimik si Klaus, tumayo siya saka naglakad pababa ng basement paniguradong meron na naman siyang pinahihir@pang Babae.

“Klaus.” tawag ko sa pangalan niya.

Huminto siya sa paghakbang saka ako nilingon.

“Ayaw kong maglib!ng ng kapatid pero kaya kong lagyan ng b@la ang bungo mo sa oras na may gawin kang hindi naaayon sa Batas ko.”

Ngumisi lamang siya saka tumango at muling naglakad.

Kapatid ko nga siya pero kung mabubuwag ang samahan dahil sa kalokohan niya masmabutinpang tapusin ko na lang ang kaugnayan naming dalawa.

GavinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon